Chapter 17: Expected.
HINDI pa ako handa, pero habang nakatingin ako sa gitna ng kanyang mga hita, hindi ko mapigilang isipin ang mga sinasabi ni Ma’am Lara… Umbok na umbok ang nakatago mula roon at tila ba tinatawag ako.
Kaya naakit ako, gusto kong makita ang nasa loob ng pantalon niya. Kaya naman nang kalasin na niya ang butones ng kanyang pantalon at ibinaba ang zipper, tuluyan na akong sumuko. Na-excite ako, napakagat-labi ako nang ibaba niya ang kanyang pantalon, leaving him with only his boxers. Mas bumakat na ang pagkalaki niya at mas lalo akong na-excite.
I bit my lower lip harder as I looked down on his until…
“Sabi ko sa ‘yo, e… Bibigay ka rin talaga sa akin!”
Namilog ang mga mata ko at saka iniangat ang tingin sa kanya. Nakita ko ang ngisi sa kanyang labi bago siya tuluyang dumukwang sa akin at inalog ako.
“Ayla? Wake up!”
Mabilis na idinilat ko ang mga mata ko habang hinihingal pa at nakita ko ang mukha ni Stryker na nakatingin sa akin. He was standing beside my bed.
“Are you having a nightmare?” he asked, raising his brow.
Ilang beses akong napakurap bago ko napagtantong panaginip lang ang nangyari kanina! Mahabaging langit, sa dinami-rami ng pwede kong mapanaginipan, bakit iyon pa?!
“Pawis na pawis ka.” Hahawakan sana ni Stryker ang noo ko pero mabilis akong umiwas sa kanya habang nanlalaki ang mga mata.
“B-bakit ka nandito sa kwarto ko?” kabadong tanong ko.
“Pinaakyat ko rito si Nena pero ang sabi hindi ka raw magising, kaya ako na ang pumunta rito para gisingin ka,” sagot niya. “Kakain na.”
Dali-dali akong bumangon habang nakatingin pa rin sa kanya. Ngayon ko lang na-realize na nakasuot siya ng sando at kitang-kita ko ang mapipintog niyang biceps, at ang magandang pagkakabakat ng v-line sa kanyang balikat. At nang mag-angat ako ng tingin sa kanyang mukha, pansin naman kaagad ang mamula-mula niyang labi.
“Ayla? Are you okay?” he asked.
“A-ayos lang ako!”
May pagmamadali akong umalis sa kama para lang makalayo sa kanya. Umayos siya sa pagkakatayo at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na para bang jina-judge niya ako.
“You should take a quick shower before you go downstairs.”
“A-at bakit namana ko mag-sh-shower?!” Ano bang ibig niyang sabihin? Bakit kailangan pang maligo? Kakain lang naman kami!
“Ano bang iniisip mo, Ayla? Look at you, you’re still wearing your uniform.”
Napatingin ako sa suot ko at napansing naka-uniform pa nga talaga ako.
“Napakasungit mo, may regla ka ba? Kanina pa ako nagtitimpi sa ‘yo,” aniya saka umiling.
“Ikaw pa ang nagtitimpi? Ako nga dapat! Hinalikan mo ako kaninang umaga, tapos gusto mo pang makikita tayo ng lahat kapag hinatid at sinundo mo ako! Napaka-stubborn mo.”
“You’re the one who's stubborn here, Ayla. Just a kiss shouldn’t be a big deal. Inano ba kita? Halik lang ‘yon, ni hindi pa nga kita nilaplap.”
“STRYKER! Your word!” I yelled.
“Ano bang gusto mo para hindi mo na ako inaaway-away palagi?”
“Gusto kong manahimik ka na.”
He pressed his lips tightly while looking at me. “Sige, mananahimik ako.”
Tumalikod siya at lumabas na ng kwarto ko, sa wakas! Bumuntonghininga na muna ako bago dumiretso ng banyo para mag-shower saglit. Saglit na saglit lang talaga ako pero pagbaba ko sa kusina, wala na si Stryker. Nang tanungin ko ang mga kasambahay, tapos na raw’ng kumain at umalis din daw pagkatapos.
Ito ang unang pagkakataong umalis siya ng gabi… at nasundan pa iyon ng ilang gabi. Isang Linggo rin siyang umaalis tuwing gabi at nagdududa na talaga ako. Naiinis ako dahil hindi man siya nagpapaalam na para bang wala siyang kasama sa bahay!
Suot asul na nighties, lumabas ako ng kwarto ko matapos tapusin ang lesson plan. Sinilip ko si Stryker sa kwarto niya pero wala na naman siya. Pang-pitong gabi na niyang umaalis na hindi nagpapaalam sa akin. Napabuntong-hininga ako at saka dumiretso sa sala para manuod ng movie.
Kumuha ako ng ice cream sa freezer bago dumiretso sa sala. Namili ako ng magandang palabas sa S-flix, iyong movie na matagal ko nang tsinitsempuhang panuorin pero hindi ko magawa dahil busy. At dahil wala namang pasok sa school bukas, ngayon ko na siya papanuorin.
Inabot na ako ng ala-una sa panunuod pero hindi pa rin umuwi si Stryker. Sa pagkakataong iyon, hindi ko na natiis ang inis ko. Dinampot ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa at ini-dial ang numero niya. Ang tagal niyang sumagot… at nang sumagot siya, narinig ko ang ingay sa kabilang linya.
“Hello. Sino ‘to?”
Isang malanding boses ng babae ang narinig ko mula sa kabilang linya. Nag-init ang buong mukha ko sa inis.
“ASAWA ‘TO NG KASAMA MO!” sigaw ko.
Nagmamadali akong umakyat sa kwarto at nagbihis ng jacket at nagsuot ng sandals bago ako tuluyang lumabas ng bahay. Natataranta na ako dahil sa labis na inis. Muli kong tinawagan si Stryker at nawala na ang maingay na tunog sa kabilang linya.
“UMUWI KA NA!” sigaw ko.
“Hey, galit ka?” tanon niya.
“NASAAN KA?!” Naghuhurumintadong sigaw ko.
“Bakit ka muna galit?”
“UMUWI KA NA SABI, EH!”
Pinatay niya ang tawag na lalong nagpainis sa akin. Gustuhin ko mang umalis para puntahan kung nasaan siya, hindi ko nga alam kung saan nagpunta ang lalaking iyon. Gusto kong maiyak sa sobrang sama ng loob. May usapan kami na hindi pwedeng mambabae siya habang kasal kami. May usapan kami pero ganito ang ginawa niya! Kaya maingay ang background, for sure na may babae siya! Mayroon talaga! Sigurado ako!
Ilang minuto rin akong pabalik-balik sa garden habang naghihintay sa kanya. Hanggang sa nakita kong paparating na ang kotse niya. Nagmamadali kong tinungo ang gate nang pagbuksan siya ng gwardya.
Inis na inis ako sa kanya. Nagmaneho siya? E mukhang lasing ata siya!
Pagkaparada niya ng kotse sa garahe, nakapameywang na ako nang bumaba siya sa kotse niya.
“Saan ka galing?” taas ang kilay na tanong ko.
He flashed a mischievous smile before he answered. “Para ka na talagang misis niyan.”
“Tinatanong kita, sumagot ka!”
“Nasa trabaho ako, saan pa ba sa tingin mo?”
“Trabaho, maingay? Trabaho, babae ang sumagot? Trabaho, pero ala-una na? Seryoso?”
Stryker sighed and then started to walk. Sinundan ko naman siya habang patuloy pa rin sa pagdadakdak.
“May usapan tayo, Stryker! Bawal ang babae habang kasal tayo! Bawal kasi baka may makakitang kakilala natin at paghinalaan tayo!”
Hindi pa rin siya sumasagot hanggang sa namalayan ko na lang na nasa taas second floor na kami ng bahay at nasa tapat na kami ng mga kwarto namin. Doon pa lang siya humarap sa akin at saka niluwagan ang suot niyang kurbata.
Iniharap niya sa akin ang phone niya at ipinakita sa akin ang isang litrato.
“It’s a business party, Ayla,” sagot niya.
Napalunok ako at parang napahiya pa tuloy sa sagot niya.
“Sino ‘yung babaeng sumagot sa tawag ko?”
“She’s my cousin and she laughed at me when you shouted in her ears that you are my wife. Umalis kaagad ako kasi sabi niya galit ka. Bakit ka ba galit?”
Ikinuyom ko ang mga kamao ko nang dahil sa inis. “Hindi ka nagpaalam!”
“At bakit ako magpapaalam? Ang sabi mo kasal lang tayo sa papel. You told me to shut up, what do you expect me to do? Hinahayaan na nga kita, Ayla… ano ba talagang gusto mo?” pagod na tanong niya.
Napatulala ako, umawang ang labi ko habang nakatingin sa mga mata niya… ano nga ba talagang gusto ko?