Kabanata 07: Kutob.
Sandamukal na sermon ang inabot ko kay Papa nang malaman niyang nagpakasal ako nang hindi nila alam. Kawawa ang tenga ko sa sermon na narinig ko kay Papa.
Gusto niyang pumunta kaagad si Stryker kasama ang mga magulang nito pero dahil nga busy pa sila, walang choice kundi si Stryker lang ang papuntahin muna.
Kanina pa ako panay punas sa kamay kong basang-basa na sa pawis nang dahil sa sobrang kaba. Sino bang hindi kakabahan sa sitwasyong ‘to? Hindi ko naman inaasahan!
Siguro’y wala pang isang oras mula nang tawagan ko si Stryker para pumunta rito, nakarating na siya.
Suot ang kulay puting t-shirt, square pants, at rubber shoes, pumasok siya sa loob ng bahay kasama ang kasambahay namin. Napanganga ako sa itsura niya. Hindi ako makapaniwala, ano ba siya? Makikipagkita ba siya sa mga magulang ko o makikipagkita lang sa barkada?!
Tumaas tuloy ang kilay ni Mama nang makita ang suot ni Stryker. Ayaw niya pa naman ng mga ganyang lalaki! Ang gusto niya ay iyong mga pormal kung manamit.
“Iyan ang pinakasalan mo? Gwapo pero bakit ganyan?” takang tanong ni Mama.
“Mama… hindi naman sa ganoon…”
“Good evening, Mama, Papa,” nakangiting bati nito sa kanila.
Gusto ko na lang talagang lumubog sa lupa. Saan ba nakukuha ng lalaking ito ang lakas ng loob? Sigurado akong hindi na kaagad siya pasado sa taste ni Mama at Papa!
“Maupo ka,” nakakatakot na utos ni Papa.
Pero parang hindi man lang natakot si Stryker, prenteng naupo siya sa sofa at tumabi sa akin na para bang wala lang ang lahat ng ito.
“Salamat po,” sagot niya. “May tubig po kayo? Medyo nauhaw ako papunta rito.”
Mas lalo pang tumaas ang kilay ni Mama, umabot na sa bunbunan niya!
“Manang! Tubig raw!” sigaw ni Mama. Halatang naiirita na.
Nagmamadali namang dumiretso sa kusina ang kasambahay para kumuha ng tubig. Habang ako ay wala na talagang ibang nararamdaman kundi kaba, kaba at isa pang kaba!
“Pasensya na po kayo at hindi ako nakapagsuot nang maayos ngayong gabi. I see you’re staring at what I’m wearing. Galing po ako sa bahay ng isa sa kaibigan ko. I rushed here after your call,” he explained.
Sana lang ay naniwala ang mga magulang ko ‘no? Pero hindi! Hindi sila naniwala, pareho pa rin silang nakatingin kay Stryker nang hindi makapaniwala.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Bakit kayo nagpagkasal ng anak ko nang hindi man lang kami kinokonsulta?” maagap na tanong Papa.
Lalo pang bumilis ang pagtibok ng puso ko nang dahil sa tanong ni Papa. Wala talaga akong ideya kung paano namin malulusutan ang panggigisang ito dahil on the spot! Jusko, kasalanan talaga ito ng bibig ko. Bakit ba hirap na hirap akong magtago ng sikreto pagdating sa mga magulang ko? Sa sobrang honest ko, Lord, baka pwedeng plus one na ako sa langit!
“I apologize for the sudden marriage. Handa naman po akong dumaan sa tamang proseso. Mamanhikan po ako kasama ang mga magulang ko, at pakakasalan ko po siya sa simbahan. It’s just that…”
“Kanina pa kita tinititigan, iho. Parang nakita na kita noon,” ani Papa.
Ngumiti si Stryker at saka tumango. “Sa tingin ko po makikilala po ako ng lahat. By the way, I am Stryker Mariano.” He held his hand on him which made my Papa’s eyes widened.
“STRYKER MARIANO?!” gulantang na tanong ni Papa. At saka napatayo para duruin siya. “Ngayong araw ang kasal mo, hindi ba?! Ikaw iyong dapat na ikakasal sa mayamang tagapagmana ng Cruz Company pero may isang babaeng pumigil sa kasal n’yo… HUWAG MONG SABIHING IKAW IYON?!”
Namilog ang mga mata ko. “P-paano mo nalaman, Pa?”
Halos mabingi na ako nang dahil sa sobrang kaba. O Diyos ko, patawarin!
“Sa balita! Ibinalita kanina!” bulalas ni Papa. “Sinong hindi makakakilala sa mga Mariano? Mariano Group! Isa sa pinakasikat at prestihiyosong eskwelahan ang pagmamay-ari niyo, bukod pa roon, mga restaurants, hotels at malls din kayo!”
“Opo!” Mayabang na sagot ni Stryker.
Akala ko ay boto na si Papa kay Stryker pero… biglang naupo si Papa at sumeryoso ang mukha.
“Wala akong pakialam kung mayaman ka o hindi. Kailangang ianunsyo ang kasal ninyo at magsama kayo sa iisang bubong ayon sa utos ng Diyos. At bakit ba kayo nagpakasal kaagad? Buntis ka na ba, Jocelyn?!”
“Papa, hindi!”
Umiling si Papa at saka bumuntong-hininga. “Hindi ako makapaniwala na kaya mong gawin ang bagay na iyan. Hindi kita pinalaki para lang pumigil sa kasal ng may kasal. May delikadesa ka, Jocelyn. Maaayos mo pa ang dapat ayusin.”
“After all, we want you to get married as soon as possible,” gatong ni Mama. “I see, kaya pala ayaw mo sa mga nirerekomenda ko sa iyo ay dahil may boyfriend ka palang itinatago sa amin.”
Natahimik na lang ako sa lahat ng mga sinabi ni Mama at Papa. Sangkaterbang sermon din tungkol sa Diyos ang sinabi ni Papa sa amin na para bang napaka-makasalanan namin at hindi katanggap-tanggap ang nagawa naming kasalanan. Alam ko namang ganito ang kahihinatnan ng lahat. Pero ewan ko ba naman at itong bibig ko hindi talaga mapakali…
Hindi rin talaga ako magaling sa pagpaplano ng mga bagay-bagay sa buhay ko. Palagi na lang akong sablay. Kaya siguro umabot na ako sa ganitong edad ay hindi pa rin ako nakakapag-asawa.
Nang matapos ang mahaba-habang sermon ni Papa sa amin, sa wakas ay natapos na rin ang diskusyon. Hinatid ko si Stryker sa labas ng bahay namin at habang naglalakad kami palabas, pareho kaming tahimik.
“Pasensya na…” wala sa sariling sabi ko. “Pakiramdam ko napakahaba ng araw na ‘to, ang daming nangyari.”
“Yeah…” he murmured. “You suddenly came into my wedding, we swam in and flirt in the pool and now I’m here in your house.”
“Grabe,” sagot ko. “Hindi naman tayo nag-flirt sa pool. Ikaw ang lumalandi sa akin, bastos ka kasi.”
“Hindi ako bastos. Sa mata ng Diyos, kasal tayo.”
“Nahawa ka na kaagad kay Papa.” Iiling-iling na sagot ko.
“Paano ‘yan, I’ll see you again.” Humarap siya sa akin at saka ngumisi. “Jocelyn Ayla Gracia…”
Hindi ko alam kung bakit. Pero habang nakatitig ako sa mga mata niya at binabanggit niya ang pangalan ko, kumabog ang puso ko. Para bang may kakaiba sa tingin niyang iyon, parang may binabalak siyang masama. Sa hindi malamang dahilan, binalot ako ng kaba at panlalamig.
“S-sige,” sagot ko.
“Kailan tayo ulit magkikita?” tanong niya.
“Kung kailan ang balik ng mga magulang mo galing sa business trip. Kailangan ba talaga nating magpakasal ulit?”
“Oo…” sabi niya. “Kung iyon ang gusto ng Papa mo.”
“Hindi na, kasi kapag ikinasal tayo ulit, mababalita pa sa T.V. Kakausapin ko na lang si Papa na huwag na. Ayaw kong maabala ka pa.”
“Mabuti naman at naisip mo iyan. Masyado na ngang malaki ang abala nito sa akin.”
“Aba’t—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang mag-ring ang cellphone niya. At sa hindi ko malamang dahilan, nang ilabas niya ang phone niya ay nabasa ko ang pangalan ng naroon.
“Transaction?” takang tanong niya.
“What the heck!” Kaagad niyang itinago ang cellphone niya. “We are married but we still need some privacy!” inis na sabi niya.
“Fine, sorry! Hindi naman sinasadya.”
Pero mukhang nainis na talaga siya dahil isinuksok na nito ang cellphone niya sa bulsa ng kanyang pantalon.
“I need to go, bye!”
Ewan, pero kinutuban ako nang kakaiba.