Kabanata 16: Heaven.
ALAM kong nagtitimpi lang ang mga co-teachers ko na hindi magtanong tungkol kay Stryker dahil kailangan pa naming magtrabaho. Habang ako, buong klase kong iniisip ang kaba ko na baka bigla na lang lumitaw iyong mga humabol sa akin kahapon. Natapos lang ang pag-iisip ko nang mag-lunchbreak na at sinalubong na ako ng mga co-teachers ko para maki-tsismis tungkol kay Stryker. Kung hindi lang biglang dumating si Ma’am Lara, talagang naluto na ako sa kakagisa nila!
“Kumusta ang buhay mag-asawa? Nadiligan ka na ba?” Nakangising tanong ni Ma’am Lara.
Kung inaakala kong nakatakas na ako sa panggigisa, si Ma’am Lara naman ang pumalit sa kanila.
Umikot ang mga mata ko at saka kinuha ang cup ng kape na itinimpla niya pa talaga para sa akin… para maka-tsismis!
“Akala ko pa naman iniligtas mo ako sa mga co-teachers ko!” reklamo ko at saka humaba ang nguso.
“Oo naman! At least ako lang ang manggigisa sa ‘yo, ‘di ba?” Ngumisi siya.
Napairap ako at saka bumuntonghininga. “Wala namang dilig na nangyari. In the first place, fake lang naman ang kasal namin.”
“Diyos ko, Ayla! Diyos na ang nagdala sa ‘yo kay Stryker para madiligan ka na, inaayawan mo pa?”
“Anong inaayawan ka r’yan?”
“So gusto mo?”
“Oo— I mean, Ma’am Lara naman!”
“Ay sus! Gusto mo rin naman, eh! Bumigay ka na kasi, wala namang problema sa Diyos kung iyan ang inaalala mo. Kasal kayo sa mga mata niya.” Kinikilig na sabi ni Ma’am Lara saka naupo sa tabi ko at saka ngumiti nang malapad. “Imagine-in mo, ang ganda ng katawan ni Stryker. Kapag inangat niya ang mga braso niya, amoy baby powder ang dating! At saka, kita mo naman siguro ang laki ng katawan niya ‘di ba? Masarap yakapin! Iyong pwet, girl! Ang tambok!”
Habang abala si Ma’am Lara sa pag-de-describe kung gaano kagwapo at mukhang masarap si Stryker, na-imagine ko tuloy iyong time na nasa pool kaming dalawa. Noong nakita ko siyang topless… kung paano tumulo ang tubig mula sa kanyang ulo pababa hanggang sa kanyang dibdib… at sa baba ng…
“At nakita mo na ba ang paa niya?”
Umangat ang kilay ko. “Huh? Anong kinalaman ng paa?”
“Iyong paa niya! Anong size?”
“Hindi ko alam? Malay!”
“Ay Manang Ayla! Nakita ko ang sapatos niya at ang laki! For sure na daks iyan! Full na full ka kay Stryker for sure!”
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. “Bakit parang ikaw ang may gusto kay Stryker?”
“Excuse me? Hindi kagaya ni Stryker ang mga type ko. Ang gusto ko, very bad boy looking at serious! Playboy ang dating ni Stryker at palaging nakangisi. Dini-describe ko lang sa ‘yo para naman bumigay ka na!”
“Ewan ko sa ‘yo, Ma’am Lara! D’yan ka na nga!”
Imbes na makipagtalo pa sa kanya at ma-imagine ko pa talaga kung ano ang mga sinasabi niya, umalis na lang ako ng Principal’s office at bumalik na sa classroom.
Pagkatapos ng klase, kinakabahan na ako sa paglabas ko ng building. Hindi naman na nagtanong ang co-teachers ko tungkol kay Stryker pero kahit na! Aasarin na naman nila ako!
Paglabas ko ng gate, tumabi ako sa guard house at kinuha ang phone ko para tawagan si Stryker, pero hindi pa man ako nakakatawag, pumarada na ang kotse sa harap ko. Nang ibaba niya ang bintana at dumungaw, nagmadali akong dumiretso sa pinto at hindi na siya hinayaan pang lumabas para pagbuksan ako.
“Nagmamadali ka yata?” nakangising tanong niya.
“Ayaw kong may makakita sa atin,” sagot ko at isinara ang pinto pagkatapos.
“Gano’n? Ikinahihiya mo pala ako?” nakabusangot na tanong niya.
“Hindi kita ikinakahiya, ang akin lang, matatapos din naman ang lahat ng ito kaya hindi na natin kailangang magpanggap na sweet sa isa’t isa!” bulalas ko.
Na mukhang hindi niya ikinatuwa dahil sumeryoso ang mukha niya at saka tumango.
“OK.” Simpleng sagot niya.
Nagulat ako roon. Madalas na hindi siya magpapatalo at talagang bibiruin niya rin ako pero ngayon, kakaiba. Para bang sumurrender na talaga siya sa sinabi ko. Umirap ako at saka tumingin sa bintana imbes na tingnan ang nakakainis niyang mukha.
Pagkarating sa bahay, ipinarada niya lang ang kotse at bumaba na ng sasakyan. Ni hindi man lang niya ako pinagbuksan ng pinto gaya ng madalas niyang ginagawa!
Fine!
Hindi naman kailangan, kaya ko namang magbukas ng pinto kahit na ako lang! Pagkababa ko ng kotse, sumunod na ako papasok sa loob ng bahay. Dumiretso siya sa kusina habang ako ay dumiretso sa hagdan paakyat ng second floor.
Sumalampak kaagad ako sa kama pagkatapos kong ilapag ang bag ko sa gilid ng kama at saka nahiga. Napagod ako sa maghapon, kaya pumikit na muna ako para maibsan ang antok ko…
Pero nang makatulog na ako nang tuluyan, nagising ako nang bumukas ang pinto. Nang idilat ko ang mga mata ko, nakita ko si Stryker na papasok sa loob ng kwarto ko kaya bumangon ako at naupo sa gilid ng kama.
“Bakit ka nandito?” taas ang kilay na tanong ko.
Pero hindi siya kumibo at dumiretso lang siya sa akin nang nasa tapat ko na siya, marahan niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at iniangat iyon para tingnan ang mukha ko.
“I’m sorry about what I did earlier…” he murmured.
Napakurap ako at akma sanang itutulak ang kamay niya pero hindi ko na nagawa nang bumaba ang kanyang mukha at nagtama ang tungki ng mga ilong naming dalawa.
“Alam kong gusto mo rin ako… bakit hindi na lang natin totohanin ‘to?” tanong niya sa garalgal na tinig.
Umawang ang labi ko at napatulala, hindi na ako nakapagsalita nang sakupin ng mainit niyang labi ang labi ko at marahan akong hinalikan. Sobrang bilis ng pagkabog ng puso ko nang dahil sa kaba. Gusto ko siyang itulak, gusto ko siyang pigilan, pero nahalina ako sa malambot at mainit niyang labi.
Ilang saglit pa ay gumalaw ang labi niya sa akin, marahan at panaka-nakang sinisipsip ang pang-ibabang labi ko habang patuloy niya akong hinahalikan. Hanggang sa itinulak niya ako sa kama. Namilog ang mga mata ko nang hubarin niya ang damit niya at bumungad sa akin ang maganda niyang katawan.
“A-anong ginagawa mo?” gulat at kinakabahang tanong ko.
“Didiligan na kita, Ayla…” aniya.
Pagkatapos ay hinawakan niya naman ang sinturon niya, inalis iyon at inihagis sa lapag.
“S-seryoso ba ‘to?” gulantang na tanong ko.
“Yeah… get ready and you’ll experience heaven, Mrs. Mariano.”