Chapter 3
Napalundag si Thalia nang mag ring ang kanyang cellphone. Eksaktong alasiete nang tumawag ang taong hinihintay nilang tumawag. Kanina pa kasing alas-sais narito si Jayson sa kanilang bahay. Excited ito nang ibalita niya rito na nais itong bigyan ng opportunidad ni Harley
"Ayan na tumatawag na si Idol!" Inagaw ni Jayson ang kanyang cellphone nang mabasa nito ang pangalan ng caller niya
Napangiti nalang si Thalia dahil kitang kita niya kung gaano kasabik ang kaibigan niya. Para itong tumama ng malaking papremyo sa lottohan. Napatayo pa kasi ito at bahagyang napapatalon sa tuwa.
"Hello Idol?" Ito na mismo ang sumagot sa tawag ni Harley Hoffman
Sa kabilang banda naman ay napakunot ng kaunti ang nuo ni Harley dahil lalake ang sumagot sa phone number ni Thalia. Tinignan pa muli nito ang screen ng cellphone kung tama ba ang natawagan nitong numero
"Idol?"
He cleared his throat when he found out that he's not mistaken. Ito nga ang cellphone number ni Thalia
"Hello" Ani Harley sa kabilang linya
Muling napatalon sa tuwa si Jayson nang marinig nito ang boses ni Harley Hoffman
"Idol! Ako po yung kaibigan ni Thalia. Ako po si Jayson Bayani. Small time racer po ako. Kakasimula ko palang po noong nakaraang taon pero matagal na po akong nakikisali sa mga pipitsugin na karerahan--"
"Okay.Send your details to my assistant's email address. I'll recommend you to our training coach para mabigyan ka ng maayos na training" Pagputol nito sa mahabang pagpapaliwanag ni Jayson. Medyo malakas rin kasi ang boses ni Jayson kaya napapalayo ang cellphone ni Harley sa kanyang tenga
"Talaga po?! Naku idol maraming maraming salamat po!"
"Anong sabi? Huy sabihin mo sakin?" Singit ni Thalia. Narinig ito ni Harley na nangungulit sa kaibigan nito
"Saglit kausap ko pa si Idol. Mamaya sasabihin ko sayo" Bahagyang tinakpan ni Jayson ang speaker ng cellphone na hawak nito ngunit narinig parin naman ni Harley ang pag-uusap ng dalawa
"Ang damot nito."
"Can i talk to Thalia?" Out of nowhere na naitanong ni Harley bigla kay Jayson. Ito naman kasi talaga ang gusto niya makausap.
Medyo nagtaka naman si Jayson. Nawala ng kaunti ang malapad na ngiti nito ngunit nakangiti parin ng kaunti.
"Ah sige Idol. Nangungulit nga po eh. Maraming salamat po talaga! --O kakausapin ka raw ni Idol.." Ibinigay ni Jayson kay Thalia ang cellphone na hawak nito
"Ako? Bakit daw?"
Nagkibit balikat lang si Jayson kahit may hinala na ito na may interest si Harley kay Thalia. Sino ba naman kasing hindi magkakagusto sa kaibigan niyang ito? Napakaganda! Nagmana ito sa lahi ng tatay nitong Italyano. Higit sa lahat napaka-sexy pa nito. Kahit napakalakas kumain ay hindi ito tumataba, palibhasa palagi itong nag-eehersisyo.
"H-Hello?"
"Hi.." Sagot ni Harley sa kabilang linya ng marinig nito ang malamyos na boses ng dalaga. Kanina pa niya gustong tawagan ang dalaga ngunit sinabi nitong alasiete daw siya tumawag. Masunurin siya kaya hinintay talaga niyang mag-alas siete ng gabi bago niya tinawagan ito.
"Sir Harley. Bakit ho?"
"Uhm.." Tila nag-iisip pa ang binata ng magandang sasabihin nito
Tahimik naman nag-hintay si Thalia na magsalita muli si Harley sa kabilang linya
"Sir?"
"Ahm--i just want to ask you out" Lakas loob na deretsahang sambit ni Harley. Hindi pa nito nagagawang magtanong ng ganito sa isang babae. Ngayon palang! Dahil ang mga ex-girlfriends niya ang nanligaw sakanya noon. Hindi tuloy siya sanay na siya ang susuyo sa isang babae
"O-Out po?" Ulit na tanong ni Thalia
"Y-Yeah. Okay lang ba?" Kinakabahang tanong ni Harley.
Man first time niyang kabahan ha?
"Out po? Ibig sabihin date po? Nag-paschedule na po ba kayo sa RAG? Teka, Alam niyo ho ang trabaho ko?" Sunod sunod na tanong ni Thalia sakanya
"Ha? Ano bang trabaho mo?" Naguguluhan na tanong ni Harley sa dalaga
"Rented Girlfriend po. Kaso Sir Harley may kliyente pa ho ako. Pwede po siguro sa susunod na buwan magpaschedule ho kayo sa RAG.."
Napa-awang ang bibig ni Harley. Naunawaan agad niya ang sinasabi nito. Ofcourse he knew that company. Halos limang taon na rin ang kumpanyang RAG sa buong Pilipinas. Idagdag pang kliyente rin doon ang pinsan niyang si Jacob. Doon nito natagpuan ang babaeng nagpatibok sa puso nito.
He did not expect that a simple girl like Thalia will be part of that company. Medyo ikinabigla niya iyon kaya hindi agad siya nakapagsalita
Kaya pala sinabi nito kaninang umaga na mayroon itong date sa nobyo nitong kliyente. Naguluhan pa nga siya kanina, but now it all makes sense. Kaya naman pala kliyente ang tawag nito sa nobyo nito.
"Sir?"
"Ahm- Right. Sige magpapaschedule nalang muna ako sa RAG. Bye. Good night"
Napangiti naman ng matamis si Thalia. Seryoso kaya ang Harley Hoffman na ito? Gusto siyang maka-date?
"Bye Sir?" Kinikilig na paalam ni Thalia kay Harley bago niya binabaan ng linya ang binata
"Bye Sir." Ginaya naman ni Jayson ang maarteng pagpapaalam niya kay Harley. Sinamaan niya ito ng tingin.
"Epal mo. Pasalamat ka sa maganda mong kaibigan magkakaroon kana ng opportunity sa racing."
"Salamat maganda kong kaibigan." Ginulo ni Jayson ang buhok niya
Tinapik niya ang kamay nito.
"Pero teka, ano yung narinig kong magpapa-schedule siya sa RAG? Iyon ba ang dahilan kaya niya ako kukunin sa team niya? Type ka lang yata ni Idol eh?"
Natawa si Thalia sa sinabi ni Jayson. She flip her hair. Pakiramdam niya humaba ng milya milya ang buhok niya. Alam niya naman na maganda siya noon pa mang kabataan niya. Ngunit ngayon niya lang napatunayan na maganda nga talaga siya.
"Kinikilig kana agad don? Baka may gusto ka na kay Idol?" Kunot nuong tanong ni Jayson sakanya. Pinitik pa nito ang kanyang tenga habang sinusuri ang kanyang damdamin
Muli siyang natawa.
"Hindi uso sakin ang kilig. Wala akong panahon sa love life no. Alam mo kung saan ako kinikilig? Kinikilig ako sa sasahurin ko" Nag-ningning ang mga mata ni Thalia dahil paniguradong malaking pera ang matatangap niya mula kay Harley Hoffman
Ito na siguro ang pinakamayaman na magiging kliyente niya. Don't get her wrong, sino ba naman ang hindi kailangan ng pera sa mundo? She badly need money for their future. Para sa future nilang mag-ina at sa pangarap niyang negosyo.
"Mukha ka talagang pera" Napapa-iling na sambit ni Jayson habang napapangiti na ito
Alam kasi nitong hindi siya basta basta nagkakagusto sa isang lalake kahit gaano pa kagwapo iyon. Dahil buo ang atensyon niya sa kanyang trabaho
Kahit ganoon ang trabaho niya, nananatili parin siyang may dangal at prinsipyo. Hangang halik sa pisngi lang ang pinapayagan niya sa mga nagiging kliyente niya. Wala pa nga siyang first kiss eh.
Bumabawi nalang si Thalia sa pagiging malambing at maasikasong nobya sa bawat nagiging kliyente niya. Ngunit hindi talaga siya nagpapahalik sa kanyang labi. Nirerespeto naman iyon ng mga kliyente niya.
"Biruin mo isang Harley Hoffman ang magiging kliyente ko? Panigurado tiba-tiba ako nito sa rate ng sahod ko at tips." Nakangising sagot ni Thalia.
"Akala ko naman kinikilig kana eh. Gwapo yun si Idol ko. Mag-iingat ka baka mainlove ka don"
"No no no bestfriend. Bato itong puso ko. Kahit gaano kagwapo si Sir Harley, wala siyang pantunaw sa puso ko."
Sabay silang napangiti ni Jayson. Mula noon pa man kinandado na talaga ni Thalia ang puso niya. Hangat hindi pa niya natutupad ang pangarap niya para sakanilang dalawa ng nanay niya, ay hindi muna niya iisipin ang pagkakaroon ng love life.
Trabaho lang walang personalan.
"Mabuti naman kung ganon! Mukhang chick boy rin yun si Idol eh. Ang balita ko nga, nag-proposed yan sa ex-girlfriend niya last year kaso hindi pumayag magpakasal mas pinili daw yung career"
"Napakachismoso mo talaga Jayson!" Natatawang sambit ni Thalia. Pati ba naman love life ni Harley Hoffman ay mukhang updated ang kaibigan niya
Hindi naman interesado si Thalia sa love life ni Harley. Mas interesado siya sa magiging sahod niya sa susunod na buwan. Gagawin niya ang lahat para maging maayos ang kanyang serbisyo sa binata. Pero siyempre may limitasyon.
"O ayan nag text ulit."
Napangiti si Jayson ng magsend ng text message si Harley. Naglalaman lang iyon ng detalye ng email address at phone number ng assistant nito.
"Ang bait talaga ni Idol!"