-Shania's POV- Lunes na naman, may pasok. Kahit masama ang pakiramdam ko ay pinilit kong bumangon. Pero bigla akong napabalik sa aking kama nang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Seconds later, I rushed to my comfort room. Nagsusuka ako, ang sakit sa ulo, nakakapanghina. I decided to take a warm shower. Feeling ko kasi hindi ko kakayanin ang malamig na tubig. Nang matapos ako ay kaagad naman akong nagbihis at tumungo sa kusina para magluto sana ng agahan ko. But to my surprise, the table was already set. Marami nang nakahandang pagkain. "Sir Lawrence?" mahinang sabi ko. Siya lang naman ang pwedeng gumawa niyon. Hiningi kasi niya ang password ng aking condo. Para raw matingnan-tingnan niya ako. O kaya nama'y para madali raw siyang makakapunta sa akin kapag may nangyari daw na 'di in