KABANATA 8: UMIIYAK ako habang nakatitig sa kape na unti-unti ng lumalamig. Bumalik si Papa sa pwesto niya kanina si Mama naman ay bumalik sa niluluto niya. Alam ko naman na kahit maiwan kaming tatlo dito ay rinig na rinig parin naman ang pinagu-usapan namin dahil isang dipa lang ang agwat at puro yari sa kahoy ang bahay namin. “Hindi mo na ‘yan mababawi. Kailangan mo lalong magsipag sa pagtitinda at ipagdasal mong may raket ka pang makuha para mabayaran mo ang kaibigan mo. Naku! Nanay pa naman ‘non ay pala-away. Pagnalaman ‘yan ni Belinda. Susugurin pa tayo dahil sa utang na ‘yan at ipapa-barangay,” problemadong sabi ni Mama. “Wala ng magagawa diyan. Huwag ka ng magpa-uto sa susunod. Sikapin mong bayaran ang utang mo. Kapag may sobra ako bibigyan