Chapter 40 M A L Z I A It's been 3 days since Chandler went here to stay and honestly? I just can't get enough with him. He is such an amazing kid. Halos hindi nawala ang ngiti namin tuwing kasama namin si Chandler. Kahit tatlong araw palang ay tinuring ko na siya bilang anak ko. It's just so good to meet him. Napakaswerte ni Vivian na magkaroon ng anak na katulad ni Chandler. Napakabait at napakasiyahing bata. "Mommy!"takbo ni Chandler nang makita si Vivian na kakapasok lang sa bahay. Agad niyang sinalubong ito ng yakap at binuhat. Hindi alintana na talagang namiss niya ang kaniyang anak. Tipid naman akong napangiti dahil lubos nakakatagos ng puso ang eksena. Kahit na nagtatrabaho si Vivian, kahit papaano ay napalaki niya ng maayos si Chandler. Kaya saludo talaga ako sakaniya.