NANG maayos ang problema sa linya ng tubig ay bumalik sa sala si Dylan. May nakahanda nang meryenda sa center table. Hindi niya natakasan ang kanyang ina. Pinigil siya nito sa pag-teleport. “Maupo ka muna. Mag-uusap tayo,” sabi nito. Wala siyang nagawa kundi umupo sa katapat nitong sofa. “Please tell me about Charmaine. Ano’ng nangyari sa kanya?” “Nagka-amnesia siya. Nakuha namin siya mula sa na-crash na eroplano biyaheng Cebu.” “Ha? A eh mabuti hindi siya napaano.” “Halos mamatay na rin siya noon pero inagapan namin. Na-operahan ko siya sa puso dahil may damage ang heart valve niya.” “E bakit hindi mo ipaalala sa kanya ang nakaraan niya?” “I don’t have an idea about her life after I left her, Ma.” “Kahit ‘yong tungkol lang sa inyo.” “Para ano pa, Ma?” “Dylan, wala naman kayong