PAGPASOK ni Dylan sa laboratory ay sinalubong siya ni Jensen. “Where’s Charmaine?” tanong nito. Nangyayari pa riin ang pilit niyang iniiwasan. “Bumalik na siya sa kuwarto niya. Huwag mo na siyang abahalahin, hindi ka rin niya maalala,” sabi niya. “At bakit hindi? Nagkita pa kami noong nagtatrabaho na siya sa airport.” Nawindang siya. “Nagkaroon siya ng amnesia.” “So? Higit niyang kailangan ang presensiya natin dahil tayo ang nakaaalam tungkol sa nakaraan niya,” giit nito. “Wala tayong alam sa nakaraan niya, Jensen.” “Ikaw lang kasi wala kang pakialam sa kanya!” Nabasa niya ang munting galit sa mga mata ng kanyang kapatid. “Ano’ng alam mo sa mga nangyari?” usig niya. “Akala mo ba hindi ko alam na sinaktam mo siya? During college, palagi niya akong tinatanong kung kailan ka babalik.