Mr.Client

1303 Words
Chapter 5 Nagning-ning ang mga mata ni Thalia nang makita niya sa kanyang RAG profile ang kanyang schedule para sa buwan na ito. Naroon kasi nakasulat ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanilang susunod na magiging kliyente. "Yes! Akala ko hindi na niya ako rerentahan eh!" Napapalakpak pa si Thalia habang nakatingin sa screen ng kanyang laptop. Doon niya binabasa ang latest update ng kanilang buwanang schedule. Client Name: Harley Hoffman Client's job : CEO/ Racer Client's age : 32 years old Sex: Four times a day ? Kidding! "Male" Napakunot ang nuo ni Thalia sa nabasa niyang mga sagot ni Harley sa information sheet nito. Aba't may kapilyuhan palang taglay ang gwapo na iyon? Napapailing nalang niyang pinagpatuloy ang pagbabasa ng Client's information sheet nito. Client's available schedule : 7days a week for 2 months. Client's available time : Monday to Friday 8pm to 12midnight. Saturday and Sunday 10am to 9pm Nalaglag yata ang panga ni Thalia nang mabasa niya ang requested time schedule ni Harley bilang cliente niya. Seryoso ba ito? Araw araw nito kailangan ng nobya sa loob ng dalawang buwan? Wala ba itong ibang kaibigan? Bakit araw araw silang mag-kikita? Ito palang ang kauna-unahang kliyente niya na humiling ng ganito karaming time slot. Ibig sabihin araw araw siyang magtatrabaho bilang nobya nito? Sabagay. Hindi na rin masama dahil mas malaki ang bayad sakanila kapag ganito ang schedule na hiniling ng mga cliente niya Status: Fully paid. 500,000 service for two months. and 100,000 reservation fee for RAG co. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nabasa niyang presyo ng kanyang sweldo. Usually kasi ay one hundred fifty thousand pesos lang kada buwan ang sweldo niya. Ngunit ngayon ay tumataginting na two hundred fifty thousand pesos kada buwan ang ibabayad sakanya ni Harley! "Holy sheeesh! Totoo ba to?" Kinusot kusot pa ni Thalia ang kanyang mga mata dahil baka namamalik-mata lamang siya "Oh my gosh. Totoo nga. Ang yaman naman ng gwapong yun? Grabe.." Hindi parin siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Nagmadali na agad siyang mag-log in sa kanyang online banking upang siguraduhin na five hundred thousand pesos nga ang ibinayad ni Harley sakanya upang maging pansamantalang nobya nito Napatalon siya sa tuwa nang makita niyang limang daang libong piso nga ang dineposito ng RAG direkta sa kanyang bank account! "Oh my gosh!" Napayakap siya sa kanyang cellphone. Makakapag-simula na sila ng kanyang ina sa munting negosyo na matagal na niyang nais simulan ipatayo. Tatapusin lamang niya ang dalawang buwang serbisyo niya kay Harley Hoffman at pagkatapos ay magreresign na siya sa pagiging bayarang babae. Napapagod na rin kasi siyang makipag-date kung kanikanino. At isa pa may pangarap siya para sakanilang dalawa ng kanyang Nanay Beng. Ang 100,000 reservation fee na binayaran ni Harley ay mapupunta sa RAG company. Hindi parin maunawaan ni Thalia kung bakit may mga taong handang magbayad ng ganoong kalaking halaga para lamang magkaroon ng nobya Napaisip tuloy siya. Bakit kailangan pang magbayad ni Harley ng isang babae para lamang magkaroon ng girlfriend? E sa palagay ni Thalia, kahit sinong babae pa ang magustuhan ng binatang iyon ay paniguradong willing maging nobya nito. Panigurado pipila ang mga kababaehan para lang maging nobyo ang isang Harley Hoffman Bukod doon, sa pagkaka-alam ni Thalia ayon sa mga kwento ni Jayson sakanya, mga modelo daw sa ibang bansa ang mga ex-girlfriends ni Harley. Kaya hindi maunawaan ni Thalia kung bakit kaya magbabayad pa ito para lamang maging nobya siya? May gusto ba ito sakanya? Namula ang kanyang pisngi. Humarap tuloy siya sa full lenght na salamin sa loob ng banyo. Upang tignan ang kanyang mukha at katawan. "Baka crush ako ni Sir Harley?" Napapataas kilay niyang tanong sa kanyang sarili Napapanguso pa siya sa harap ng salamin na para bang gandang ganda siya sa kanyang sarili "Ano kayang nakita sakin ng gwapong iyon para magbayad pa ng malaki? Mala-model siguro ako kung biniyayaan rin ako ng height ano?" Patuloy niyang pag-kausap sa kanyang sariling repleksyon sa salamin Nagagandahan siya sa kanyang sarili. Makinis ang kanyang balat. At natural na mapupula ang kanyang labi. Mahahaba na talaga ang kanyang pilik mata kaya hindi na niya kailangan pang maglagay ng kung ano ano sa pilik mata niya dahil natural na iyong makapal at mahaba. "Salamat talaga sa Italian spagetti sauce kong beauty. Kahit hindi ko nakilala ang tatay ko sa tingin ko may ambag naman siya sa buhay ko." Napapangiting sambit niya habang tinatapik tapik niya pa ang kanyang mga pisngi Ngayon lang talaga niya napatunayan na isa siyang magandang babae. Biruin mo isang Harley Hoffman ba naman ang nagbayad pa para lamang maging nobya siya? "Sooo pretty!" Kinikilig niyang papuri sa kanyang sarili. Sobrang saya niya dahil sa malaking pera na natangap niya "Hmm. Malaki kaya mag tip si Sir Harley? Mukhang galante pa naman yun. Gagalingan ko nalang sa pag-asikaso ko sakanya bilang rented girlfriend niya. Para masulit niya naman ang binayad niya sakin." Habang paikot ikot si Thalia sa harap ng salamin. Napatigil siya nang marinig niyang kumatok sa pintuan ng banyo ang tiya Beth niya. "Thalia maghapunan na tayo. Nakahain na ako" "O sige ho tiya! Susunod na po ako sa kusina" Magalang na sagot niya sa kanyang tiya Beth Samantala, Napangisi si Harley nang matalo niya sila Rudolf sa isang karera sa loob mismo ng kanyang racing field. Kaibigan niya ito sa Germany. Nakipagkamay ito sakanya. Pareho silang napapangiti. Masaya sila sa naging karera nila. Isang champion rin ito sa larangan ng pangangarera. Ngunit natatalo niya parin ito palagi sa tuwing nagkakatuwaan silang maglaro "Dude wala ka paring kupas men! Nilalampaso mo parin kami sa racing." Tinapik nito ang balikat niya pagkatapos siya nitong bigyan ng pang-lalakeng yakap. Pinagbungo nito ang mga dibdib nila. "Better luck next time" Mayabang na sagot niya Nakipag kamay at bunguan rin ng balikat sakanya ang iba pang mga kaibigan niya na sumali sa kanilang karera He just won Five million pesos tonight. Nagkatuwaan lang silang maglaro. It's their free time. Nang nasa loob na sila ng dressing room kung saan sila magpapalit ng kani-kanilang damit ay nilapitan siya muli ni Rudolf. "Bukas ulit? Rematch tayo--" "No. maybe I'm always busy starting from tomorrow." Tangi niya. Bukas na kasi ang simula nang pagkakaroon niya ng nobya. His baby Thalia. Wala lang gusto niya lang itong gawing baby. O dikaya mas mabuti kung siya ang gawin nitong baby para padedehin siya nito? Akkk. What the?Kung ano ano talagang naiisip niyang kalokohan "Busy from what?" Tila nagtataka nitong tanong "Busy from life." Nakangisi niyang sagot "Oh men. C'mmon rematch tayo.--" "Tawagan kita pag may time ako. Mag focus muna ako sa goal ko eh" Pilyo siyang ngumiti kaya napapaisip ito ng husto "Goal? May iba pa bang goal ang isang katulad mo dude? You already have it all. Oh wait. You're still single. Don't tell me--Babae ang goal mo?" Tila na-gets nito bigla ang pinupunto niya "Babaeng aasawahin ko" Sagot niya kaya napangisi rin ito. "That's my man. Well good luck bro. Sana huwag ka lang ulit ipagpalit sa career like Ofelia did to you--Oh s**t i didn't mean to say that bro." Tila nataranta naman ito nang mapansin nitong nawala ang pagkakangisi niya. "It's okay. Malay natin she's the one. Para mahabol ko pa ang tatlong anak mo. Isang buntisan lang sisiguraduhin kong quadroplets agad" Dinaan nalang niya sa biro ang ackwardness. Alam naman kasi niyang hindi iyon sinasadyang masabi ni Rudolf. "I'll wait for that day dude! Sperm dust to you. Humayo ka at magparami!" Para itong timang na winisikan pa siya kunwari ng magic spell. Pumipikit pikit pa ito na parang isang albularyo kaya natawa siya. Triplets kasi ang anak nito. Kaya biniro niya na magkakaroon rin siya ng apat na anak kay Thalia. Why not? Lalo na ngayon, sabik na siyang magkaroon ng sariling pamilya niya "Amen" Nakangising sagot niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD