KABANATA 11: PAGLINGON ay mukha ni Mama ang bumungad sakin. Naga-abang agad sa tapat ng pinto at bakas ang excitement at katanungan sa kanyang buong mukha. “May trabaho ka na?!” excited niyang tanong. Umiling ako at natatawa sa kanya. “Wala pa, i-interbyuhin pa daw ako sa susunod na araw kaya luluwas ako pa Maynila bukas ng hapon. Doon na ko matutulog sa boarding house na alam ni Dana.” Hindi parin nawala ang liwanag sa mukha ni Mama kahit na wala naman talagang kasiguraduhan pa kung makukuha ako sa trabaho na ‘yon. Pumasok ako sa loob at sumunod siya na pinaulanan na ko ng mga tanong. “Saan daw ba ‘yon? Maaga ang interview? May pera ka pa bang extra? Naku dapat makuha ka diyan Rica!” nagpapalatak na sabi ni Mama.