Kabanata 09: Unang Gabi.

1174 Words
Kabanata 9: Unang Gabi. PATONG-patong na problema na ang nakapasan sa balikat ko, oo. Hindi ko na alam kung paano lulusutan ang lahat nang ito, jusko! Nakangiti ako sa harap ng mga magulang ko at mga magulang ni Stryker pero sa loob-loob ko, gusto ko nang magwala. Gusto ko nang sabihin sa kanila na isang malaking pagkakamali lang ang lahat at hindi ko talaga gusto itong si Stryker na prenteng nakaupo lang habang nag-uusap ang mga magulang namin! “I think it is better if we let Ayla move to Stryker’s house. Ayla is 29 years old and as much as possible, they have to start making a baby before she can bear it,” anang Mommy ni Stryker, si Tita Paula. “Mom… we still want to enjoy ourselves,” sagot ni Stryker. “Enjoy yourselves while making a baby, that’ll be better,” dagdag pa ni Tito Greg. Gusto ko na lang talagang maglaho rito sa kinauupuan ko. Hindi ako makapagsalita. “Mas maigi kung magpakasal sila ulit at i-anunsyo ang kasal nila sa publiko,” ani Papa. “Papa! Hindi na po kailangan!” maagap na sabi ko. “Hindi na po kailangan, gusto po namin ng privacy.” “Pero hindi ba mas mabuti kung i-a-announce natin ang tungkol rito?” gatong pa ni Mama. “Yeah, it will be better,” Tita Paula nodded. “Mas mabuti nga kung malalaman ng lahat. You don’t have to keep it a secret.” “Mom, mas gusto naming sikreto lang muna. That’s better for now. We still want to keep it a secret.” Mabuti na lang at ginatungan ni Stryker. “Alright, kung iyan ang gusto ninyo, sige.” Tumango si Papa. “Pero gusto ko pa rin sanang magkaroon tayo ng salo-salo kahit papaano.” “We will set up a date for that. Maybe just for our family,” sagot ni Tito Greg. Kung makapagplano silang lahat, akala mo talaga sila ang ikinasal. At habang problemado ako, ito namang si Stryker ay pakuya-kuyakoy pa ng paa at pinaglalaruan pa ang mga kuko habang nakikinig sa mga usapan nila. “Bukas na bukas rin ay ipapaayos ko na ang mga gamit ni Ayla, dapat tumira na siya sa bahay ni Stryker,” ani Papa. “Tama, balae. They should live together now,” sagot naman ni Tita Paula. Gusto ko pa sanang tumanggi pero no choice na ako dahil sila na ang nagdesisyon. “I suggest you sleep here tonight, Stryker. Para matulungan mo si Ayla bukas ng umaga sa pagliligpit mga gamit niya.” “P-po?” gulat na tanong ko kay Tita Paula. “Tama ka r’yan, balae!” sagot ni Mama. “Sa kwarto ka ni Ayla matulog.” “Pero Mama!” reklamo ko. “Anong pero? Hindi ba’t dapat matuwa ka dahil pinapayagan na namin kayong matulog sa iisang kwarto?” Taas ang kilay na tanong ni Mama. “Bakit? Is there a problem?” Bigla na lamang tumayo si Stryker mula sa sofa at saka ngumiti. “Wala pong problema, gusto kong makatabi ang asawa ko ngayong gabi. This will be the first night that I will share a bed with her… here in your house.” “That’s good! Then, siguro aalis na kami ar may pupuntahan pa kaming business trip bukas,” ani Tito Greg. “It is nice to meet you, balae.” “You’re welcome, Greg. Masaya akong kayo ang manugang ng anak ko.” — “Bakit ka pumayag na matulog dito sa kwarto ko ngayong gabi?” Naiiritang sabi ko habang kumukuha ng bagong unan mula sa cabinet. “Alangan namang tanggihan ko ang grasya?” “Grasya?!” “I mean, alangang tanggihan ko si Mr. Gracia,” he chuckled. “At baka magsuspetya sila kung bakit ayaw nating matulog nang magkasama sa iisang kwarto.” Bumuntong hininga ako at saka tumango. “Sabagay, may point ka.” Inihagis ko sa kanya ang unan na kaagad niya namang sinalo. Pero nang kukuha na sana ako ng sapin para sa sahig siya matutulog, nagulat na lang ako nang humiga na siya sa kama! “Hey! Hey! Anong ginagawa mo? Bakit d’yan ka hihiga? Sa lapag ka!” reklamo ko. “Hindi ako sanay matulog sa lapag. I can’t sleep there. Don’t worry, I won't touch you… not yet!” “Anong sinasabi mo r’yan?! Not yet mong mukha mo! Umalis ka r’yan!” Naupo naman siya at nag-angat ng tingin sa akin. “Bakit? Takot ka ba na baka bumigay ka rin sa akin?” Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. “A-anong… anong sabi mo?!” “Umaakto kang parang takot ka…” “Fine!” Bulalas ko at saka tumungo sa kabilang side para mahiga. “Huwag kang didikit sa akin at sisipain talaga kita!” Gumuhit ang nagkakalokong ngisi sa mukha ni Stryker. “Paano kung ikaw ang dumikit sa akin?” “At bakit naman ako didikit sa ‘yo, aber?” “We don’t know, baka malikot ka kung matulog.” Iiling-iling na hindi ko na siya sinagot at nagmadali nang humiga sa kama. Kinuha ko ang sarili kong kumot at saka iyon ibinalot sa katawan ko. “Wala akong kumot,” aniya. “Kumuha ka sa cabinet, tag-isa tayo ng kumot! Sa tingin mo mag-sh-share ako ng kumot sa ‘yo?” “Masyado kang takot,” sabi niya. At saka bumangon mula sa kama at tumungo sa cabinet para kumuha ng kumot. “Pakipatay na lang ang ilaw!” Sabi ko at saka tumagilid para hindi ko siya makita. Ang totoo, kinakabahan talaga ako. Ito ang unang pagkakataon na matutulog akong may katabing ibang lalaki bukod kay Papa! Nang maramdamam kong lumundo ang kama sa gilid ko, mas ipinikit ko pa nang husto ang mga mata ko. Hindi agad ako nakatulog, naririnig ko nga ang bawat paghinga niya. Ang bawat kaluskos ng kung anong bagay na hindi ko alam. Gusto kong gumalaw para magpalit ng pwesto pero ayaw ko namang makita siya. “This is my first time sleeping with a woman doing nothing,” ani Stryker. “Ayaw mo ba talaga?” “Shut up,” sagot ko. Hindi na siya sumagot, pero ramdam ko naman ang paglilikot niya sa tabi ko. “May kitikiti ka ba sa pwet? Ang likot mo,” reklamo ko. “It’s harder than I thought,” sagot niya. “Sa baba ka na lang kasi matulog!” Hindi ulit siya kumibo, pero panay pa rin ang paglilikot niya hanggang sa hindi na ako nakatiis pa, humarap ako sa kanya at nabigla nang humarap din siya sa akin. “Anong—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makita ko ang nakapikit niyang mga mata. Tumama ang mabangong hininga niya sa aking mukha na tila nagbigay ng kakaibang halina sa akin. “I can’t sleep,” bulong niya. “What about we do something before going to sleep?” At saka siya dumilat at nakita ko ang namumungay niyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD