M A L Z I A Kasalukuyan akong umakyat upang i-check ang phone ko. Baka kasi may tumatawag at nagme-message saakin. Nang magising kaso ako ay hindi ko na 'to nahawakan. Iniwan ko muna sila Vaughn sa baba. Sabi ko mag decorate sila ng cupcakes na ginawa namin. Hindi ko maiwasang matawa dahil napakakulit nila. Nang makapasok ako sa Kwarto ay hinanap ko kung nasaan ang phone ko. Nang makita ko ito sa desk ay agad ko itong kinuha at tinignan ang messages ko. Habang binabasa ko ang mga nasa messages ay biglang nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang nag texts saakin. {Aria already gave birth! - Calista} { Answer the goddamn phone, Zia! - Sierra} Nanlaki ang mata ko dahil sa nabasa 'ko. Aria gave birth?! It's too early! 3 weeks earlier than her actual due date! Ariadne is also one