KABANATA 36: TULUYAN na kong nalunod sa lalim ng kanyang mga halik. Kakapusin pa ata ako ng hininga. Para akong lalagnatin sa sobrang init. Nagpatianod ako sa agos ng sekswal na attraksyon. Hanggang sa hindi ko na namalayan. Nabuhat niya na ako na parang bago kaming kasal Umaahon kami mula sa pool. Hiyang-hiya ako. Hindi ko ata kayang tignan siya sa kanyang mga mata. Dala na din siguro ng alak kaya ang lakas ng loob ko. Sinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. Basa pa kaming dalaw dahil galing kami sa tubig. Dinig ko ang mabibigat niyang paghinga at pagmamadali sa bawat kilos. Halos masira ang pinto sa pagkakasipa niya. Ibinaba niya ako ng makarating kami sa sarili kong banyo. Nanatili akong nakayuko habang sapo-sapo ang noo at nakapikit. Inaantok n