Kabanata 05: Complicated.

1119 Words
Kabanata 05: Complicated. Hindi ko alam kung saan kami pupunta o ano ang gagawin namin. Basta patuloy lang si Stryker sa paghila sa akin sa loob ng bahay niya. Basang-basa kami pareho at tumtulo ang tubig sa tiles na sahig ng bahay. Gusto kong magreklamo pero masyado akong focused sa paghatak niya at sa madulas na sahig na nilalakaran namin. Natatakot akong madulas! “S-stryker! A-ano ba? H-hoy!” reklamo ko. Pero hindi siya nakinig hanggang sa makarating kami sa sala at pinaupo niya ako sa sofa. Nabigla ako roon, at sa nanlalaki pang mga mata, nag-angat ako ng tingin sa kanya. “H-hoy ano bang… ginagawa mo…” Napakurap ako nang makita ang umbok sa suot niyang manipis na shorts. Marahas na napalunok ako at tila nanuyo ang lalamunan. Oh, Diyos ko! Mahabaging langit! Pakiramdam ko ay nagkakasala ang mga mata ko habang tinitingnan ang umbok na iyon sa harap ko. Sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakakakita nang ganoon! Taliwas sa paratang ni Ma’am Lara na nanunuod ako ng p*rn! Sa pagkakataong ito, na-curious ako bigla. Ano nga bang itsura ng umbok sa likod ng shorts na ‘yan? “Enjoying the view, Mrs. Mariano?” Mabilis na nag-angat ako ng tingin sa kanya. “L-lumayo ka nga sa akin!” pagsinghal ko. Umalis din naman siya sa harapan ko pero naupo naman sa tabi ko! Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang buong mukha ko nang dahil sa labis na kahihiyan at nang dahil sa sobrang hot niya… ano? Anong sobrang hot ang iniisip ko? “Manang Tess!” tawag niya. Mabuti na lang at sumigaw siya, nawala ang mahalay na iniisip ko. Ilang beses niyang tinawag iyong si Manang Tess, ilang saglit lang ay may dumating na babaeng nakasuot ng parehong uniporme ng babaeng bumati sa kanya kanina. Medyo may edad na siya, siguro’y nasa 50s. “Yes po, Sir?” “Pakikuha nga po kami ng tuwalya at roba. Saka first aid kit na rin,” sagot ni Stryker. “Anong gagawin sa first aid kit?” takang tanong ko. “Ano sa tingin mo? You slap the hell out of my pretty face and now my lips are bleeding. It's either you treat this in a natural way or using medicine.” “At ano naman iyong natural way?” taas-kilay na tanong ko. “Kiss me. Gagaling kaagad ‘to,” sagot niya. Napasinghap ako. “Wala kang mintis! Ang lupit mo talagang bumanat, ‘no?” “Totoo naman ang sinasabi ko. Bakit hindi mo subukan?” “No thanks! I’ll try the other option.” Napailing na lamang si Stryker sa sinabi ko. Naghintay kami kay Manang Tess habang tahimik na nakaupo kami roon. Hindi ako nag-abalang tingnan siya, sana lang ay dinala ko ang bag kong naiwan ko sa loob ng kotse niya para kahit papaano ay ma-distract ako ng cellphone ko. Kasi kahit na sabihin kong wala akong pakialam sa presensya niya, deep inside alam ko ang totoo. Ang awkward talaga ng sitwasyon naming dalawa! Awkward sa akin, o baka hindi sa kanya? Nang sa wakas ay dumating na rin si Manang Tess, tumayo ako para abutin ang damit na para sa akin. Nagtaka pa nga ako nang makitang damit pambabae iyon. Kaya kaagad na tumaas ang kilay ko at nilingon si Stryker. At mukhang na-gets niya naman ang ibig sabihin ng tingin ko. “O, baka sabihin mong sa babae ko ‘yan? Kay Mom iyan. Kung minsan nag-s-stay sila rito kaya may damit siya sa bahay ko,” sagot niya. Dahil duda ako sa sinabi niya, ibinaba ko ang damit at nakita ang disenyo no’n. Isang bulaklaking dress na kulay yellow. Ang baduy no’n pero wala naman akong choice kundi ang isuot. Hindi rin naman ako maarte sa damit. “Saan ako magbibihis?” “Dito na sa harap ko para masaya,” sagot niya. “Asa!” Imbes na sakyan ang mga biro niyang pangmanyak, sumama na lang ako kay Manang Tess pagkatapos kong ibalot ng tuwalya ang sarili ko. Wala na akong balak makipagtalo pa sa manyak na kagaya niya! Hindi ko dapat siya patulan, period! Pagkatapos kong magbihis, wala na si Stryker sa sala. Ang naiwan doon ay iyong first aid kit at saka dalawang orange juice at sandwich na hindi ko alam ang palaman. “Nasaan po si Stryker?” tanong ko kay Manang Tess. “Iha, aba malay ko, magkasama tayo,” sagot nito. “Ay sorry po.” Yumuko si Manang Tess sa akin bago tuluyang umalis sa harapan ko. Kahit pabalang kung sumagot si Manang Tess, hindi naman ako nailang. Mas nakakailang pa si Stryker na naglalakad na ngayon pababa ng hagdan. Suot ang isang polo shirt na pula na medyo maluwag sa kanya at kulay itim na pants na medyo baggy. Ang gwapo niya habang pababa ng hagdan at sinusuklay suklay ang medyo basa niya pang buhok. Bagsak ang buhok niya at ang mga mata niya, kulay almond brown. Gwapo naman talaga kung tutuusin itong si Stryker… ang problema nga lang talaga, manyak! Bakit ko nga ba in-entertain ang lalaking ito sa Vegas? Natauhan lang ako nang maupo na si Stryker sa harap ko at saka ngumuso. “Gamutin mo na.” Mahinang sinampal ko ang labi niya palayo sa akin. “Gagamutin ko ‘yan gamit ang gamot, kagaya ng pangalawang option na sinabi mo. Huwag kang ano!” “Anong ano?” tanong niya. “Huwag kang manyak!” “Fine, just do it now. Baka magka-impeksyon pa.” “Maliit na sugat takot na takot ka.” Napapailing na inilagay ko sa hita ko ang first aid kit at saka naghalungkat ng pwedeng gamitin. Alcohol at maliit na bandaid lang ang inilabas ko at saka bulak. Nang malagyan ko na ng alcohol ang bulak, inangat ko iyon para idampi sa gilid ng labi niyang may sugat. Hindi ko akalain na mapapalakas nang ganito ang sampal ko sa kanya. Ito ang unang beses na nakasampal ako ng lalaki, sa totoo lang! Atribida kasi, bakit kailangang halikan ako? “So, anong plano natin ngayon?” tanong niya. “Mag-di-divorce tayo, s’yempre. Ano pa bang solusyon? Ilang ulit ko na bang sinabi sa ‘yo iyan kanina?” “Hindi, e. Hindi tayo basta-bastang mag-d-divorce. Paano ang Daddy at Mommy ko? Magagalit sila kapag nakipaghiwalay kaagad ako sa ‘yo.” “Wala na akong pakialam doon, kailangan nating i-explain ang totoong nangyari sa ating dalawa.” Stryker sighed and then pushed away may hand on his lips. “You know what, sino bang sumugod-sugod para pigilan ang kasal? It’s you, babe. If you approached me in a more private place then it wouldn’t be this complicated.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD