Kabanata 41 -Two years later- "Kylie wala ka na ba talagang respeto samin ng Mommy mo?!" Tanong sakin ni Daddy. Papaakyat kami ni Kenzo ng kwarto ko ng matigilan kaming pareho dahil sa sigaw ni Daddy. Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko at nasalubong ko agad ang galit niyang mga tingin samin. Kasama din niya ang Mommy na malungkot na malungkot. "Ano na naman bang problema mong Matandang Hukluban ka?!" Sagot ko naman sa kanya. Nakita ko naman ang pagpigil sa kanya ni Mommy sa pagsugod niya sakin. Ako na mismo ang tuluyang bumaba ng hagdan para makalapit sa kanila ni Mommy. Mukha namang walang pakialam si Kenzo at nagdiretso na siya sa kwarto ko. Sa bagay hindi naman 'to yong unang beses na nakita niya 'tong eksenang 'to. "Bakit ba gabi-gabi ka nalang nag-uuwi ng kung sino-sinong

