“CHARMAINE!” Naalimpungatan si Charmaine nang may kamay na umalog sa balikat niya. Narinig niya ang boses ni Zae. Nang tuluyan niyang imulat ang kanyang mga mata ay nakita niya itong nakatayo sa kanyang harapan. Nakasubsob ang mukha niya sa nakabuklat na logbook na nakapatong sa lamesa habang siya’y nakaupo sa silya. Naroon sila sa loob ng counter ng food center. Umupo siya nang maayos. Nanlalambot siya na parang naubusan ng lakas. Hindi siya makapag-isip ng matino. “Matagal ba akong nakatulog, Zae?” malamyang tanong niya. “Oo, halos isang oras na. Mukhang binabangungot ka pa dahil panay ang ungol mo,” sagot ni Zae. Naisip niya bigla na baka panaginip lang ang mga naganap kagabi sa pagitan nila ni Dylan. Tumayo siya. Pasado alas-nuwebe na ng umaga. Nagdadalawang-isip siya kung ipaglul