Kabanata 8

3089 Words
Agad napansin ako ni Ms. Cruz, bahagya ito nagulat ngunit bigla din nya nabawi at ngumiti. Sya talaga ang pinakabata na professor na babae dito sa Xander University. Kung hindi mo sya kilala baka akalain mong isa syang estudyante dito. "Oh Danica andito ka pala. How's your campaign?" she asked. "Ok lang po Ma'am." mabilisan na sagot ko. Nasa harapan nya si Alexander na pormal na nakaupo. Napataas ang kilay ko, o nasaan na yong playful na Alexander? "Sir I'm here for my seatwork." "I know." kahit yong boses nya sobrang pormal. Hindi na lang ako nag salita pa. Humarap sya kay Ms. Cruz. "I-email ko na lang sayo yong files mamayang gabi." sabi nya rito. Tumango naman si Ms. Cruz saka ngumiti ng matamis na nag pakunot ng nuo ko. Are they flirting with each other in front of me? "Sure Sir Alexander. I'll wait ah." nag lakad na paalis si Ms. Cruz hanggang sa kaming dalawa na lang ang natira sa loob. Walang nag imikan saaming dalawa. Tumayo sya at may kinuha sa drawer sa likuran nya. Isang folder na red saka nilapag sa desk nya. "Here, kunin mo itong folder na ito." tukoy nya sa red folder. Lumapit naman ako saka kunot nuong tinignan ang loob ng red folder. "Bakit puro names ng students? I mean mga kaklase ko itong mga to. Ano gagawin ko dito Sir?" "Ayusin mo. Chronological Order. Bukas mo ibigay sakin after class" yon lang sabi nya saka umupo na sa swivel chair nya. "What? I'm here for my seatwork." "That's your seatwork Ms. Lladones." pormal na sabi nya habang nakatuon pa rin sa sinusulat. "But hindi ganito—" Nag taas na sya ng tingin sakin. Inayos nya ang salamin nya saka diretso ang tingin sa mata ko. Para ako hihigupin sa mata nya. "Why? Gusto mo ba yong test mo dati na wala kang nakuhang score?" Mas nadagdagan ang pag kainis ko sakanya. "Fine!" umirap na lang ako sa hangin saka tumalikod na. Kainis! Ano ako? Secretary nya? Myghad! "Anyway Ms. Lladones. I hate cheater people." Napahinto ako sa sinabi nya. Parang hinugot bigla ang hininga ko sa sobrang bilis ng kabog sa dibdib ko. I know what he's talking about. Pero hindi sumagi sa isip ko yong sinasabi nya. "A-ano ba sinasabi mo dyan Sir?" "Drop the formality Danica. I'm here as a concern cousin to Violet." nag iba na ang boses nya pero ang lalim pa rin. Hindi pa rin ako humaharap. "W-what's with Violet?" tinatago ko ang pag kakautal ko. "Ayaw ko mapalapit sa mga bad influence ang pinsan ko. So if i were you, stop what you're doing." Humigpit ang yakap ko sa folder. Nararamdaman ko na lang na may mainit na gusto lumabas sa sulok ng aking mata. Bakit ako naapektuhan sa sinasabi nya? Hindi na ako nag salita pa at malalaking hakbang na lumabas ng office nya. Nakita ko agad si Violet na nag hihintay. Nakangiti syang sinalubong ako "Oh nakuha mo na—Hey are you okay?" "Y-yeah. Masakit lang puson ko." nag crack pa ang boses ko ng mag salita mabuti na lang mukhang hindi napansin ni Violet ito. Pag karating namin sa parking lot ay mabuti na lang andoon na yong SUV. Kahit nasa labas pa sina Danver at Joe ay dumiretso na ako sa loob at umupo. Tinakip ko ang braso sa mata ko. "Hey what happen?" narinig ko ang malumanay na boses ni Joe. "Girls thing.." buntong hininga ni Violet. Wala na umimik pa sa tatlo. Gusto ko mag salita. Mag sabi ng nangyari sa loob ng office ni Alexander. Gusto ko ipag tanggol nila ako. Pero wala akong lakas kasi sa huli alam ko ako ang may mali. Kakalabas ko pa lang ng shower ng biglang tumunog ang phone ko. Tamad na lumapit ako rito at tinignan. Nagising ako bigla ng makita ang pangalan ni Herold. Herold: I'm sorry. Ako: Huh? Bakit ka nag s-sorry? Agad naman na nag reply sya Herold: Midnight Snack? Kumunot ang nuo ko sa sinabi nya. Bakit naman sya bigla nag yayaya ng midnight snack? Hindi kaya wrong send lang ito? Baka kay Athena ito.. binaba ko na lang yong phone ko sa table saka nag tungo sa walk in closet ko at kinuha ang mag kapares na pj ko. Pag katapos ay dumiretso na ako ng higa sa kama ko. Nilingon ko ang phone na nasa gilid ko lang. Binuksan ko ito at nakaramdam ako ng dismaya ng makitang wala na syang text. Baka wrong send lang talaga yon. Pinikit ko na lang ang mata ko. Tok! Napamulat ang aking mata ng marinig ko ang tunog na yon na nag mumula sa bintana. Parang may nag babato. O baka namamalikmata lang ako. Humikab na lang ako saka bumalik sa pag tulog. Ipipikit ko na sana ulit yong mata ko ng may nag bato na naman. Hindi na ako nag dalawang isip pa at lumapit dito saka binuksan. Bumungad sakin ang terrace ko. Mas lumabas pa ako saka tumingin sa baba. Kumunot ang nuo ko ng makita ko ang familiar na Ducati na nakaparada sa harapan ng gate namin. No way! Sa gilid nito nakita ko sya. Na katulad ko ay nakatingala sakin. Ngumiti sya ng tipid saka tinaas ang dalawang supot na dala dala. He mouthed me "Midnight Snack with me" Automatic na nakaramdam ako ng kiliti sa tyan ko. Ngumiti ako sakanya saka tumalikod at nag mamadali na bumaba at lumabas. "Bakit bigla ka nag yaya Herold?" bungad ko agad sakanya pag kalabas. Naka-plaster na ang ngiti sa labi ko. Damn! Hindi ko mapigilan. He shrugged his shoulders. Ang lakas ng dating nya talaga kapag naka black jacket sya. "Gusto ko lang bumawi. Hindi tayo nakapag usap buong araw." I bit my lip. "Ah.." dumako na lang ang mata ko sa dala nya. Agad nag ningning ang mata ko "Jollibee!" He chuckled "I know its your favorite." "How did you know?" Lumapit sya sakin dahan dahan. "Aalamin ko lahat ng favorite ng babaeng gusto ko Danica." sabay pat sa buhok ko. Nagugulat pa rin talaga ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na may gusto sya saakin. I mean parang kailan lang.. "Paano si Athena.." biglang natanong ko. Agad nag bago ang mukha nya. Biglang naging cold ito saka umiwas ng tingin sakin. Huminga ako ng malalim. "H-herold. Alam kong alam mong gusto kita matagal na pero—" "W-what? I didn't know that you like me too Danica." kita kong hindi sya makapaniwala sa sinabi ko. Umiinit na ang pisngi ko. s**t! Ang hirap pala mag confess! "Danica.." "B-bakit?" iniiwasan ko ang titig nya sakin. Maya maya ay naramdaman ko na lang yong kamay nya sa baba ko saka masuyo akong itiningala sakanya. Nakikipag titigan na tuloy ako sa mata nya. It's so damn serious. "Do you like me too?" "O-oo nga" bulong ko. Nakita kong tumaas ang sulok ng labi nya. Parang kumikinang din sa saya ang mga mata nya. "Pardon?" pag kukulit nya. "H-herold ano ba" nahihiya na ako sa harapan nya na pulang pula. Mukha na akong kamatis sigurado. "Hmm..Hindi ko kasi naintindihan. Pwedeng pakiulit Ms. Secretary?" napalundag ang puso ko sa tinawag nya sakin. "I like you too.." Noong gabing iyon pasalamat ay maayos akong nakatulog. Kinaumagahan hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang papasok ako ng room namin. Binungad na naman ako ng tawanan nina Joe at Danver. Kumaway si Violet pag kalapit ko. "Himala nakangiti ka." "Wala lang. Gusto ko lang" ngumiti lang ako sakanila bago masayang naupo sa tabi ni Violet. Tumunog ang phone ko. Kilala ko na kung sino ito. Kaya agad ko itong chineck. Herold: Good morning Napakagat ako sa labi bago nag reply. Ako: Good morning din! Tinago ko na agad yong phone ko sa bulsa baka makita pa ng tatlo na nasa likod at tabi ko lang. 2nd period na nung may nag excuse sakin. Nakita ko agad si Kevin at.. si Herold sa tabi nito. Automatic na napatayo ako at nag mamadaling kinuha ang bag ko. "Sana all mag lilibot libot lang with crush." pekeng maarte na sabi ni Joe. Tinawanan ko lang sila saka nag paalam na. Pag kalabas ko palang ng room ay agad na tumabi sakin si Kevin. "Uy good mood ka ata ah!" puri ni Kevin sakin. Nakangiti kasi ako na hinarap sya. "Oo at wag mong sirain" sabi ko na kinatawa nya naman ng malakas. Natawag non si Herold na may kausap sa phone sa hindi malayo saamin. "Tapos ka na Pres?" tanong ni Kevin. Tumango naman si Herold bago pinasok sa bulsa yong phone nya. Sumulyap muna sya sakin bago kay Kevin na nag hihintay na sakanya. "Let's go." Lihim ako napasinghap ng tumabi sakin si Herold habang nag lalakad kami. Napalunok na lang ako. Hindi ready mag open ng conversation pag katapos kagabi. "Are you done with your seatworks?" tanong nya na mahina ngunit malinaw. "N-natapos ko naman sya lahat." sabi ko sabay ngiti ng tipid. Nakita ko ang pag tango tango sya "Okay. Akala ko hindi ka na naman nakatulog." Lumaki ang mata ko sa sinabi nya at nilingon na namumula. I'm that too obvious last time na nag confess sya? At halatang hindi ako nakatulog non? He chuckled from my reaction. Bago pinisil ang pisngi ko. "Cute." Hindi na ako umimik pa ng mauna na sya mag lakad papunta sa mga kasama namin ng makarating. Nakita ko syang may kinausap na kasama namin. Nakita ko naman si Athena na bumaba mula sa hagdan nang makita nyang dumating si Herold. Hindi ko na hinintay pa makita yong mangyayari kaya nag iwas na ako ng tingin. Sa buong campaign namin kinakabahan ako. Hindi dahil may mga department na ginigisa kami ng tanong. Kundi yong laging pag tabi sakin ni Herold habang nag lalakad. Mabuti nga hindi nakakahalata si Athena sa gilid nya at si Kevin sa gilid ko naman. "Are you hungry?" he whispered ng may kinausap si Athena sa kabila. Kanina pa ako nakakaramdam ng gutom pero hindi ko pinapahalata. Unfair naman sa mga kasama namin na napapagod at nagugutom rin pero hindi nag rereklamo. Umiling ako saka ngumiti sakanya "Makakapag hintay pa naman ito ng lunch." "Uy Herold! kanina ka pa tinatawag ni Athena." biglang sigaw ni Kevin mula sa pintuan. Agad naman ako napalayo kay Herold. Kita ko ang pag kunot ng nuo ni Kevin nang pagmasdan nya kaming dalawa ni Herold. I pray na hindi sya makapansin. Natapos ang campaign na yon na pagod and the same time limitado ang kilos ko. Hindi ko alam, nakaramdam ako na parang kailangan ko mag ingat. Dumating akong on time sa cafeteria. Andoon na yong tatlo. "Oh hindi ba kayo pinapa meryenda nyan? Halatang gutom ka ah" simula ni Joe. "Pinapameryenda naman. Sadyang nakakapagod talaga ang mag libot" sagot ko saka umupo na sa tabi ni Violet. Sumenyas naman si Danver sakin "Napasa mo na lahat ng seatworks mo? Natatambakan ka na." Huminga ako ng malalim. Isa ito sa pwedeng maging problem kapag naging busy ka sa ibang bagay. Maaring matambakan ka o dikaya hindi makahabol sa mga topics. "Already done." Binaba ni Violet yong phone nya sa desk saka humarap sakin "Oo nga pala Dani. Pinapasabi ni Alexander na 5 pm mo ipasa yong seatwork mo sakanya. May meeting pa daw kasi sila." Isa pa yong seatwork na yon. O seatwork nga ba talaga yon? Pag katapos namin ay bumalik na kami sa classroom. Totoong natatambakan na ako kahit wala pa kami sa kalagitnaan ng klase. Kaya pala nakakapag takang hindi nag lalaro yong dalawang mokong sa sobrang daming pinapagawa. Mabuti na lang talaga ay umaga lang kami nag c-campaign. Kasi sa hapon nahahabol ko pa yong mga hindi ko napasa. Last subject na. Meron kaming quiz. Pasalamat ay hindi ako pinasagot ng Prof ko dahil nga excuse ako pero sabi nya may ibibigay pa rin syang quiz sakin. Hindi nga lang ngayon dahil sa campaign na nagaganap. "Hintayin nyo ako ah" sabi ko kina Danver at Joe pag kalabas namin ng room. Humarap samin si Violet "Guys mauna na ako ah? May family dinner kasi kami. Bye!" kumaway muna sya saamin bago pumasok don sa kotse na sumusundo sakanya. "Oo nga pala Dani yon ang gusto namin sabihin sayo ni Danver. Hindi ka namin mahihintay dahil mag gagawa kami ng report kina Marie ngayon." Tumaas ng tingin si Danver pag katapos mag phone "Anong oras ka ba matatapos?" Kumunot nuo ko "Hindi naman ako mag t-take ng quiz sakanya eh. Ipapasa ko lang itong seatwork na pinagawa nya." sabi ko sabay taas ng folder na may lamang maaming bond paper. "Ano yan? Yan ang seatwork mo?" takang tanong ni Danver. Tamad akong tumango "Diba. Grabe talaga yang professor na yan tsk!" Humalakhak naman si Joe "Absent ka kasi ng absent sa subject nya. Napag iinitan ka ng ulo." Umirap ako. Mukha nga. Kahapon nga pinapalayo nya si Violet sakin. Tsk! Hindi ko pa rin makalimutan yon. Nag hintay pa ako ng 30 minutes bago ako mag punta sa office nya. Sina Danver at Joe ay umalis na. Pero babalik naman si Danver ng saktong 5 para mahatid ako. Mabilis naman natapos ang 30 minutes kaya nag lakad na ako patungo sa office nya. Kumatok lang ako ng isang beses bago pumasok. Nakita kong wala sya doon sa usual na pwesto nga. Hindi pa ba tapos meeting nya? Naupo na lang ako sa sofa sa gilid. Hindi naman pwedeng iwan ko na lang ito dito. Mamaya may mawala pa at ipaulit pa nya sakin. Nag vibrate ang phone ko. Agad kong binuksan ito. 2 messages Danver: Andito na ako sa labas. Herold: Are you home? Napangiti ako agad sa medsage ni Herold. Parehas ako nag reply sakanila. Sinabi ko kay Herold na mag papasa pa ako kay Alexander. Agad naman nag vibrate ito ulit. Herold: I'm still here in the SC Building. Hatid na kita. Ako: Sorry pero may nag hihintay na saakin sa parking lot. Herold: Who? Ako: Danver. Nawala ang focus ko sa cellphone ko ng bumukas ang pintuan. Niluwa nito si Alexander na galing sa meeting. Umangat ang tingin nya saakin at bahagyang nagulat. Hindi yata ini-expect na babalikan ko pa sya after ng sinabi nya saakin kahapon. Tumayo ako saka inabot sakanya ang folder ng makaupo na sya sa swivel chair nya. "Tapos ko na po Sir." Tahimik nitong tinanggap ang folder. Hindi na ako nag hintay pa ng respond nya, tumalikod na ako at nag lakad palabas. "Wait Ms. Lladones.." Napahinto ako at lihim na napairap. Dadagdagab ba nya yong ipapagawa nya? Damn I'm not his Secretary for pete sake! Humarap ako "Bakit?" "Do you want some—coffee?" nag aalangang sabi nya. Kumunot ang nuo ko sa sinabi nya. "Huh?" yon lang nasabi ko. May binulong ito sa sarili na hindi ko narinig saka tumikhim at inayos ng hintuturo nya ang suot na salamin. Bumalik sa formal ang mukha nya. "Nothing. You may go." Mas lalong kumunot ang nuo ko. Nag kibit balikat na lang ako saka hinawakan ang seradura sabay pinihit. Nagtaka ako ng hindi ko ito mabuksan. Wtf?! Na-locked ba kami sa loob? "Why? Anong meron dyan sa pinto?" he asked "Naka-lock." Tumango tango lang ito saka binalik na ang tingin sa ginagawa. Huh? Anong ibig nyang sabihin doon? "Hindi mo ba bubuksan ito? I'm sure meron kang susi dyan." nag pipigil na sigaw ko. Paano kasi bumalik na naman ata pagiging arogante nya. Hindi man nya ako sinulyapan "Sorry to say but wala sakin ang susi. Iba ang pinahawak ko ng susi, yong nag lock nyan siguro." busy pa rin sya mag sulat. Nag salubong ang kilay ko. "What the hell?!" sigaw ko. not thinking na professor ang nasa harap ko. Unless kumilos syang professor. Binaba nya ang hawak na ballpen. Kalmadong tinignan ako "Look Ms. Lladones, wala sa akin ang susi. Atsaka palagi na nangyayari ito saakin. Nothing's new" "Well bago saakin ito!" tuluyan ko na nakalimutan na professor ko sya. Naiinis pa rin talaga ako sakanya. Mukhang hindi naman sya naapektuhan. Kalmado pa rin "Then paraan mo na yan." sabay balik sa ginagawa. Halos mag usok ang ilong ko sa sinabi nya. Bwisit na kinuha ang cellphone at tatawagan si Danver at Herold kaso biglang lumitaw na lang ang apple sa screen. f*****g s**t! Lowbat pa ako. Huminga ako ng malalim "Can I borrow your phone please?" tatawag na lang ako sa bahay para masabihan si Danver. Hindi ko pa naman saulo number nila. "Death batt." yon lang sabi nya hindi man ako binabalingan. Mag sasalita na sana ako ng biglang namatay ang ilaw. Agad ako sinalakay ng kaba saka tumakbo sa harapan ko. Takot ako sa dilim. Nanginginig na ang katawan ko na dumidikit sa bagay na katabi ko. "What the—" hindi na natuloy ni Alexander ang sasabihin nya dahil naitulak ko na sya. Napatili ako saka napapikit ready na bagsakan kung ano man ang mababagsakan ko. Kaso isang matigas na bagay ang nabagsakan ko. Hindi pader, hindi sahig, kundi— Biglang bumukas ang ilaw kasabay ng pag bukas ng mata ko. "What the f**k Danica?!" mura ng taong nadaganan ko. Nanlaki ang mata ko. Hindi dahil narinig ko sya mag mura kundi sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Salubong ang kilay nito. Hindi man nagulo ang salaming suot. Napahinto rin ito ng ma-realize ang ayos namin. Agad ako umalis sa ibabaw nya. Ganon din sya na napahawak sa ulo. Sya ata ang nauntog. Gusto ko pagalitan ang sarili ko bakit kasi usog ako ng usog! "S-sorry.." hindi ko alam bakit ako nauutal. Sakto namang bumukas na rin ang pintuan ng office nya. Sumilip dito ang janitor na parang nag aalala. Matanda na ito. "Nako po Ser nasarahan ko na naman po kayo. Sorry Ser." "Its okay" pormal na sabi ng taong nasa likod ko. Hindi ko na sya nilingon pa saka nag lakad na ng mabilis paalis sa office nya. Pag kalabas ko ng office saka ako nag habol ng hininga. Sobrang perpekto nya sa malapitan.. "What the heck!" bulong ko saka winaksi ang naisip. Nag lakad na lang ako papunta sa parking lot. Sinalubong ako agad ni Danver na nakakunot ang nuo. Halatang badtrip na. "Bakit ang tagal mo?!" sumigaw na nga. "Ang tagal dumating eh." sabi ko na lang saka pumasok na sa loob. Umikot naman ito saka sumakay sa driver seat. Hindi naman na umimik pa si Danver kaya sinandal ko na lang ang ulo ko sa bintana. Madilim na pala. Pumikit na lang ako saka pilit na inalis sa isip ang mukha nyang perpekto. Simula sa mata nyang matulis ang titig saakin, sa ilong nyang parang pinag hirapang hulmahin at sa labi nyang— No Danica stop that!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD