Kabanata 43 "Gusto ko ng mamatay." Bulong ko sa sarili ko at saka ko ulit hinithit yong m*******a'ng ginawang kung yosi. Nasa loob ako ng kwarto ko at wala akong balak na lumabas, mahirap na baka maamoy din 'to ng mga kasambahay namin at maging high din sila, lagot ako kay Daddy. Matapos ng pagkakakulong ko isang linggo na ang nakakalipas, sinabi sakin ni daddy na grounded ako. Para hindi na naman kami mag-away hindi ko na siya sinagot at pumayag nalang ako sa gusto niya. Sobrang bored na bored na ako dito, internet surfing, movie marathon, nagsubukan ko na din'g magsounds ng buong maghapon at isa lang ang ending, boredom. Hanggang sa umabot ako sa pagkalkal ng bag ko at nakita ko yong maliit sa supot ng m*******a na nakasiksik kasama ng mga credit cards ko. Kaya eto yong inaatupag ko n

