KABANATA 7: PANAY ang punas ko ng aking luha. Hindi maawat. Ayaw magpapigil. Sa tuwing naiisip ko na naloko ako at posibleng hindi ko na makuha ang limang libo na hiniram ko pa kay Dana ay nanghihina ako. Nakakapanghina umuwi. Pilit kong nilabanan ang emosyon. Pagbaba ko palang ng Bus at naglakad na papasok sa barangay namin ay nagpanggap akong okay. Bitbit ang panyo ay ginawa kong pantakip iyon sa ilong at labi. Sinisipon na kasi ako kanina pa gawa ng pagiyak simula pa ng pagsakay ko sa Bus. Nakakahiya sa mga taong makaka-kita sakin. Lalo na baka bakas parin sa aking mga mata ang tanda ng pagluha. Nakasalubong ko ang ilang kakilala. Tango lang ang sinagot ko. Pero hindi sa kumare ni Mama. “O, Rica! Saan ka galing?” tanong sakin