Chapter 4

1516 Words
-Shania's POV- The day of the competition came. Bilang isnag school President, isa ako sa pinakaabala sa event na iyon. Kasama ako sa pag-eentertain ng mga computer programming students na galing sa iba't ibang school. Pati na rin sa pag-aayos ng mga bagay-bagay. Hindi ko rin maiwasang tanungin ng paulit-ulit ang mga kasamahan ko. Medyo kinakabahan ako dahil major ko ang programming. At isa ang school namin sa may mga pinakamagagaling na estudyante sa pagko-coding.  I looked at my watch, it's already twelve in the afternoon. Hindi pa ako kumakain, siguro mamaya na lang kapag dumating na lahat ng mga kasali sa kompetisyon. Mamaya pa kasi mag-uumpisa ang program. Marami pang wala, kaya hindi kaagad ako makapagpahinga.  "Shania, kailangan ka raw sa office niyo." Sabi sa akin ng isa kong kasama sa pag-aasikaso ng mga estudyanteng mula sa iba't ibang school.  "Okay." sagot ko saka nagmamadaling pumunta sa opisina ng mga student council. Yes, may opisina kaming lahat na kabilang sa student council. Medyo malaki kasi ang school namin. Maraming office na hindi naman ginagamit. Kaya para maayos at may mapaglalagyan kami ng mga kung anu-ano'y binigyan kami ng school ng sarili naming opisina.  Bago ako makarating sa patutunguhan ay may ilang mga nakasalubong pa akong kakilala na kabilang sa kompetisyon. Saglit akong nakipag-usap sa kanila. Nakasalubong ko rin si Sir Brick at Sir Indigo. Mukhang inimbitahan sila para manood. Though hindi ko lang alam kung maiintindihan ba nila ang programming. Isa pa pala'y anak pala si Sir Brick ng isa sa mga school directors. Malaki ang ambag ng pamilya nito sa school.  At siyempre, hindi ko rin naiwasang makasalubong si Sir Lawrence. Of course, pupunta siya dahil siya ang instructor na may hawak ng buong program. Kahit na inis ako sa pagmumukha niya hanga pa rin naman ako sa galing niya in terms of coding. Magaling siya, kahit hindi man niya sabihin, alam ng lahat na halos master niya ang bawat languages. Nakakainggit!  Isang nakamamatay na irap ang pinakawalan ko nang magtama ang mga mata namin. Tanging pagkunot ng noo at pagsalubong lang ng kilay ang nagawa niya. "Shania, about—" Hindi ko siya pinansin. Tuloy-tuloy akong naglakad hanggang sa malagpasan ko siya.  Nang malapit na ako sa office ay biglang kumunot ang noo ko sa napansin. "What the hell?!" Malakas na sabi ko nang makita kong ang daming nakapila sa labas ng opisina.  Karamihan sa mga ito ay may mga pasa, ang iba naman ay mga gusot ang damit. Kung hindi ako nagkakamali'y kabilang sila sa mga sinalubong ko kanina.  "Miss Shan, sorry po, naabala ka pa namin." Hinging paumanhin sa akin ni Marisse;  secretary namin.  Napapabuntong-hiningang pumasok ako sa loob. "Okay lang." sagot ko bago tiningnan nang masama ang mga estudyanteng nasa loob na ng opisina.  Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang mga estudyanteng nakayuko. Maya-maya'y inabot ko ang papael na hawak ni Marisse. Lista ng mga pangalan ng mga estudyanteng nasa harap ko.  "Dylan Meily?" tawag ko sa unang pangalang nakalista. Napabuga ako ng hangin nang makita ang kaklase kong may pasa sa gilid ng mata nito. "Sorry, Shan." sabi nito sa akin nang nakangiwi. Mukhang nasasaktan pa rin sa natamong pasa.  "Sa pagkakaalam ko, computer programming competition lang ang activity natin ngayon. No one told me na may boxing din pala." Mataray kong sabi habang nakatingin ng masama sa mga classmates ko. Sinadya kong lakasan ang boses para marinig ng ilan pang nasa labas. Nagsipag-iwas naman ang mga ito ng tingin dahil sa hiya. Nakakabwisit! Mainit na nga sa labas dumagdag pa sila! Mukhang sasakit yata ang ulo ko sa mga kumag na ito.  "Anong pinagmulan ng away niyo?" walang gana kong tanong habang inaabot ang passes sa drawer.  "Computer programming language. Ang yayabang naman kasi nung mga taga kabilang university. Akala mo master na nila ang prog—" "Bakit pinatulan niyo pa? Sana hinayaan niyo na lang na magyabang sila. Kung naiinis kayo dahil doon, ipakita niyo sa mismong competition!" Inis na sabi ko sabay basa sa mga pangalan sa listahan. "Here's the pass para sa clinic. Marisse will accompany all of you." Masungit na sabi ko. Nakakapang-init ng ulo, ang dami ko nang iniisip dumagdag pa ang mga ito. Gutom na na rin ako kaya hindi ko maiwasan ang magtaray.  "Papasukin mo na yung iba." utos ko kay Veo na VP namin. Kaagad naman itong sumunod.  Maya-maya lang ay pumasok na ito kasama ang ilang estudyante ng kabilang school.  Napatingin naman ako sa mga ito mula ulo hanggang paa. Mayabang pa ang mga itong lumapit sa akin. "Hi Miss, do you want to date me?" Tanong ng lalaking may kulay pulang highlight sa buhok habang nakangisi. Nagmukha itong adik dahil doon, o baka adik talaga ito.   "Hi yourself, I'm not interested. Here's your passes and get the hell out of my office!" Inis kong sabi sabay malakas na inilapag ang clinic pass sa harap ng mga ito. "Ang taray naman..." sabi ng lalaki bago umalis na kasama ang mga barkada nitong parang bagong laya sa presinto.  Napapasabunot sa ulong pumikit ako nang mariin. Hindi na ako magtataka kung maagang pumuti ang mga buhok ko. Nakakastress ang mga pinaggagagawa nila!  Bakit ba kasi tinanggap ko pa itong posisyon na ito? Kaya siguro umayaw si Elle ay dahil alam niyang sakit lang sa ulo ang pagiging school President.  "Hey, can I get my pass?"  Bigla akong napaangat ng ulo mula sa pagkakadayukyok sa table. Napatingin ako sa lalaking natira. May itsura ito kumpara sa mga huling lumabas. Di hamak na mas malinis itong tingnan.  Tiningnan ko siya nang maigi. Hindi bagay rito ang pagiging basagulero. Nakakaturn-off dahil wala sa hitsura nitong mahilig ito sa gulo.  "Ohh, Miss, umawat lang ako, kaya 'wag kang mag-isip na isa ako sa mga nakipag-away." natatawang sabi nito sa akin. Bigla akong napaiwas ng tingin nang ngumiti siya sa akin. Inabot ko kaagad sa kaniya ang clinic pass niya.  "Thanks..." malaki ang ngiting sabi niya sa akin bago lumabas ng office.  "Parang type ka noon, Shan." Panunudyo sa akin ni Veo. Pinanlakihan ko lamang ito ng mga mata dahil sa sinabi nito. Hindi ko ipagkakailang cute ang lalaking iyon. Pero alam ko na ang ugali ng mga taong may ganoong hitsura. Katulad ni David, sa ganito rin naman kami nagsimula eh. Ang pinagkaiba nga lang, nagpunta siya dito sa office para makakuha ng pirma ko para sa kaniyang clearance.  "Kumain ka na ba? Ibibili kita, ano bang gusto mo?" Tanong sa akin ni Veo. Si Veo ang matatawag kong boy best friend ko. He's always at my side kapag may problema ako at hindi ko mahanap si Lian. Si Lian na kapag kailangan ko nawawala, dahil nilalandi pala ang ex kong si David. "Gusto ko ng piz—" Naputol ang sana'y sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto. Sir Lawrence came in, and handed us the paper bag that he brought. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa ng mga pangalan sa aking listahan. "Veo, I want to talk to your President, iwan mo muna kami."  Napatingin ako bigla kay Sir Lawrence. Anong kailangan niya? Anong pag-uusapan namin?  Kaagad kong tiningnan si Veo. Pipigilan ko sana ito sa pag-alis nang mabilis itong lumapit sa pinto. Hindi ko na siya napigilan nang tuloy-tuloy siyang lumabas.  "What do you want?" tanong ko ng makalabas na si Veo. "Use that, I want to know kung may nabuo." he said with an annoying tone.  I looked at him with full of anger. "Do you really have to give me that thing right now?!" Inis na sabi ko habang nakatingin sa pregnancy test kit na nasa lamesa ko. "Why? Are you afraid of the thought that someone might find out? Pinaalis ko naman si Veo, ano pang problema mo?"  Mas lalong kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Anong akala niya, na ganoon lang iyon?! God! Anong pag-iisip ba meron siya? Hindi niya ba naisip na isang malaking kahihiyan kapag may nakaalam?!  "Pwede mo naman ibigay sa akin iyan pag-uwi ko. Kung maaari nga wag mo nang ibigay sa akin dahil kaya ko namang bumili!" galit na sigaw ko. Kaagad kong kinuha ang pregnancy test kit at mabilis na itinago iyon gamit ang mga kamay. Baka may biglang pumasok makita pa ang kahiya-hiyang bagay na iyon.  "Gusto ko lang makasiguro, baka mamaya ipalaglag mo kung may nabuo man!" Galit na sabi sa akin ni Sir Lawrence.  Naikuyom ko ang dalawa kong kamay dahil sa sinabi niya. "You know what Sir, ang sarap mong sapakin! Napakasama mo namang mag-isip. Kung meron mang nabuo, hindi ko iyon ipapalaglag dahil anak ko rin iyon. But I want you to know, that I am not pregnant! Kaya wala kang dapat ipag-alala!" Mariing sabi ko.  I saw something in his eyes, pero hindi ko na iyon pinansin. Wala akong pakialam.  Matiim niya akong tinitigan. Kulang na lang ay matunaw ako sa harap niya bago siya tumigil.  "Kung wala na po kayong sasabihin, makakaalis na po kayo." Sabi ko pa sabay lagay ng hawak na p.t sa paperbag na dala niya.  Noon ko lang napansin na may laman pala iyong pagkain. Tumaas na lang ang kilay ko bago naupo sa swiveling chair.  "Make sure that you're not pregnant. Dahil di mo magugustuhan ang gagawin ko kapag nalaman kong nagsisinungaling ka sa akin!" Galit na sabi niya bago umalis sa aking opisina. Nanghihinang nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Mukhang hindi ko na talaga matatakasan ang mapanghusgang si Sir Lawrence.  --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD