-Shania’s POV- “Dwayne, I’m fine. Hindi niya na ako malalapitan.” Sabi ko kay Dwayne. Tumawag kasi ito sa akin nang malaman niyang pumunta na naman si David sa condo ko. Hindi ko alam kung saan niya nalaman ang tungkol doon. Pero natutuwa ako’t maliban kay Lawrence ay meron pang ibang taong nag-aalala para sa akin. Right now, I am busy browsing online for my baby’s stuffs. Mas mabilis kasi kapag sa online ako bumili, at saka hindi nakakapagod pumili, di tulad sa mall na kailangan ko pang maglibot. Actually it was Lawrence’s idea. Para raw hindi ako mapagod. Ang sweet ano? Kaya hulog na hulog ako eh. But until now, wala pa rin siyang sinasabi sa akin tungkol sa usaping pag-ibig. “I want to see you, are you free today?” Nabalik ang isip ko sa kausap sa cellphone. Bakit ba nakalimut