PINAGMAMASDAN ni Dylan ang monitor ng automated system ni Alessandro kung saan nakabukas ang ginawa nitong program para sa development ng memory ni Charmaine. Mayroon na itong sixty percent complete progress. “That’s almost done,” wika ni Alessandro nang lapitan siya nito. “Huwag mo nang ituloy ito, Sandro,” sabi niya. “Why?” “Unti-unti nang nakaaalala si Charmaine.” “Normal iyon pero mahihirapan siyang maka-recover kung walang gumagabay sa kanya.” “I’ll manage her situation.” “What do you mean?” “Unti-unti kong ipapaalala sa kanya ang nakaraan. I want to take this opportunity to retain my rights to enlighten her my mistakes.” “Akala ko ba ayaw mo na siyang balikan.” “I thought I can do that but it makes my life miserable. Her presence bothered me and I was confused with my feel