Chapter 4
"Nay ayos lang po ba kayo? Pumunta na tayong hospital nay" Panay ang paghagod ni Thalia sa payat na likod ng kanyang ina. Nag-aalala siya ng husto sa kalusugan nito
Inaatake nanaman ito ng matinding ubo. Madalas itong atakihin ng ubo at nauuwi iyon sa pag-atake ng hika nito.
Winasiwas nito ang mga kamay nito na nangangahulugan lamang na ayaw nitong magpadala sa hospital. Halos pabalik-balik na kasi ito sa hospital at marahil napapagod na ito na mamuhay sa apat na sulok ng puting kwarto ng hospital na madalas itong ma-confine. Sadyang sakitin kasi ang nanay niya noon pa man.
Kaya nga hindi na siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil kailangan niyang mag-trabaho agad upang suportahan ang pagbili ng mga gamot sa bawat pagkaka-sakit ng kanyang ina.
Humigop ito ng inhaler nitong nakapasak sa bibig nito.
Mayamaya pa huminahon na ito at kumakalma na. Kahit ganoon pa man, hindi parin maiwasan ni Thalia ang mangamba sa tuwing inaatake ng hika ang kanyang ina
Bumibilis ng husto ang t***k ng puso ni Thalia sa labis na pag-aalala. Nais niyang maiyak sa tuwing hinihika ang nanay Beng niya. Naaawa kasi siya sa nanay niya. Ilang taon na itong palaging nakaratay sa higaan dahil sa pagiging mahina ng baga nito
"Okay na ako anak. Huwag kana mag-alala" Tipid na ngumiti ang kanyang ina sakanya ng ilang sandali itong kumalma
She touch her face.
"Nay.. Punta na po tayo sa hospital. Napapadalas ho ang atake niyo ngayong buwan. Pangatlo na ho ito--"
"Shh. Ayos lang ako anak. Sasabihin ko naman saiyo kung hindi na normal ang nararamdaman ko." Tila nahihirapan parin itong magsalita
"Osige ho. Huwag na ho kayo mag-salita nay nahahapo po kayo oh?" Panay parin ang pag-hagod ni Thalia sa likod ng nanay niya
"O uminom ka muna ng tubig ate.." Isang matandang babae ang pumasok sa kwarto ng kanyang nanay Beng. Ang tiyahin niya. Kababatang kapatid ng kanyang ina. Matandang dalaga ito at hindi na nag-asawa pa. Mas gusto raw nitong alagaan ang nanay niya kaysa mag-asawa.
Hindi malaman ni Thalia kung ipapasalamat niya ang pagkakaroon ng mabuting tiyahin o hindi. Dahil naaawa rin siya sa tiyahin niya. Buong buhay rin nito ay ginugol na nito sa pag-aalaga sa kanyang ina. Imbis na magkaroon ito ng sarili nitong pamilya ay mas iniisip pa nito ang kalusugan ng Nanay Beng niya
Alam ni Thalia kung gaano nito kamahal ang kanyang ina. Kaya nga madalas inaabutan niya ito ng pera sa tuwing may extrang pera siya o di kaya pinamimili niya ito ng kung ano anong gamit upang makabawi naman sila kahit papaano sa kanyang mabuting tiyahin
Kung wala siguro ito sa buhay nila ay baka hindi nakayanan ni Thalia ang responsibilidad at pag-aalaga ng mag-isa sa kanyang ina.
"Salamat tiya Beth." Pasasalmat ni Thalia sa kanyang tiyahin. Tinanguan lang siya nito. Bago nito pinainom ng tubig ang nanay niya. Nasa mukha rin nito ang matinding pag-aalala para sa kanyang ina.
"Ate mag-pacheck up--"
"Huwag na muna. Ayos lang naman ako. Huwag na kayong mag-alala dalawa" Putol ng kanyang nanay sa sasabihin sana ng tiyahin niya. Alam kasi nitong pagpipilitan lang nila ang pagpapacheck up nitong muli. Halos dalawang buwan na kasi nang huli itong ma-confine sa hospital.
Napabuntong hininga nalang silang dalawa ng kanyang tiyahin. Hindi na sila nakipagtalo pa sa kanyang nanay Beng. Siguro napapagod at nagsasawa na ito sa amoy ng hospital.
Sa kabilang banda naman, Napapangiti si Harley habang nakatingin sa bagong kasal. Ang kanyang pinsan na si Jacob Hoffman at ang rented girlfriend nito noon na si Jaira o mas kilala nila sa palayaw na Chuchay.
Halatang masaya ang mga ito at tunay na nagmamahalan.
"She's so lucky to have Jacob.." Sambit ng isang babae sa likuran niya. Isa iyon sa mga bisita. Hindi niya ugaling makinig sa usapan ng ibang tao pero malakas ang boses ng mga babaeng ito kaya naman naririnig niya ng kusa
Naroon sila sa dalampasigan. Doon ginaganap ang magarbong kasal ng kanyang pinsan. Lahat halos silang magpipinsan ay dumalo sa kasalan na iyon. Magtatampo ang pinsan nilang si Jacob kung hindi sila dadalo sa kasal nito.
"Kaya nga grabe. Ang gwapo ni Jacob ang sweet sweet pa"
Nais sumagot ni Harley sa mga babae sa likod niya.
Si Jacob ang maswerte. Kasi natagpuan na niya yung babaeng bubuo ng masayang pamilya at magmamahal sakanya. Ako kaya kailan ko matatagpuan yung ganito? --Damn ano ba itong naiisip ko? Ang baduy.
Napapa-iling si Harley sa kanyang naisip. Tinunga niya tuloy ang natitirang laman ng kanyang beer in can na hawak hawak. Ang aga aga pa umiinom na siya. Ayaw man niyang makaramdam ng ingit ay kusa niya rin iyon nararamdaman
Damn. Tatlong beses ba naman siyang nagmahal ng seryoso. Tatlong beses ba naman siyang lumuhod sa mga babaeng minahal niya ng totoo upang maging asawa niya. Tatlong beses rin siyang tinangihan ng bawat babaeng minahal niya
In short, tatlong beses ng nawasak ang puso niya. He's not a player. Wala sa bokabularyo niya ang pagiging babaero. Sa katunayan, tatlong babae pa lang talaga ang dumaan sa buhay niya. Hindi siya yung tipo ng lalake na kapag may babaeng nagparamdam sakanya ay susungaban agad. Hindi siya ganoon. Naniniwala kasi siya sa pag-ibig
Growing up with a beautiful loving parents makes him want to experience that kind of love too. Hopeless romantic siya at walang nakakaalam niyon bukod sakanya.
Gusto niyang magkaroon ng pagmamahalan na nakita niya sa pagitan ng kanyang mga magulang. They love each other so much. Sobrang nagmamahalan ang Daddy Kenzo at Mommy niya. Kaya lahat silang mag-kakapatid ay talaga namang lumaki sa isang masaya at buong pamilya
Gusto niya rin ng ganoon. He knew, Iyon nalang ang kulang sa buhay niya. Isang babaeng mamahalin at magmamahal rin sakanya. Isang babaeng bubuo ng isang masayang pamilya kasama niya.
Napabuntong hininga si Harley.
Naalala niya tuloy si Thalia. Type na type niya ang dalaga. Maganda kasi ito at mukhang mabait pa. Ngunit isang linggo na niyang hindi kinontak ang dalaga dahil nalaman niya ang uri ng trabaho nito. Hindi naman siya judgemental pero naghahanap kasi siya ng isang babaeng mapapangasawa. Kung isang rented girlfriend ang magiging target niya, panigurado delikado nanaman ang puso niya
Sa uri ng trabaho ng dalaga mukhang hindi nito seseryosohin ang isang tulad niya.
But he missed her face. Ewan ba niya kung bakit namimiss niya ang magandang mukha ni Thalia kahit ilang beses niya palang itong nakikita.
Ang ganda kasi eh. Kakaiba. Ang bait pa. Iyon kasi ang kahinaan ni Harley sa isang babae. Pretty nice, too sweet and super kind. Ayan ang mga qualities ng babaeng nagugustuhan niya
Nakay-Thalia lahat iyon.
Pero. Susubukan niya bang hanapin ang forever niya sa katauhan ng isang rented girlfriend? Baka masaktan nanaman siya? Pero paano kung hindi? Paano kung seryosohin rin nito ang relasyon nila?
"Harley brother ang lalim iniisip mo ha? Tara nandoon sila Cody." Inakbayan siya ni Calix. Ang isa sa pinakamakulit niyang pinsan
"Iniisip ko kung paano ako papanget. Kanina pa ako kinikindatan ng chix mo eh" Biro niya kay Calix
"She's not my chix. Kay Rohan yan hiniram ko lang." Tumatawang sagot ni Calix
Palibhasa mga babaero talaga itong mga pinsan niya. Samantalang siya, nag-papangap lang siyang babaero para hindi naman isipin ng mga pinsan niya na hopeless romantic siya
Kinagabihan, halos lahat ng bisita ay nagsipasok na sa kani-kanilang mga villa cottage. Samantalang naiwan naman si Harley sa dalampasigan habang umiinom siya ng beer.
Pinag-iisipan niya kasi kung susubukan niya ang inoffer ng RAG. O Rent a Girlfriend company. Wala naman sigurong masama kung susubukan niya diba?
Pipigilan nalang niyang mahulog kay Thalia hangat hindi pa siya nakakasigurado kung seseryosohin rin siya nito. He will give it a try..
Susubukan niyang rentahan ito bilang kanyang nobya. Nasabik tuloy siya.
"Hmm Bingo" aniya na para bang kinakausap niya ang litrato ni Thalia
Napangiti nalang siya nang sa wakas na-kapag schedule na siya bilang client ni Thalia sa susunod na linggo.
Thalia Hernandez. Mukha itong may halong Italian blood dahil napakaganda nito sa litrato. Ngunit higit na nagustuhan niya ang malulusog nitong hinaharap na halatang halata sa litrato nito.
"Harley! Tara na malamok na diyan!" Pag-yaya sakanya ni Cody.
Tumayo na siya mula sa pagkakasalampak sa buhangin. Balewala naman sakanya ang ibabayad niya sa magiging nobya niya kung magkakaroon rin siya ng pamilya katulad ni Jacob.
Maybe?
Ilan araw rin niyang pinag-isipan ang bagay na ito. Sana lang seryosohin rin siya ng dalaga. Bahala na.