-Shania's POV- "Baby!" nakangiting tawag sa akin ni mommy ng pagbuksan niya kami ng pinto. Gusto ko na kaagad umiyak nang makita ang malaking ngiti ni mommy. Pagkatapos niya akong mayakap ay nagtatakang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin ni Sir Lawrence. Mas tumagal ang tingin niya sa akin na para bang nahuhulaan na ang ipinunta ko rito. "C-Can I talk you M-Mom?" Garalgal ang boses na tanong ko. Tumulo ang luha ko nang makita ang pagtigas ng ekspresyon sa mukha ni mommy. Walang imik na pinatuloy niya kami ni Sir Lawrence sa sala. Ilang beses akong lumunok habang nakatingin sa walang ekspresiyong mukha ni mommy. Kahit wala pa siyang sinasabi'y ramdam ko na ang sakit. Alam kong disappointed na kaagad siya kahit hindi ko pa nasasabi ang tungkol sa ipinunta ko rito. "Maupo kayo."