-Shania's POV-
I am very disappointed to myself. Bakit ba naglasing ako? Bakit sa dinami-rami ng lalaking pwede kong makasama ng gabing iyon, bakit si Sir Lawrence pa? Bakit hindi na lang isa sa mga schoolmate kong nandoon din sa bar? Mas matatanggap ko pang isa sa kanila ang nakasama ko noong gabing iyon. Hindi sana ako nagsisisi ngayon. Hindi ko sana tatamuhin ang kahihiyang ito. Hindi sana ako masasaktan sa mga sinabi ni Sir Lawrence. Hindi sana ako umiiyak ngayon.
Ang tanga ko.
Kaagad akong pumasok sa condo pagkauwi ko galing school. Nagpalit lamang ako ng damit at dumiretso na sa terrace para magpahangin.
Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib. Pinilit kong libangin ang sarili ko. Inilibot ko ang tingin sa buong condo na para bang ngayon lang ako nakapasok dito. Na para bang ngayon lang ako titira rito gayong matagal ko nang nakabisa ang kabuuan nito.
Maganda sana ang condo unit na napili ko, kaya lang nasa top floor ito. Hassle ang pagbaba kapag nasira ang elevator. Apat lang rin ang kuwarto sa top floor. Ang dalawang kwarto ay vacant pa rin. Ibig sabihin dalawa lamang kami ni Sir Lawrence ang nakatira sa floor na ito ngayon. And that's sucks!
That means may sinasabi sa buhay si Sir Lawrence. Pero hindi ko naman sinasabing mayaman rin ako. Parents ko ang mayaman, sila ang bumili nitong unit. Mas malapit kasi sa school kumapara sa bahay namin.
Marahan akong nagpakawala ng buntong-hininga bago naupo sa upuang nasa gilid. Mariin akong napapikit. Dahil doon, naalala ko bigla ang pag-uusap namin ni Sir Lawrence kanina.
How dare him talked to me like that? Parang hindi siya teacher kung magsalita kanina. The way he said all of those words. Parang galit na galit talaga siya dahil sa nangyari sa amin.
Nakakainis na siya pa itong may ganang magalit gayong ako itong babae sa aming dalawa. Virginity ko ang nawala! At baka maging dahilan pa iyon ng pagtakwil sa akin ng mga magulang ko.
I want to blame him for what happened, pero parang ang unfair naman noon. Ayaw ko mang aminin pero tama siya. He tried to stop me, pero hindi ako nagpapigil. Pinairal ko ang tawag ng laman. Kung iisipin mo nga, parang wala akong pinagkaiba kay David. Pareho kami ng ginawa ang pinagkaiba lang, ginawa ko iyon dahil sa kalasingan. Samantalang siya'y sinadya niya akong saktan.
Huminga ako ng malalim nang maalala ko ang dati kong nobyo.
David Francisco.
Ang lalaking pinangakuan akong, ako lang at wala nang iba. Ang lalaking ipagmamalaki raw ako dahil sa mga achievements ko. Ang lalaking hindi raw magsasawa sa akin dahil mahal na mahal niya ako. Bullshit!
Hindi ko alam kung bakit walang kumakalat na balita sa school na break na kami, gayong sikat kaming dalawa as a couple. Pero mabuti nga iyon, iwas tsismis. Bahala na kapag nalaman nilang break na kami ng prince charming nilang hambog!
"David Francisco, sinayang mo lang yung pagmamahal ko. Pinagpalit mo yung 3 years na pinagsamahan natin sa kalibugan mo." Marahang sabi ko habang umiiyak. Kung kaya ko lang magpanggap na hindi na sasaktan. Kung madali lang sanang makalimot. Pero hindi eh. Alam kong may nararamdaman pa rin ako kahit kaunti. Lamang nga lang ang sakit ng panloloko niya sa akin.
When I saw the sky turned red, I decided to go inside to cook for my dinner. Napabuntong-hininga ako nang makitang wala ng laman ang refrigerator ko. Bakit nga ba nakalimutan kong mamili kahapon?
Napapailing na pumasok ako sa kuwarto para magpalit ng damit. Nagsuot na lang ako ng black shirt at gray sweatpants. Dali-dali kong kinuha ang aking bag at saka lumabas para maggrocery.
Napasinghap pa ako nang makitang halos sabay kami ni Sir Lawrence sa pagbukas ng pinto. Nakauwi na pala siya.
Hindi ko siya nakitaan ng pagtataka nang makita niya ako. Marahil alam na niya noon pa man na dito ako nakatira.
Umiwas ako ng tingin at nagsimula nang maglakad patungong elevator. Tahimik lang ako. Of course, ayaw ko siyang kausapin. Hanggang ngayon nag-iinit pa rin ang ulo ko sa kaniya!
"Where are you going?" Tanong ni Sir Lawrence sa akin. I stopped walking and look at him with blank expression. Nakatitig lang siya sa akin na para bang normal lang sa kaniya na kausapin ako.
"None of your business Sir." I said in my low voice at nagpatuloy na sa paglalakad. Sino siya para ipaalam ko sa kaniya ang mga gagawin ko? Duh, we're not close.
"You're my student, I have the rights to know." Sabi niya sa akin sa tonong ikinakabog ng dibdib ko. Napakalamig niyon at para bang isa akong batang pinapagalitan ng kuya ko dahil sa may ginawa akong masama. Damn him!
"We're not in school Sir Lawrence kaya 'wag mo akong tanungin, dahil wala kang makukuhang sagot sa akin." Sarkastikong sagot ko. Wala na akong pakialam kung wala akong galang sa kaniya. Simula nang pagsalitaan niya ako ng masasakit na salita kanina, nawala na ang respeto ko sa kaniya bilang nakatatanda sa akin.
Kahit papaano'y gusto kong respetuhin siya bilang guro ko. Pero kung paulit-ulit na sasabihin niya ang mga bagay patungkol sa nangyari noon, 'wag na lang. Kaya ko siyang harapin nang maayos kapag nasa school. Pero dito? No way!
Pumasok ako sa elevator. Hindi ko siya pinansin nang sumunod siya sa loob. Bahala siyang mapanisan ng laway dahil hinding-hindi ko siya kakausapin!
"Hindi ko alam na may pag-uugali ka palang ganyan Miss President. Wala kang galang, wala kang respeto." Sarkastikong sabi niya sa akin.
Napaikot ang mga mata ko. Sabi nang ayaw kitang kausapin eh!
"Aren't you going to answer me?"
"May tinanong ka ba?" Hindi ko na napigilan ang hayagang magtaray.
"You're really rude to me."
"That's because you deserve it." sabi ko sa kaniya na ikinatahimik niya. Tahimik lang siya hanggang sa magkaroon na kami ng kasama sa elevator. Hindi na ako nakarinig ng kung ano mula sa kaniya. Mabuti nga iyon, baka kung ano pang isipin ng mga kasama namin sa elevator.
I wonder what he's thinking right now? Tahimik lang kasi si Sir Lawrence. Nakatingin lang siya sa repleksiyon namin sa salamin ng elevator. Kahit na nang bumukas ang pinto niyo'y wala siyang imik.
Pasimple akong umiling bago huminga nang malalim. Pinagmasdan ko ang paglabas ng mga kasabay namin sa elevator.
Nang akmang lalabas na ako'y isang pamilyar na boses ang narinig ko. Kasunod niyo'y may biglang yumakap sa akin nang mahigpit.
"Shania babe!" Para akong napako sa kinatatayuan ko nang marinig si David.
"Let me go." mariing sabi ko na mabilis naman nitong sinunod. Kaagad akong lumabas pero nakabuntot pa rin si David sa akin. Nagmumukha siyang tangang aso na sunod nang sunod.
"Oh, hi Sir."
Napalingon ako sa likod at nakitang katabi ni David si Sir Lawrence habang nag-uusap. Napaiwas ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin ni Sir.
"Yeah sure." Narinig kong sabi ni Sir kay David. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Basta wala akong pakialam!
"You heard that babe? Sasama raw si Sir sa atin manood ng sine." Malaki ang ngiting sabi ni David bago ako kinindatan.
Napatigil ako sa paglalakad at tumingin nang masama sa kanilang dalawa. Mukhang kailangang ipamukha ko kay David na tapos na kami!
"David, wala na tayo, kaya tigilan mo na ang katatawag sa akin ng babe! At isa pa wala akong natatandaang pumayag ako na manood ng sine kasama ka!" Mariing sabi ko sabay martsa paalis.
Nakakainis! Ano bang hindi niya maintindihan doon?!
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang mga oras na iyon. Bakit sa dinami-rami ng araw na pwede kaming magkitang tatlo, bakit ngayon pa?
Muling bumalik sa isipan ko ang mga nangyari sa pagitan naming tatlo. Napapikit na lang ako nang mariin.
Kailan ko ba iyon makakalimutan?
Isang malakas na tili ang pinakawalan ko nang maramdaman ang paghila sa akin ng kung sino. Malakas ang ginawa niyang paghila sa akin kaya hindi ko naiwasang mabangga sa kaniyang dibdib.
"Hey! Are you blind?! Mababangga ka na, dire-diretso ka pa rin!" Malakas na sabi sa akin ni Sir Lawrence. Tiim ang mga bagang nakatitig siya sa akin.
Biglang nanlaki ang mga mata ko. Noon ko lang napansin na nakalagpas na pala ako sa lane na para sa daanan ng mga tao. Kung hindi ako nahila ni Sir Lawrence, baka nasagasaan na ako ng kotseng dumaan.
Mabilis akong lumayo sa kaniya bago naupo sa gilid. Ramdam ko ang panlalambot ng aking mga tuhod. Kinalma ko sandali ang sarili bago huminga nang malalim. Hinanap ko sa likod ni Sir Lawrence si David pero wala na ito. Baka umuwi na. Mukhang natauhan na sa mga sinabi ko.
"Ano bang iniisip mo at wala ka sa sarili mo?" Tanong pa ni Sir Lawrence na nakatiim-bagang. Muli niya akong hinawakan sa braso nang tumayo ako't akmang maglalakad palayo.
"Bitiwan niyo po ako." Mariing sabi ko sa kaniya. Parang napapasong tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin. Dahilan para titigan niya ako nang matiim. Nilabanan ko ang tingin niya hanggang sa siya na mismo ang kusang bumitaw.
"f**k!" he hissed.
See? May teacher ba na ganoon kung magsalita. Parang napaka ordinaryo lamang dito ang pagmumura. O baka talagang ganoon siya kapag wala sa school.
Ano bang pakialam ko?
Ilang sandali lang ay bigla kong naramdaman ang pagkalam ng aking sikmura. Maglalakad na sana ako nang humarang si Sir Lawrence sa daraanan ko. Isang matalim na tingin ang ibinato ko sa kaniya pero hindi man lang siya natinag.
"I'll give you a ride. Where are you going?" Tiningnan ko lamang siya sa mata bago ko siya nilampasan. Bakit ako papayag na ihatid niya? Ayokong magkautang na loob sa kaniya. Baka mamaya kasama na iyon sa isusumbat niya sa akin.
Malalaki ang hakbang na naglakad ako. Malapit lang naman ang grocery store. Hindi ko kailangang magpauto kay Sir Lawrence. Kailan pa siya nagkaroon ng ganoong ugali? O baka naman ganoon siya sa iba.
"Shania!" Malakas niyang tawag bago umagapay sa paglalakad ko. "Bakit ba napakatigas ng ulo mo?!"
"Eh bakit ba ang kulit mo rin?! Hindi ba halatang ayaw kitang kasama?" Inis kong sikmat habang patuloy sa paglalakad.
"Ako na nga itong nagmamagandang-loob—"
"Well then thanks, but no thanks, kaya ko ang sarili ko." Sryoso kong sabi bago pumasok sa loob ng supermart.
Hindi ko na pinansin ang pagbuntot ni Sir Lawrence sa akin. Mukhang wala yatang magawa sa buhay. Kaya ako ang pinagtitripan.
Mabilis lang ang ginawa kong pamimili. Ayaw kong magtagal na kasama ang si Sir Lawrence. Naaalibadbaran ako sa presensiya niya. Nakakabwisit.
"Have you eaten?"
"Kung aalukin mo akong magdinner, thank you. Pero wala akong ganang kumain lalo na kung ikaw ang makakasama ko." Malamig kong sabi bago inabot ang card sa babaeng cashier.
Biglang kumunot ang noo ko nang marinig ang mahinang paghagikhik ng babae. Napapairap na nilingon ko si Sir Lawrence. Wala man lang siyang ekspresiyon habang nakatitig sa akin. Mukhang wala rin siyang pakialam kung magpa-cute pa ang babaeng nasa harap.
Muli akong napairap nang makuha ang mga pinamili ko. Hindi ko na inimik si Sir Lawrence hanggang sa makarating kami sa top floor.
So, ano lang ginawa niya? Bwisitin ako, ganoon ba?
Malakas na isinara ko ang pinto ng unit bago pabagsak na naupo sa sofa kasama ng mga pinamili ko.
Damn it! Mukhang hindi na matatapos ang bawat araw ko na hindi man lang nabibwisit kay Sir Lawrence at David.
--