-Shania's POV- Another morning sickness. Nakakapanghina, parang gusto kong maiyak dahil wala man lang umaalalay sa akin sa mga ganitong pagkakataon. Wala si Sir Lawrence. Hindi naman kasi siya natutulog dito. Kaya sa tuwing umaga'y mag-isa akong naghihirap. Pagkatapos kong magduwal ay nagpasya na akong maligo. Mabilis lang akong naligo, ayaw kong magbabad masyado. Isang maluwag na sweatpants at gray t-shirt lang ang isinuot ko. I didn't bother to put on my bra. Nakakailang kasi. I am now four months pregnant. I already have a bump. Kaya tama talaga ang desisyon kong tumigil muna sa pag-aaral. For past few weeks puro cold treatment ang natatanggap ko kay Sir Lawrence. I tried to understand him. Alam ko namang ako ang may kasalanan kung bakit malamig siya sa akin. Iyon nga lang hindi