-Shania's POV- Nang matapos kaming kumain ay kaagad na akong nagyayang umuwi. Pakiramdam ko kasi ay pagod na pagod ako. Baka dahil iyon sa paghihintay ko kay Lawrence sa bookstore at paglalakad. Hindi rin biro ang laki ng mall. Kung ako ang tatanungin magpapabuhat na lang ako kay Lawrence palabas. Kaya lang di naman pwede. Baka isipin ng ibang tao na napakaarte ko. Habang nasa biyahe ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga librong binili ni Lawrence. Until now, I can feel the awkwardness between us. Lawrence told me, he'll return the books. Pero sabi ko 'wag na lang. Ako na lamang ang magbabasa. Except doon sa isang libro. Napahinga ako nang maluwag nang mapansin kong malapit na kami sa condo. Makakapagpahinga na rin ako sa wakas. "You go first, magpa-park lang ako." Utos sa akin