-Shania's POV- Ang huling gown ang napili kong gamitin para sa kasal. Kulay puti at napakaganda ng pagkakaburda. Simple lang ang design, hindi mahalay, hindi rin naman sobrang konserbatibo. "Let's go." Narinig kong sabi ni Sir Lawrence. Napapairap na tumayo ako sa kinauupuan. Madilim ang ekspresiyong nauna akong naglakad kay Sir Lawrence. "What's with your face?" he asked while driving. Napansin niya na siguro na kanina pa akong nakasimangot. Mabuti iyon, para malaman niyang inis na inis ako sa ginawa niya! "Wala." Maikli kong sagot bago ibinaling ang tingin sa labas ng kotse. "Okay." sagot ni Sir. Napapamaang na tumingin ako sa kaniya. Seriously? He's not gonna ask me why? Grabe talaga. Umasa pa naman akong pipilitin niya akong sabihin sa kaniya ang problema ko. Pero peste,