Kabanata 12 dedicated to: sweeetcorn "What's wrong?" Inosenteng tanong sakin ni Kent habang papasok kami ng cinema buti nalang at dim lang yong lights dito kaya naman hindi niya nakita ko yong pagirap ko sa kanya. Mahirap na at baka iapply na naman niya yong self-rule niya kuno na you're your eyes on me and I'll kiss you. "Ouch!" Napasubsob naman ako agad nung madapa ako kasi hindi ko napansin na hindi lang pala flat 'tong floor ng cinema meron pa palang maliit na steps. "Kylie??" Hindi ko na inantay pa yong kamay ni Kent kasi alam ko namang hindi niya ako tutulungan. Kusa na akong tumayo at humawak ako don sa railings malapit sa wall. Sakit ng tuhod ko. Huhu! "Ma'am ayus lang po kayo?" Tanong sakin nung usher-porter at saka niya itinaas yong flashlight niya para magkakitaan kami. "