Kabanata 04: Halik.

1117 Words
Kabanata 04: Halik. HABOL ko ang aking hininga nang umahon ako mula sa pagkakalublob mula sa tubig ng pool. Nagmamadali akong lumangoy patungo sa gilid ng pool at nang tuluyan akong makaahon at naupo sa gilid ng pool, umubo ako nang umubo para maalis ang tubig na nakapasok sa ilong at bibig ko. “Bwiset ka! Nandamay ka pa!” reklamo ko habang umuubo pa rin. Imbes na mag-sorry, hindi iyon ang narinig ko mula sa kanya. He laughed sexily as he swam towards my direction. “Ikaw ang tumulak sa akin. Kung hindi mo ako itinulak, hindi sana tayo mahuhulog sa pool.” Nakangising sagot nito saka bumaba ang tingin sa aking dibdib. Kaagad ko namang tiningnan ang suot kong dress. At dahil nabasa ang suot kong dress, bumakat roon ang aking dibdib! Mabilis na tinakpan ko iyon gamit ang mga braso ko habang nanlalaki ang mga mata. “Manyak!” bulyaw ko. “Manyak na kaagad?” His lips pursed. At saka ito umahon mula sa pool at tumabi sa akin. Napalunok ako nang makita nang malapitan ang magandang hubog ng kanyang katawan. Oo! Hindi ko naman itatanggi iyon, maganda naman talaga ang katawan niya. Malapad ang balikat, he has a toned chest and abs. Kumikinang siya sa ilalim ng sikat ng araw! “Manyak ka rin!” anito. Namilog ang mga mata ko at kaagad na nag-angat ng tingin sa kanya. Doon ko lang napagtanto na napatitig na rin pala ako sa katawan niya! Diyos ko, Ayla! Maghunos-dili ka! “H-hindi, ah!” “Gano’n? Kapag ang lalaki ang napatingin sa katawan ng babae, manyak. Pero kapag ang babae ang napatingin sa katawan ng lalaki, hindi?” he smirked. “That’s unfair, Mrs. Mariano.” “Mrs. Mariano?!” bulalas ko. “Bakit? Mrs. Mariano ka naman talaga. Kasal tayong dalawa, remember?” Marahas na napabuntong-hininga ako habang galit na nakatingin sa kanya. “Pinagsisisihan ko ‘yung gabing nakilala kita.” “Pinagsisihan mong nagkaroon ka ng asawang gwapo?” Taas ang kilay na tanong niya. “Ah, ewan ko sa ‘yo!” “Oh baka naman pinagsisihan mong halik lang ang nagawa natin no’ng gabing ‘yon?” Ngayon ay nag-angat baba naman ang mga kilay niya habang gumuguhit ang mapaglarong ngisi sa kanyang labi. “H-halik? Ha! Ni hindi ko nga naramdaman. Hindi ka naman siguro marunong humalik kaya hindi ko maalala!” “Hinahamon mo ba ako?” Sa pagkakataong iyon, umatras ako palayo sa kanya dahil nararamdaman ko nang may binabalak na siyang masama. Naiinis ako sa kanya, inis na inis! Kaya hindi na ako makapag-isip nang maayos na sasabihin. “Uuwi na ako, pahiram ako ng damit!” sabi ko. Tatayo na sana ako mula sa kinauupuan ko pero hinawakan ni Stryker ako kamay ko para pigilan. “Come on, Mrs. Mariano. Hinahamon mo ako? Hindi mo maalala? Gusto mo bang ipaalala ko sa ‘yo?” “Huwag na! Gumagawa ka lang ng paraan para maka-score sa akin.” “Matalino ka pala ano? You get it right away,” he chuckled. Sa pagkakataong iyon ay binitiwan na niya ang kamay ko at hinayaan akong tumayo. Pero dahil sira nga ang dress ko, nakita ang suot kong polka dots na panty. Doon ko lang na-realize na ang coat na pinahiram niya sa akin ay lumulutang sa pool! Naalis pala! “Just remove your dress, I don’t mind seeing you walking around me in a bikini,” he shrugged. “At mamanyakin mo ako? Gano’n?” “Come on, I’ve seen a lot of sexy bodies. Mas sexy pa sa iyo kaya huwag mong sabihing mamanyakin kita. It’s your choice kung magpapamanyak ka sa akin, Mrs. Mariano.” “Hindi na! Kahit ikaw pa ang huling lalaki sa mundong ‘to!” Tumayo si Stryker pagkasabi ko no’n at saka lumapit sa akin. Tumutulo ang tubig sa kanyang katawan pababasa suot niyang manipis na shorts. Mula sa peripheral vision ko, nakikita ko ang umbok sa gitna no’n na talaga nga namang nakapagpainit ng buong mukha ko. Lord, gusto ko nang makaalis sa sitwasyong ‘to! “Mrs. Mariano, huwag na nating gawing komplikado ang lahat para sa atin. After all, you were attracted to me when we were in Vegas. Pumayag ka ngang magpakasal sa akin, ‘di ba?” “Lasing lang ako…” Pigil ang hininga ko nang papalapit siya nang papalapit sa akin. Hindi ako makakilos kaagad dahil sa napapansin kong umbok sa gitna ng kanyang shorts. Nakatitig lang ako sa mga mata niya habang patuloy itong lumalapit. At nang nasa tapat ko na siya, yumuko ito para pagpantayin ang aming mga mukha. “Hindi ka pa lasing noong una, Mrs. Mariano. Alam ko…” Marahas na napalunok ako sa sinagot niya. “A-ano… ah…” “Huwag ka nang magpaliwanag. Para hindi maging komplikado ang lahat, pwede namang totohanin na lang muna natin pansamantala. Pwede mo namang gamitin ang katawan ko, Mrs. Mariano. Sa iyo ang katawan ko sa susunod na ilang buwan.” “Bastos ka—” Itutulak ko sana siya palayo sa akin pero hindi ko nagawa nang hulihin niya ang kamay ko at mabilis niyang pinadapo ang kanyang labi sa akin. Namilog ang aking mga mata. Hinalikan niya ako! Malambot at mainit ang labi niya… at ito ang unang pagkakataon na nakatikim ako ng halik! Sa sobrang gulat ko, hindi ako nakagalaw! Hindi pa ako nakaka-recover sa pagkakadampi ng labi niya sa akin, kinagat niya na ang pang-ibabang labi ko na dahilan para mapasinghap ako. Ginawa niya iyong oportunidad para ipasok ang kanyang dila sa bibig ko. Sobrang bilis ng pagkabog ng dibdib ko, doon na rumehistro ang ginawa niya, mabilis na itinulak ko siya palayo at sinampal nang malakas. “Bastos ka!” bulalas ko. Saglit na natigilan si Stryker sa ginawa ko. Napakurap siya habang hawak ang kanyang pisnging ibinabalik ang tingin sa akin. Nabigla ako, nakita kong may dugo sa gilid ng labi niya. “Darn…” he murmured. “Ang sakit no’n…” “D-dugo!” Itinuro ko ang gilid ng labi niya. “Ikaw naman kasi! Bakit nanghahalik ka na lang bigla!” Stryker remained silent as he brushed away the blood from the side of his lips. Panay pa rin ang pagkabog ng dibdib ko nang dahil sa pinaghalong inis at konsensya sa aking dibdib. “You’re so cruel. Mapanakit ka pala…” bulong ni Stryker. “H-hindi ako mapanakit! N-nabigla lang talaga ako. Ikaw kasi!” Ngumuso si Stryker saka hinawakan ang kamay ko. Sa pagkakataong iyon, mukhang galit na siya sa akin. Teka, parang may mali yata! Bakit siya ang galit, e ako itong nahalikan nang hindi ko naman gustong mahalikan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD