DINALA ni Dylan sa laundry room ang namantsahang bed cover. Habang hinihintay na malabhan ng laundry machine ang kobrekama ay muli niyang sinariwa sa kanyang isip ang naganap sa pagitan nila ni Charmaine. Hindi niya iyon binalak at inasahan pero wala siyang pinagsisihan o dapat ipag-alala. Wala rin naman siyang magagawa dahil kagustuhan iyon ng puso niya. Pagkuwan ay bumalik siya sa clinic at kinain ang pagkaing niluto ni Charmaine para sa kanya. Nagdududa na talaga siya sa estado ng amnesia ng dalaga. Alam nito ang taste niya sa pagkain. Maselan ang panlasa niya. Gusto niya sa meat recipe ay palaging mayroong lemon extract, para kontra lansa. Nagustuhan niya ang pagkain. Noon siya nagsisi dahil sinaway niya si Charmaine at sinabing itigil ang pagluto ng pagkain para sa kanya. Nahihirap