Thalia

1539 Words
Chapter 2 "Parang peke naman?" Isang batok ang natangap ni Jayson dahil sa pag-iisip nitong peke ang pirma ni Harley Hoffman sa kanyang notebook. "Anong peke ka diyan? Pirma niya talaga yan no. Nakita ko siya kagabi sa restaurant na pinagdalahan sakin ng kliyente ko. Ayaw mo ba?" Akmang babawiin na niya ang notebook mula sa pagkakahawak nito nang itaas agad nito iyon sa ere upang hindi niya maabot. Palibhasa maliit lang kasi siya kaya alam nitong hindi niya maabot ang notebook kung itataas nito iyon sa ere. 5'3 lang kasi ang kanyang height. Samantalang 6 footer naman ang kanyang bestfriend na si Jayson. Anak ito ng kapitbahay nila na si Aling Minda. Best friend ng kanyang ina kaya napalapit rin siya sa binata noon pa man. "Sakin na to. Ipapalegit check ko sa mga racer kung pirma talaga to ng idol ko" Napapailing nalang siya dahil bakas naman sa mukha ni Jayson na masaya ito. Sobrang idol kasi nito si Harley Hoffman. Ang ultimate king of sports car. Ito ang may-ari ng Harley's racing track na pangunahing lugar kung saan ginaganap ang mga pangmalawakang kompetesyon sa pagkakarerahan ng mga mamahaling sasakyan o sportsacing car kung tawagin. Nga pala, She's Thalia Hernandez. Twenty two years old. Nag-iisang anak siya ng kanyang ina. Bata palang siya noong mag-umpisa siyang kumayod dahil sakitin ang kanyang ina. Madalas itong atakihin ng hika. Hindi tuloy siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil mas inuna niya ang matustusan ang mga kailangan na gamot ng kanyang ina. Anak siya sa Italyano ng kanyang ina. Bukod sa pangalan ng kanyang ama ay wala na siyang alam tungkol dito dahil ayon sa kanyang ina hindi na niya kailangan pang kilalanin ang kanyang ama dahil iniwanan sila nito. "Osiya sige Jay. May date pa ako. Dinaan ko lang yan talaga dito" Napakamot sa ulo ang kaibigan niya. "Hangang kailan mo gagawin ang trabahong iyan?" Kunot nuong tanong ni Jayson sakanya Alam kasi nito kung ano ang klase ng trabahong ginagawa niya "Hangang yumaman kami ni nanay" Pagpipilosopo niya bago niya ito nginisihan. "Itigil mo na yan. Baka mapahamak ka pa riyan eh" "Safe sa RAG. Huwag kang mag-alala" Hindi na niya hinintay pang makasalita ang kanyang kaibigan. Umalis na agad siya sa harap nito dahil panigurado sesermonan nanaman siya nito tungkol sa trabahong pinasok niya. Kumaway ka pa siya kay Jayson bago siya tuluyan sumakay sa unang jeepney na dumaan sa bandang kanto. Hindi siya maaring malate. Baka magreklamo ang kliyente niya. Kakaiba ang kanyang trabaho. She's a rented girlfriend. You heard her right. Oo rented. Nirerentahan. Binabayaran para maging kasintahan. Halos anim na buwan na rin siyang nagtatrabaho sa RAG. Kadalasan ang mga kliyente niya ay mga taong hindi nabiyayaan ng itsura na nahihirapan magkaroon ng nobya. In short, halos lahat pangit. Ayon sa mga katrabaho niya. Pero para kay Thalia, okay naman ang itsura ng mga nagiging kliyente niya. Mga disente naman ang mga ito dahil ang mga nakaka-aafford lamang mag bayad ng malaki ang nakakapag-rent sakanila. Hindi na rin mahalaga kay Thalia kung pangit o hindi ang kliyente niya. Ang mahalaga kumikita siya ng pera para sakanilang dalawa ng kanyang ina. Si Nanay Beng. Mahal na mahal niya ang nanay niya kaya kahit anong trabaho ay papasukin niya "Para ho!" Napalakas ng kaunti ang boses niya dahil lumagpas na siya sa mall na pagkikitaan nila ng kanyang kliyente Napatingin tuloy sakanya ang ibang mga pasahero ng jeepney. Nag-smile nalang siya sa mga ito bilang paumanhin "Pasensya na po. Lumagpas po kasi ako" Paumanhin niya bago siya tuluyan bumaba ng jeep. May pang taxi naman siya ngunit hangat maaari ay nagtitipid siya. Upang makapag-ipon siya ng mas mabilis. Pangarap niya kasing magkaroon ng negosyo. Isang bake shop ang nais niyang ipatayo balang araw dahil mahilig siyang mag-bake ng mga cake at cookies "Naku po si tatang.." Napakamot si Thalia sa kanyang ulo ng makita niya ang isang matandang patawid ng kalsada. Mag-isa lang ito at para bang natatakot tumawid ng maayos. "Tay!" Hindi na nagdalawang isip pa si Thalia at mabilis niyang tinakbo ang kinaroroonan ng matanda. Inalalayan niya agad ito upang makatawid ng maayos Kinabahan pa nga siya dahil kamuntikan na silang maabutan ng green light. Halos mabinge tuloy siya sa busina ng jeep na naantala nila. Nanghingi nalang siya ng paumanhin sa driver ng jeep "Pasensya na ho! May matanda hong tumatawid konting pasensya lang boss" Medyo naka-kunot nuo niya sa driver ng jeep dahil sa kabastusan nito. Nakita na nga nitong tumatawid yung matanda eh. Kung makabusina akala mo pagmamay-ari na nito ang kalsada "Kabagal niyo kasi ng lolo mo!" Iritadong sigaw pa ng jeepney driver bago ito humarurot. Nausukan pa tuloy sila ng matandang kaagapay niya "Salamat ineng." "Walang ano man ho Lo, wala po ba kayong kasama? Delikado po tumawid ng mag-isa. Lalo na ang dami dami hong masamang tsuper baka ho mahit-and run kayo" Ngumiti ang matanda sakanya. "Salamat ineng." "Papa! Bakit hindi niyo ako hinintay. Bumibili lang ako ng mani sa kanto eh!" Isang may edad na babae ang lumapit sakanila "Eh katagal mo. Nainip na ako gusto ko ng umuwi. Mabuti tinulungan ako ni ineng makatawid" Mukha anak ito ni lolo base na rin sa pag-uusap ng mga ito. Ngumiti siya sa babaeng anak nito. "Salamat ne. Pasensya kana sa papa ko makulit kasi ito eh" "Walang anuman ho. Huwag niyo po siyang pabayaan sa susunod" Tumango ito at ngumiti. Inakay na nito ang matandang makulit palayo sakanya. Mukhang nag-sesermon pa ito habang papalayo Napapangiti nalang si Thalia. Babalik na sana siya sa kabilang kalye kung saan naroon ang mall. Ngunit paglingon niya ay natigilan siya sa kanyang nakita. Isang gwapong gwapong lalake ang nakatayo sa di kalayuan sakanya. Mga limang hakbang ang layo nito mula sa kinatatayuan niya Tumalon yata ang puso ni Thalia nang makilala niya kung sino ang gwapong lalakeng ito. Walang iba kundi ang numero unong iniidolo ng kanyang kaibigan sa larangan ng pagkakarerahan! Ang nag-iisang Harley Hoffman! Tinangal nito ang black shades nito at nagtama ang kanilang paningin. Mas lalo itong gumwapo sa kasuotan nito ngayon. Kulay puting polo shirt at black shorts hangang tuhod nito na tinernuhan ng isang puting rubber shoes. Para itong modelo sa sobrang kagwapuhan nito Ito pala ang dahilan kung bakit napakaraming tao na ang nakapalibot sa kinatatayuan nila. "It's you. Thalia right?"Sambit nito habang nakatingin sakanya. Saglit rin nitong pinasadahan ng tingin ang kabuoan niya. She's wearing a simple sunny dress. Mabuti nalang at nakapag ayos siya kaninang umaga ng kanyang buhok. Kinulot niya ang dulo ng buhok niya na mas lalong nagpaganda sakanya Tumango siya sa tanong nito "Mr. H-Harley Hoffman" mahinang usal niya ngunit narinig parin nito iyon Lumapit ito sakanya. Nataranta siya ngunit hindi siya nagpahalata "Yeah it's me." "A-Anong ginagawa mo dito?" Wala sa sariling tanong niya habang na-star struck parin siya sa binata It's not everyday that she will see a celebrity like him. Lalo na sikat na sikat ito. "I just saw you earlier. Akala ko namalikmata lang ako." Ngumiti ito ng bahagya kaya nakarinig siya ng mga impit na tili mula sa mga babaeng nakiki-usyoso sakanila. Mabuti nalang may mga body guards itong kasama na humaharang sa mga fans nito "A-Ah ganoon ba? Naku pinagkakaguluhan kana ng mga fans mo. May kailangan ka ba sakin?" Naiilang niyang tanong sa gwapong binata Nakakailang kasi ang kagwapuhang taglay nito. Idagdag pang maraming mga tao ang nakapalibot sakanila "Can i get your number?" Medyo nahihiyang tanong nito Nalaglag yata ang panga ni Thalia dahil sa sinabing iyon ni Harley. Tama ba ang rinig niya? Kinukuha nito ang number niya? "Ha? Bakit?" Tila ito naman ang nailang sa kanyang katanungan. "I-I want to recommend your friend. Nabangit mo kasi racer rin ang kaibigan mo so, i want him to be part of our team" Unti unting nanlaki ang kanyang mga mata. Napangiti siya ng husto ng mag-sink in sakanya ang mga sinabi nito. Parang naaamoy na niya ang tagumpay ng kanyang kaibigan. Napakabait naman pala ng idol nito! "W-Wow? Talaga po? Sige po! Maraming salamat sir!" Nagmamadali niyang kinuha ang kanyang cellphone upang hanapin sa kanyang phonebook ang number niya. Hindi niya kasi kabisado ang kanyang numero Napangiti naman ito ng tuluyan na nitong makuha ang cellphone number niya. Tinawagan agad nito ang cellphone niya kaya nag-ring agad iyon "That's my number. Save it." Todo ngiti parin siya ng matamis. "Sure po! Naku matutuwa po ng husto ang kaibigan ko. Maraming salamat po talaga. Idol na idol po kayo nun" Masaya siya para kay Jayson parang kapatid na rin kasi ang turing niya sa kanyang kaibigan. Kaya masaya siya kung makakapasok ito sa kumpanya ni Harley "No problem. Anyway saan ka pupunta? Ihatid na kita" "Huwag na ho. Diyan lang ako sa mall pupunta. May date ho kami ng nobyo ko" Unti unting nawala ang liwanag sa gwapong mukha nito dahil sa kanyang sinabi "Great" Mahinang sambit nito na hindi na niya narinig. "Sige ho Sir Harley, late na po ako sa date namin ng kliyente ko. Tawagan niyo nalang po ako mamaya mga alas-siete ng gabi para makausap niyo ang kaibigan ko." Tumango ito. Ngunit hindi na ito ngumingiti. "Kliyente?" "Ah eh. Mahirap po ipaliwanag eh. Sige po! Bye Sir Harley! Maraming salamat po talaga!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD