Kabanata 13 Tapos na yong movie pero wala man lang akong naintindihan kahit isang part ni wala nga akong maalalang part na nakaka-excite or nakakalungkot man lang.. tumingin ako sa paligid ko at karamihan sa mga girls na lumalabas ng cinema umiiyak o nagpupunas ng mga luha. Inaasahan ko pa naman n asana ganun din ako kasi diba tribute yon kay Paul Walker at gustong-gusto ko si Paul Walker. Crush ko pa nga yon eh. Napabuntong hininga nalang ako, "Wife is better than Babe, Kylie." Hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan yong sinabi ni Kent. Babe, yong tawag sakin ni Jiro samantalang si Kent (thou di naman ako sure) eh wife and itatawag sakin? Naramdaman ko naman agad yong mabilis na pintig ng puso ko kasabay ng mapupula ng tenga ko hanggang sa pisngi ko. God, this can't be happening!