KABANATA 9: HINDI na namin pinilit si Esmeralda na bumalik sa tinda. Nung sinubukan kasi ay nagmamatigas talaga siya at ayaw na sumama kahit na hinatak na siya ni Papa sa sobrang galit sa kanya. Sa huli, nagkulong ito sa kwarto at nagi-iyak. Hindi na rin nagpumilit si Papa dahil sila na ni Mama ang nagaway dalawa. Napabuntong-hininga ako. Alam ko na dahil sa nangyari ay lalong lalayo ang loob ni Esmeralda sakin. Sinisikap ko nga na bumalik ang loob niya sakin tapos hindi parin pala. Lumala pa nga. Tinuloy ko ang pagtitinda kahit ako na lang mag-isa. Pagdating ng meryenda ay si Patricia na ang kasama ko na naglalako ng turon at banana cue sa kalsada. Ganoon ang nangyari samin pagkalipas ng isang linggo. Ang kaso ako na lang ang mag-isa at si Mama. Hin