Kabanata 42 "Oh bakit nakasimangot ang baby ko?" Tanong sakin ni Kenzo pagpasok na pagpasok palang niya sa Starbucks. Inakbayan naman niya ako and since sa couch naman kami nakaupo inihilig ko ang ulo ko sa dibdib niya. Dinig na dinig ko yong heart beat niya. "Ang lakas ng t***k ng puso ko." "Syempre, kasama ko yong babaeng mahal ko." At naramdaman ko yong paghalik niya sa bunbunan ko. kinurot ko naman siya sa tagiliran niya. "Baby naman eh! Ang sadista mo talaga!" Natawa naman ako sa sinabi niya. Tinawag namin yong waiter at saka siya nag-order ng iinumin niya. Meron na kasi akong frappe eh. I sigh. Napasin naman niya yon kaya umayos siya ng upo at saka niya hinawakan yong mga kamay ko. "I can sense na my problema ka na naman, Baby. What's wrong?" Kilalang-kilala na talaga ni Kenzo.

