KABANATA 35: AKALA ko ay hanggang sa usapang salary lang ang gagawin niya. Nagulat ako na pag-gising ko kinabukasan ay halos mapuno ang buong living room sa sandamakmak na paper bags! Pagkita palang sa akin ni Amber ay excited itong hinatak ako para tignan lahat ng mga regalo doon. “These are all for you, Ate Rica!” maligayang sabi ni Amber at niyakap ako sa beywang. Kunot ang noo, awang ang bibig ng pasadahan ko ang mga paper bags sa sahig. Napasinghap ako na makita ng bigating brand doon. Chanel! Gucci! Loui Vuitton! Armani! Hermes! Prada at marami pang iba. Mahihimatay ata ako kung titignan ko pa ang presyo ng mga iyan. “Binili ‘to lahat ni Lo—I mean Sir Logan?” tanong ko kay Amber na sinisilip din ang isa sa paper bag. Tiningala niya ako at umiling. “No! I bought it for you!” Nak