Kabanata 10: Pagtataka.
“A-anong sinasabi mo r’yan?!” gulantang na tanong ko at saka nagmamadaling bumangon mula sa kama.
“Do you have any bottles of champagne here?” He asked, then sat up.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. “Ano?”
“Hindi ako makatulog. Kung gusto mo nang matulog, matulog ka na pero hindi pa muna ako dahil hindi talaga ako inaantok. I wasn’t used to sleeping early. It was only nine in the evening,” he said.
“Wala akong champagne pero may wine d’yan.” Imbes na ituro ko pa sa kanya ay tumayo na lamang ako para kunin ang wine.
Pagkababa mula sa kama ay dumiretso ako sa cabinet na malapit lang din sa balcony. Binuksan ko iyon at saka kinuha ang wine at dalawang baso at saka ako humarap sa kanya para ibigay ang baso.
“Aminin mo, iba ang naisip mong gusto kong gawin ‘no?” Umangat baba ang kilay ni Stryker.
Umirap naman ako. Kahit na iyon nga talaga ang nasa isip ko, sino ba naman ako para umamin? Hinding hindi ako aamin kahit mamatay pa ako sa harap niya ngayon!
“Hindi ‘no!” bulalas ko. “Halika, doon tayo sa balcony. Mas relaxing.”
Tumango naman si Stryker at nauna na roon habang ako ay sumunod sa kanya. Nang nasa balcony na kami ay naupo kami sa magkabilaang upuan na naroon. Dalawa ang upuang bakal na naroon, kung minsan kasi, kasama ko si Mama o kaya naman si Papa, kapag kailangan naming mag-usap nang masinsinan. Minsan pa nga e nagdadasal kami rito nila Mama.
“Ang ganda ng view rito,” ani Stryker. “I’m sure you’re always here.”
“Oo, madalas talaga ako rito,” sagot ko. “Lalo na kapag hindi ako makatulog.”
Muling tumango si Stryker at siya na mismo ang kumuha ng wine bottle sa akin at binuksan iyon. Pagkabukas ay sinalinan niya ako sa aking baso, ganoon din sa kanya. Hindi ko inaasahan na magkakaroon kami ng ganitong pagkakataon.
Ang totoo, hanggang ngayon umaasa pa rin ako na panaginip lang ang lahat ng nangyaring ito at bukas ay ma-re-realize kong hindi pa talaga ako kasal, nanaginip lang talaga. Kasi naman, hindi ko naman inaasahan ang lahat ng ito. Wala na nga akong balak na mag-asawa pa!
Ang gusto ko lang talaga ay ang magkaroon ng anak sa isang gwapong lalaking hindi ko kilala para naman kahit papaano ay may kasama ako… kahit na alam kong imposible dahil siguradong sangkaterbang sermon ang matatanggap ko kung nangyari iyon. What if magpabuntis na lang ako kay Stryker para naman matupad na ang pangarap ko?
Iyon nga lang… siguradong hahabulin niya sa oras na mag-divorce na kami. Gusto ko iyong hindi na maghahabol!
“What are you thinking?”
Nabalik ako sa katotohanan nang marinig ang boses ni Stryker. Kaagad ko siyang nilingon.
“Wala… iniisip ko kung paano tayo lulusot at makakapag-divorce sa lalong madaling panahon,” sagot ko.
“Hmm, why are you excited to get a divorce with me? May itinatago ka bang boyfriend?”
“Wala ‘no!”
“E bakit nagmamadali ka? We can just enjoy ourselves!” Inangat-baba niya ang magkabila niyang kilay at saka ngumisi. “Bago ka man lang tumandang dalaga, matikman mo ang sarap.”
“What the hell?”
“Just kidding!” he laughed.
Inirapan ko siya dahil hindi naman nakakatuwa ang biro niyang iyon. Alam ko naman ang sinasabi niya. Sa dami ng green words na binabanggit sa akin ni Ma’am Lara, alam ko na iyon.
Kung si Stryker… inaamin kong noong unang beses naman talaga na nagkita kami, ginusto ko talaga siya. Sinong hindi magkakagusto sa kanya? Gwapo siya at ang ganda ng ngiti. Pero ngayong nakilala ko na siya, kung gaano siya kamanyak, hindi na lang!
“Magkahiwalay tayo ng kwarto sa bahay mo ha?” sabi ko.
“Yeah, of course! So I could bring girls in my bedroom.”
“Ano?! Magdadala ka ng ibang babae sa magiging bahay natin?”
“Why? Is there a problem with it?”
“S’yempre, hindi ‘yon pwede!”
“Bakit naman hindi pwede? Lalaki ako at may mga pangangailangan, hindi pwedeng hindi ko gawin ‘yon,” pagdadahilan niya.
“Hindi mo ba naiisip? Baka mahuli tayo ng mga magulang mo kung sakaling bigla silang bumisita!” bulalas ko.
Stryker sighed and then sipped on the glass of wine. Hindi na siya sumagot sa sinabi ko, pero alam kong nairita siya sa akin. Iyon naman talaga, sa oras na makita ng mga magulang niya na hindi totoo itong sa aming dalawa, malamang na magdududa sila!
Naging tahimik na kaming dalawa mula nang mapag-usapan namin ang tungkol doon. Ano bang nakakainis doon? Hindi niya ba kayang magkontrol ng mga ilang buwan lang?
Nauna na akong pumasok sa kwarto para matulog, hinayaan ko siya roon dahil hindi na nga niya ako kinikibo. Basta, busy na sya sa cellphone niya!
Sa kalagitnaan ng gabi, napansin kong wala akong katabi kaya bumangon ako mula sa kama. Hinagilap ko siya sa kwarto pero hindi ko siya nakita. Kahit sa balcony.
Nang dahil sa pagtataka, sinilip ko pati ang banyo. Pero wala talaga siya…
“Nasaan kaya ‘yon?” bulong ko sa sarili ko.
Alas dos na ng madaling araw, dapat tulog na ‘yon, e.
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at saka hinanap siya sa sala. Nasa kusina na ako nang makarinig ako ng kalansing.
Kinakabahan man, hinanap ko kung saan iyung tunog na naririnig ko at nakarating ako sa opisina ni Papa.
Pumasok ako roon dahil hindi naman ini-l-lock ni Papa ang pinto ng opisina niya. Binuksan ko ang ilaw at inilibot ang tingin sa paligid pero wala naman.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng kilabot. Hindi kaya… minumulto na kami?
Hindi, hindi! Imposible iyon. Walang multo, hindi iyong totoo! Mabilis kong pinatay ang ilaw at lumabas ng opisina.
“Nasaan kaya ‘yong lalaking ‘yon?” takang tanong ko sa sarili.
Imbes na hanapin pa siya, bumalik na lang ako sa kwarto para matulog ulit. Baka umuwi iyon!
Pero pagpasok ko sa kwarto, nagulat ako nang makita siyang nakahiga na sa kama. Tumaas ang kilay ko… paanong?
Nagtataka man, dumiretso ako sa kama at nahiga sa tabi niya.
“Saan ka galing?” tanong niya.
“Hinanap ka, wala ka rito kanina.”
“Uminom lang ako ng tubig,” sagot niya. “Natakot ka bang baka umalis ako?”
“Duh? Bakit naman ako matatakot? Nagtaka lang ako!” sabi ko at tuluyan nang nagtalukbong ng kumot.
Pero sigurado akong wala siya sa kusina kanina… saan siya uminom ng tubig?