CHAPTER FIFTEEN

1302 Words
"HIJA, ano'ng dahilan nang pagbabago ng isip mo? Pumapayag ka na ba sa alok ko?" Masayang salubong ni Congressman Buenos sa dalagitang sumugod sa kanilang tahanan kahit gabi na. 'Maaring umiwas sa mga matang mapanuri. I really love the way she handles her life,' lihim niyang sambit sa sarili. "Magandang gabi sa iyo, Congressman. Total direct to the point ka po ay ganoon din ako. Yes, Sir, I will. Ngunit may kundisyon din ako. Huwag kang mag-alala dahil hindi kayamanan ang aking hinahangad," tugon ng dalagita. "Precious, alam kong hindi ka ganoong uri ng tao. Kilala ko ang magulang mo kaya't kahit hindi ka magpaliwanag ay hindi ko iisiping kagaya kayong pamilya ng ibang angkan na nasisilaw sa pera. Ngayon ay sabihin mo kung ano ang kundisyon mo at aking gagawin," muli ay saad ng mambabatas. "Kaligtasan ng aking pamilya, Congressman. Hindi naman siguro lingid sa iyo na nais ipa-demolish ng grupo ni Mayor ang Barangay San Juan. Dahil ang rason nito ay utos ng taas meaning ikaw na ama ng buong probinsiya. Ngunit kung hindi ako nagkakamali ay hindi kayo line up. Dahil si Governor Bernos ang kasama. Ibig sabihin ay sila-sila lamang din. Hindi na ako hihingi ng paumanhin dahil talagang matalas ang aking pananalita. Subalit inuulit ko, papayag akong maging mata at taenga mo sa paligid at pakasalan ang anak mo. Kagaya nang sinabi ko ay seguridad ng aming pamilya ang tangi kong hiling. No more, no less." Boom, panis! Ikaw na ang politician, Precious! Magaling sa negosasyon. "Deal, Hija. I never back down to any of my words. Ngunit para mas sigurado ang kaligtasan ninyo ay invisible ang mga guwardiya. Kumbaga killing two birds with one stone. Matalino kang tao kaya't alam kong nauunawaan mo ang sinasabi ko." Kaagad namang pagsang-ayon ng kongresista kasabay nang paglahad sa palad. Case solved! BARCELONA SPAIN "KUMUSTA ka na, Hija? Pasensiya ka na kung natakot ka namin." Tinig na bumungad kay Haenna Mae pagmulat ng kaniyang mga mata. "Okay lang po ako, Senyor. Diba't ikaw iyong abuelo ng masungit na CEO... Oopps! Sorry, po. Hindi na magbabago ang pagiging masungit nito sa aking paningin," sagot niya. "Totoo naman, Miss. Masungit talaga iyon lalo na kung may hindi nagustuhan. By the way, tawagin mo akong Uncle Benjamin at siya naman ang boss ko o abuelo ni Bryce Luther, siya si Master Luther Dale Mondragon." Pagpakilala ng kasama nito. Hindi kaagad sagot ang dalaga dahil umayos siya sa pagkaupo. "Hello po sa inyo, Uncle Ben at Senyor Dale. Formal din po akong magpakilala sa inyong dalawa. Haenna Mae Valleroz ang buo kong pangalan. At sa Hospital De Barcelona ako nagtatrabaho. Hmmm, huwag n'yo sanang masamain ngunit maari ko po bang malaman kung ano ang dahilan at nais n'yo akong kausapin?" tanong niya kasabay nang paglipat-lipat ng paningin. "Ako na, Hija, ang magpaliwanag. I will double your salary in the hospital with full benefits basta sa akin ka magtrabaho. Let's say you need to transfer in Madrid with us," paliwanag ng matandang Mondragon. Subalit dahil wala naman siyang alam na maaring dahilan kung bakit nais siya nitong ilipat sa Madrid ay napailing-iling siya. "Saglit lang po, Senyor. Sa anong dahilan po at bakit gusto mo akong ilipat sa Madrid? Kung hindi ako nagkakamali ay pag-aari ninyo ang Mondragon Empire. Kayang-kaya ninyong umupa ng ibang doctor sa mismong Madrid. Ngunit bakit po ako ang naisip ninyo? Sorry, po, Senyor. Subalit talagang wala akong maunawaan," aniya. Sa isipan niya ay very tempting ang offer nito. Ngunit doktor siya at mayroong siyang sinumpaang tungkulin. She is an instrument of God in saving lives. "Limitado lamang ang oras namin dito sa Barcelona, Hija. Kaya't pasensiya na kung nagmamadali kami. After two days, meet us again here at the same time. Sa araw na iyon depende sa desisyon mo ay aking sasabihin o sasagutin. Huwag kang mag-alala dahil aking igagalang kahit ano man ang resulta," pahayag ng Senyor. "Okay, po, Senyor Mondragon." Nagpakatotoo lang naman siya. Dahil naging maayos naman ang usapan nila ay ganoon din sa paghatid sa kaniya sa mismong apartment o sa harapan ng Hospital De Barcelona. MADRID SPAIN "Explain yourselves, people. Maiksing-maiksi ang pasensiya ko. Kaya't kung ayaw ninyong makatikim ng aking galit ay bilisan ninyo!" Mahina man ngunit maari namang mamatay ang langgam dahil sa diin. "Ano ba?! May taenga pa ba kayong lahat? Ah, ayaw ninyong sumagot ah, sige pagbigyan ko kayo. Hah! Magsilayas kayo ngayon din sa mansion! Hindi ko kayo sinasahuran ng walang dahilan. Sa dinami-rami ninyo ay walang nakakaalam kung nasaan ang matandang iyon?!" galit niyang sambit. Dahil sa apat na guwardiya ay wala man lang yatang nais sumagot at magpaliwanag kung ano ang nangyari. Dumadaan sa screening ang bawat guwardiya sa mansion man o sa empire. Mapatawad pa niya iyon o ang wala siyang nalalaman sa shifting ngunit kung ang pagkawala ng abuelo niya ay makapatay siya ng wala sa oras. Kaso mas umusok lang ang ilong niya nang basta na lamang sumulpot ang dalawa niyang pinsan. "Well... Well, Mondragon Empire. Ibig sabihin ay isang prestigious at kilala sa buong mundo. Ah, porke ba't ikaw ang CEO ay maari mo ng sigaw-sigawan ang mga tao rito? Kung nasaan man si Grandpa ay alamin mo ng maayos, PINSAN. Dahil kahit ikaw ang namamahala sa Empire at huwag mong kalimutang ang abuelo pa rin natin ang head ng pamilya. Ibig sabihin ay maari pa rin nitong gawin ang gusto at makapunta kahit saan," mapang-asar na wika ni Joseph. "Pinsan, aba'y huwag mong sabihing kinakalawang na ang iyong utak kaya't kailangan mo si Grandpa? Hmmm... Magsabi ka lang kung nahihirapan ka na dahil nandito naman kami. Ah, iyan ay kung gusto mo." Dagdag pa ni Matthew na halatang bangag. Pero! Sa isang iglap ay walang salitang namutawi sa labi ni Bryce ngunit umangat na parang ibon at pinalipad ang dalawang pinsan kunong namemeste! "Sige! Tulungan ninyo ang dalawang ampon na iyan tingnan ko lang kung may trabaho pa kayong masasabi!" "At kayo namang dalawa, ilang beses ko ng pinagbigyan ngunit lagi ninyong sinasayang. Kaya't simula ngayon ay tuluyan ko nang pinuputol ang anumang ties sa pagitan natin!" "Guard! Guard! Bilisan ninyo bago pa makatakas ang mga ito! Move, now!" Aba'y mahirap mawalan ng trabaho! Kaya't kung gaano kabilis ang boses ng amo nila ay ganoon din ang kilos nila. Instantly, naka-posas na ang mga hay*p! "GINALIT na naman nila ang dragon. Tsk! Tsk! It's been a while since the table turned around," nakailing na wika ng isang guwardiya. "Sa katunayan ay mabait naman si Sir Bryce. Sabihin na nating maiksi ang pasensiya ngunit siya ang taong nakikinig sa paliwanag," saad pa ng isa. Lahat ng iyon any narinig ng bagong dating na si Attorney Saavedra. Subalit dahil ayaw din niyang mapahiya ang mga ito kaya't hindi niya ipinahalata. "Magandang hapon, Attorney Saavedra. Alam naming nais mong makausap si Young Master kaya't puntahan mo na," wika ng isa. "Same to you, brother. Sige at mukhang umuusok na naman nag bumbunan ng kaibigan ko," tugon niya. Hindi na niya hinintay na makasagot ang mga ito bagkus ay tumango-tango siya bago nagtungo sa kinaroroonan ng kaibigang naging dragon na naman. "DOCTORA VALLEROZ, pinapatawag ka ng director." Tinig na nagpaangat sa dalagang abala sa ginagawa. "Thank you, Miss Nurse." Tumatango niyang pasasalamat dito. 'Ano kaya ang sasabihin sa akin? May pupuntahan pa naman ako,' aniya sa isipan. "Walang anuman, Doktora. Sige po at babalik na ako sa trabaho ko," sagot nito saka tumalikod bago tuluyang nilisan ang opisina niya. 'Baka naman may nagawa akong mali kaya't nais na nila akong tanggalin,' bulong niyang muli. Ngunit napangiwi siya dahil sa huliang bahagi ng monologue. At bago pa siya tuluyang mabaliw ay inayos na niya ang lamesa bago nagtungo sa opisina ng tagapamahala ng hospital. Pero! Pagdating na pagdating niya roon ay nagulat naman siya sa bumungad sa kaniya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD