"CONGRESSMAN, nakahanda na ba ang relocation para sa bawat pamilya sa Sitio San Juan?" tanong ni Precious sa ama ng buong pamilya.
Lingid sa kaalaman ng lahat ay weekly siyang umuuwi sa kanilang probinsiya. Dahil na rin sa deal na ng Congressman. Maaring para sa taong bayan ngunit mas mainam na rin ang nag-iingat. Kahit nga ang mga magulang niya ay walang kaalam-alam.
"Kasal na kayo ng anak ko, Hija, pero hindi ko pa narinig na tinawag mo akong Papa o Tatay. Talagang direct to the point," tugon nito.
"Ah, sorry po, Congressman. Huwag kang mag-alala dahil darating din po tayo sa oras na iyan. Nagkataong nagsimula tayo sa deal ngunit pinalaki kaming magkakapatid ng aming mga magulang na maging nakatao at may respeto sa bawat isa," sagot niya.
"Alam ko, anak. Dahil kagaya nang lagi kong sinasabi ay kilala ko ang mga magulang mo noon pa. Tungkol sa kasal ninyo ni Alex ay registered na. Ngunit dahil sa pakiusap mo na huwag munang isapubliko hanggat hindi pa nababawasan ang kalaban ng gobyerno ay kinausap ko ang asawa mo. Gustong-gusto ka nga niyang puntahan sa Vigan. Kako magtiis muna total mag-asawa na kayong dalawa.
About relocation, handa na ang lahat, anak. Kahit ang pabahay para sa inyong lahat. May ilang gamit na rin sa loob mg bawat bahay. Ngunit alam mo namang litado ang mailabas kong pera kahit pa sabihin nating nanggaling sa bulsa ko."
Mahaba-haba nitong paliwanag.
"Maaring very rude ako lalo at walang preno ang bibig ko. At nangahas akong makipag-deal sa kagalang-galang na tulad mo, Congressman. Ngunit nais ko ring ipaalam sa iyo na labis-labis ang pasasalamat ko sa iyo. Thank you very much, Congressman. Huwag kang mag-alala dahil kahit bata ako sa edad subalit kaya kong gawin ang hindi magagawa ng ilang libong sundalo," pahayag niya at sa unang pagkakataon ay napangiti siya sa harap nito.
"Ang buhay ay punong-puno ng kababalaghan, Hija. Ngunit nasa ating mga tao kung paano mabuhay ng matiwasay. At isa pa ay iisa ang goal natin. Ang maparusan man lang ang hindi maubos-ubos na problema ng taong bayan. Maaring hindi sila maubos sa buong termino ko ngunit sa susunod na henerasyon o kayong mga kabataan ay magagawa ninyo." Napatango-tangong itong ngumiti sa kaniya.
"Two days from now, muling babalik sa San Juan ang grupo ni Mayor. At dito ko isasagawa ang plano. Pakisabihan mo po ang mga invisible guards na nandoon ang plano. Magkakaroon ng tatlong warnings, una ay malakas kong boses o ang pagkompronta ko umano sa alkade. Pangalawa ay ang hiyawan ng mga tao dahil sa usok at ang huli ay ang paglagablab ng apoy.
And, yes, Congressman, that's how my plan will do. I am willing to do the dirty works for you, Sir. But make sure to prioritise the safety of those lives in San Juan who willingly follow my lead and believe you. Huwag mo sanang ipagkait ang kaunting pag-asa ng mga tao sa iyo bilang ama ng probinsiya."
Sa hinaba-haba na yata ng paliwanag ni Precious ay naumid na ang dila ng kausap! Dahil lumipas ang ilang sandali bago nagwika. Ngunit pumalakpak ito na halatang tuwang-tuwa.
"Very well said, Hija. Masusunod lahat ang kundisyon mo. Ngunit mag-ingat kayo dahil ang tulad ni Mayor ang taong hindi maaring maliitin. Pero dahil may tiwala ako sa iyo ay susundin natin ang lahat. Thank you for standing for the people, Hija
Panatilihin mo ang prinsipyo mong iyan dahil balang-araw ay isa ka rin sa mamumuno ng probinsiya natin."
"Martinez, narinig mo ang pahayag ni Miss Valleroz. Kaya't siguraduhin ninyong walang palya. Dahil buhay ng taong bayan ang nakasalalay."
So it be!
"KABAYAN, ano'ng ginagawa mo rito sa presinto? Hindi ka naman taong palaboy sa pagkakaalam ko," tinig na nagpaangat sa dalagang si Haenna Mae.
"Hindi ko rin alam, Kabayan. Dahil nanggaling ako sa Barcelona. At tinanggap ang alok ng Hospital Universitario Fundación Jiménez Díaz. Ngunit paglabas ko pa lamang sa airport ay may nakaabang ng mga awtoridad. Sinabing sumama sa kanila rito sa presinto. Kabayan, maari bang makisuyo?" patanong niyang tugon.
"Sige lang, kabayan. Kung kaya ko ay walang problema. Ano ba iyon?" balik-tanong nito.
"Iyong bagahe ko, kabayan. Nandoon ang aking shoulder bag na naglalaman ng personal things ko including my phone. Kung makuha ko iyon ay may tao akong malapitan dito sa Madrid at ang bag ko ang magpapatunay na hindi ako nagsisinungaling sa iyo. Please, kabayan. Wala akong kasalanan upang makulong." Pakiusap niya.
"Walang problema, Kabayan. Maaring limitado ang maitulong ko dahil hindi ko naman saklaw ang buong Madrid. Ngunit karangalan ko ang tutulong sa kapwa ko Pinoy. Sige, kabayan--- By the way, ako pala si Santiago Cameron. How about you? What's your name?" tanong nito.
Tuloy!
Nasa alanganin siyang sitwasyon ngunit lihim siyang napangiti. Aba'y para silang nasa pageant na nagbalikan ng tanong.
"Haenna Mae Valleroz ang pamgalan ko, kabayan," tugon niya.
Hindi na rin ito nagtagal. Nagpaalam na ito ng tuluyan ngunit nangakong babalik agad-agad para sa kaniyang bag.
SA KABILANG banda. Nagulat si Benjamin dahil napasigaw ang matandang Mondragon samantalang kay lawak-lawak ang ngiting nakabalatay sa mukha. Ngunit napasigaw na lang.
"Senyor, may problema ba?" tanong niya.
"Those st*pid creatures! They imprisoned my saviour in Barcelona. Hah! I will pull out our investment in that hospital!" ngalaiti nitong sagot.
"Sa anong dahilan daw, Senyor? Aba'y mabait naman ang taong iyon ah. Lilipad ba tayo papuntang Barcelona?" muli niyang tanong.
"No, Ben. Just prepare the car. Dahil nandito sa Madrid si Miss Valleroz. Siya ang tumawag at humihingi ng tulong. Walang masyadong sinabi na maaring dahilan. Ngunit nagmakaawa na humihingi ng tulong. Go now, Ben. Susunod na ako. Kukunin ko lang ang aking wallet sa silid ko," sagot at pagtataboy nito.
Marami pa siyang nais itanong ngunit dahil sa nakikitang pagkataranta ng among matanda ay hindi na siya nagdalawang-isip na sundin ito.
SA IKALAWANG palapag ng mansion kung saan naroon ang magkaibigang Bryce Luther at Ramil ay napataas ang kilay ng una. Aba'y paanong hindi siya magtataas ng kilay samantalang ang bipolar niyang abuelo na pinagmanahan sa ugali ay basta na lamang kumidlat.
"Tsk! Tsk! Kung kaedad lang sana natin ng old man na ito ay iisipin kong may kasintahang tumawag at pinagmamadaling puntahan ito," ismid niyang sabi.
"Aba'y malay mo naman kung mayroon nga siyang nobya, brother. Tandaan mong guwapo at matikas pa rin ang abuelo mo sa edad na otsenta," dinig niyang sabi ng kaharap.
Kaya naman ay basta na lamang siyang napatingin dito. Subalit mas nagsalubong ang malalago niyang kilay dahil ang hudyo niyang kaibigan ay halatang nang-aasar. Bukod sa nakangiti ito ay panay pa ang pagtanaw sa unang palapag o sa garden na kinaroroonan ng abuelo at kinalakhang ama.
"Hah! That old geezer must be flirting indeed. Aba'y ang tanda-tanda na nito ngunit ngayon lang naisipang naghanap ng nobya? Tsk! Tsk!" aniya sa boses ba hindi matukoy kung ang sarili ang kausap o ang kaibigang napabunghalit ng pagtawa.
Pero!
"Young Master Bryce, Senyor Ramil, ipinapasabi po ni Master Mondragon na kailangang bumaba ni Attorney Saavedra. Dahil sasama ito sa pupuntahan nila ni Sir Benjamin. Maiiwan daw dito sa mansion si Young Master upang hindi sabay-sabay na mawala." Tinig na nagpabaling sa kanilang magkaibigan.
Dahil dito ay mas umusbong ang inis sa katawan ni Bryce Luther. Hindi naman sa wala siyang tiwala sa mga ito. Subalit sa kaisipang may date ito at natataranda ang abuleo upang puntahan ang girlfriend ay kumukulo ang dugo niya. Ganoon pa man ay hindi na sila nagsayang ng oras lalo at halata namang magmamadali ang bipolar niyang ninuno.
'This old geezer is really up for something. What he is hidding on his sleeves now? What if he is really having an affair to a younger woman like him? Huh! I will surely confront this old man when they come back,' aniya sa isipan habang nakatanaw sa sasakyang umalis.
ISANG gabi sa bansang Pilipinas sa probinsiya ng Abra at Sitio San Juan. Nagulat ang karatig bayan at taong bayan dahil sumiklab ang apoy sa naturang Sitio. Kaya't walang pag-aalinlangan tumulong ang bawat isa upang ilikas ang mga residenti at apulahin ang apoy!
Pero mas nagulat sila sa kaalaman tungkol sa mastermind sa nangyaring sunog!