Kabanata 9

3508 Words
"Just make sure na mahahabol iyan sa event na dadaluhan namin Emily." sabi ni Mom sa babaeng nag susukat sa amin. Hindi ko pa rin makuha si Mom bakit kailangan pa namin mag patahi ng dress para sa event na pupuntahan namin. Tumingin na lang ako sa screen ng phone ko. Napatawa ako ng malakas sa nabasa. Lumingon naman si Mom saakin na nakakunot nuo. Tinaas ko ang kamay ko habang nag pipigil ng ngiti "I'm so sorry Mom." sabi ko na lang. Bumalik ang tingin ko sa screen. Herold: Gusto mo pa ba pick up lines ko? Ako: Tama na. Malapit na ako mapagalitan dito kakatawa. Mabilis naman sya nag reply. Herold: What's funny with that? Dapat kiligin ka! Hindi ko na naman napigilan na tumawa ng malakas without minding the presence of my Mom. Ayaw pa naman nyan ang maingay ako kapag may bisita. "Danica give me your phone." tuluyan na nawalan ng pasensya si Mom. "Mom! Hindi na ako bata" ngumuso ako sabay tumingin kay Dad na sinusukatan na rin. Tumingin naman si Dad kay Mom na masama ang tingin sakin. "Darling hayaan mo na si Danica.." pag lalambing ni Dad. Ngumisi pa ako. Pero akala ko rurupok si Mom. Lumapit pa sakin sabay kinurot ako sa gilid na nag pahiyaw sakin. "Ikaw! Ilang beses kong dapat sabihin sayo na act like a lady especially kapag may bisita!" muntik na ako mapairap sa harapan ni Mom. Hindi na talaga mag babago ang ka-strikta ni Mom. Sya lang ata ang may batas na ganyan sakanila ni Dad. Maya maya ay natapos na rin si Dad. Mabuti na lang ay bumaling na ang focus nila sa bisita namin at niyaya sa kitchen para mag meryenda. Naiwan ako sa balcony ka-text si Herold. Isang linggo na rin ang dumaan. Hindi ko napigilan ang sarili ko kay Herold. Marupok din ako eh! Sunday ngayon at bukas ay voting na. Kinakabahan ako. Herold: Lol. Mananalo ka. Kapag nanalo ka may premyo dapat ako. Napangisi na naman ako. Ako: What kind of prize u want ba? Nag reply ito agad. Nakakaluwag siguro schedule nito kaya ganito kabilis mag reply. Herold: Your 'Yes' pwede ba? Napailing iling naman ako habang nakangiti. Tinago ko na ang phone ko pag katapos mag reply ng 'lol' sakanya. Hindi naman sa ayaw ko sya maging boyfriend pero hindi ko pa rin kaya na makipag relasyon sakanya habang sila pa ni Athena Mendez. Yes. Tinatanong na nya ako and yes pinayagan ko sya manligaw. Mag papakipot pa ba ako? Matagal ko ng crush yan eh! Pero walang nakakaalam kahit sino tungkol dito. Kinabukasan, pumasok ako ng 9 am. Wala namang klase ngayon dahil sa voting na mangyayari. Nakasuot lang ako ng signature look ko. High waisted jeans, white tshirt croptop at white rubbershoes. Marami naman bumabati sakin habang nag lalakad ako. Karamihan sakanila sa ibang department pa. "Hi future Secretary!" bati nung isang taga Engineering Department. Ngumiti lang ako saka nag lakad na papasok ng room. Hindi na ako nag taka na yong tatlo lang ang andito. Tumaas agad ang tingin nila sakin. Tinaas agad ni Joe yong panyo nya at pinaikot ikot. Katabi nito si Danver na may hawak na bond paper at may naka-sulat na 'Go future Secretary!' Ngumiti naman ng inosente sa gilid nito si Violet na may hawak na crayons. Sya ata yong nag kulay nung lettering ni Danver. "Woo! Ramdam ko ng mag kakaroon na tayo ng Secretary na kaibigan!" ani Joe habang patuloy sa pag ikot ng panyo nya. "Oo. Para maranasan nya rin mautus utusan!" parang galit pang sabi ni Danver sabay ngisi saka taas ng bond paper. "Ewan ko sainyo!" sigaw ko na natatawa sabay naupos sa harapan nila. Umakbay naman sakin si Violet "I can't wait sa result! I'm sure panalo ka!" Umiiling iling ako na nakangiti "Thank you. At thank you dyan sa pa-banner nyong maliit hah." nguso ko sa hawak ni Danver. "Oo ah. Simbolo lang nito na matatapos na ang trabaho namin na maging utusan mo!" si Joe. Binatukan naman sya ni Danver "Wag kang ganyan mamaya uutusan na naman tayo nyan tsk!" "Ay oo nga. Mamaya hindi na tayo makapag babae pa. Patay" bulong ni Joe na rinig na rinig ko naman! Nag bulungan pa nga. Mabuti na lang at sumingit si Violet sa tabi ko kung hindi masasabotahe ko na naman pag bababae ng dalawang mokong. "Syempre hindi namin nakalimutan ang premyo namin sayo! Diba Dan? Mag b-bar tayo after malaman ang result" tanong ni Violet. Napakamot naman sa ulo si Danver "About that..ah. Hindi pa ako nakakapag paalam kay tita." Umirap naman si Violet saka lumingon sakin. "Don't worry Dan. Itatakas ka namin" sabay kindat. Tumawa naman ako ng malakas sakanila. Kahit kalokohan itong mga ito hindi pa rin nakakalimutan sumuporta. I'm so proud na naging kaibigan ko sila. Maya maya ay nag text sakin si Herold na pumunta ng SC Building. Hindi na ako nag reply pa at napag desisyonan na pumunta. "Basta nasa cafeteria lang kami Dani ah?" sabi ni Violet ng nag paalam na ako sakanila. Tumango na lang ako saka nag lakad na palabas. Dire-diretso ang pag pasok ko sa SC Building. Nakasalubong ko pa nga si Athena Mendez na nakayuko. Huminto ako para batiin sya. Akala ko nga hindi sya mag tataas ng tingin dahil nakatulala lang sya sa sahig habang nag lalakad ng mabagal. Nakahanda na ang ngiti ko na babatiin sya nang bigla syang nag taas ng tingin sakin. Napawi ang ngiti ko. "U-uy you're here pala Danica." garalgal ang boses nga. Alam ko na. Alam kong umiyak si Athena. Parang maga kasi ang mata nya na galing sa pag iyak. Namumula pa ang pisngi nito. Napalunok ako ng may naramdaman. "Ah oo nag patawag si Pres kasi." Tumango tango lang ito sabay tipid na ngumiti. " Anyway advanced congrats sayo. I'm sure mananalo ka." Hindi ko mapigilan ang sarili ko na makonsensya sa boses nya. Sobrang malumanay at sobrang lambot. Bumagay talaga sa mala anghel nyang mukha. Deserve ba nya ang ginagawa namin ni Herold? Umiwas na lang ako ng tingin. "Sige pala Danica. I go muna sa soccer field may pinapasukat ang proof namin don eh." paalam nito. Athena Mendez is a Civil Engineering student. Mga classmate nya yong bumati sakin kaninang umaga. Pumasok na lang ako ng hall. Inaasahan ko na marami na andoon. Pero 3 lang kami. Si Herold, Kevin at ako. Tunog lang ng Aircon ang naririnig at mahinang usapan ng dalawa. May ginagawa silang dalawa. Kahit nag tataka ay lumapit na ako. Una nag taas ng tingin si Kevin, sumilay ang ngisi nito. "Andito na pala yong future Secretary mo Pres eh!" pag kasabi pa lang ni Kevin non ay nag taas na ng tingin agad si Herold sakin. Umangat ang sulok ng labi nito saka iminuwestra ang kamay sa katabi nyang upuan. Nakuha ko ang gusto nyang sabihin kaya nag diretso akong umupo doon. "Anong meron? May meeting ba?" agad na tanong ko. Lumingon pa ako kay Herold na seryosong sinasagutan ang papel na nasa harapan nya. Sinilip ko ito at binasa ang Department nya. Civil Engineering. Nakalimutan kong parehas sila ni Athena Mendez. Pati na rin si Kevin. Speaking of Kevin.. naiirita pa naman ako kapag tinititigan ako habang nakangiting aso. Nilingon ko sya na nakataas kilay. "What?" Umiling iling ito habang nakangisi "I didn't know na.." "Na?" Lumingon ito kay Herold, napawi naman ang irita sa mukha ko. May hindi ba sila sinasabi? Bumuntong hininga si Herold sabay nilapag ang ballpen na hawak at lumingon sakin. "Alam na nya." Yon lamang ang sinabi nya ay parang may sumabog sa ulo ko. Agad ako kinabahan. Liningon ko si Kevin na nag hihintay ng sasabihin ko. "A-ah.." huminga ako ng malalim "Okay." yon lang ata ang nakayanan ko. Nawala ang ngiting aso nito saka ngumiti ng tipid "Don't worry, supotado ko kayo." Hindi ko alam pero lumingon lang ako kay Herold sa gilid ko na kanina pa ako pinapanood. Gusto ko mag salita pero parang tinatakasan ako ng dila ngayon. Ang nagawa ko ma lang ang bumuntong hininga. "I'm sorry.." bulong niya. Ngumiti ako sakanya ng tipid. Parang gusto ko muna lumabas. Hindi ko maatim na may nakaalam na tungkol saamin. Kahit na nanliligaw pa lang sya. Hindi pa rin.. I mean.. yeah ang pangit pakinggan. Ayaw ko marinig pero. Mukha pa ring nag c-cheat kami kay Athena.. Sa huli ay nawala na rin ang ganong nararamdaman ko. Bumalik na naman ang saya ko nung free na umakbay sakin si Herold sa harapan ni Kevin. Inaasar lang kami ni Kevin. Tumatawa naman siya kapag napapansin ang pag kapikon ko. "Woah ngayon lang kita tumawa Pres ah?" namamanghang komento ni Kevin. Nagkibit balikat lang itong katabi ko. "Sisihin mo itong katabi ko." umirap naman ako sakanya at kinagat ang labi pigilan ang ngiti. Ngumisi naman sya ng makita ang ginawa ko. "Hi guys!" Mabilis sa alas kwatro na tinanggal ni Herold ang akbay saakin ng biglang pumasok si Athena Mendez na may dala dalang plastic. Nakangiti na ito ngayon. Umupo sya sa kabilang gilid ni Herold at tumabi. Umiwas ako ng tingin. Ganon lang naman talaga ako diba? Hindi ko maiwasan masaktan sa biglaang pag tanggal ng akbay sakin ni Herold. Ganito pala ang pakiramdam ng isang tagong babae. Deserve ko ba talaga itago? Tumikhim si Kevin para mawala ang pag kagulat namin. Kahit sya ay napalunok saka nag palipat lipat ang tingin samin ni Herold. Si Athena naman ay nakangiti lang at parang wala namang napansin. "Oh bakit parang nakakita kayo ng multo?" tanong nito. Lumingon ito sakin na kinaiwas ko ng tingin. "Love dinalhan kita ng lunch! Hindi ka pa rin tapos dyan? Subuan na lang kita" Tumayo na lang ako. Kailangan ko na umalis. "Oh saan ka pupunta Danica?" tanong ni Kevin. Ngumiti ako ng peke "Nag text na kasi sina Danver. Lunch time" yon lang sabi ko saka lumingon kay Herold na nakatulala sa sahig. Malalim ang iniisip. Gusto ko maiyak pero tumakbo na lang ako palabas. Tumakbo ako papunta sa garden ng University. Tama lang ang timing ko na walang tao. Ako lang ang andoon. Doon ko binuhos ang luha ko. Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko! Ilang oras pa akong nag stay doon habang sa naibuhos ko na lahat ng bigay sa damdamin ko. Dumiretso muna ako sa cr para ayusin ang sarili ko. Pumasok ako sa isang cubicle ng naramdaman kong kailangan ko mag bawas. Sakto namang may pumasok na dalawang estudyante. "Sa tingin mo sino ang papalit sa pwesto ni Athena Mendez?" Napahinto ako ng marinig ang pangalan na iyon. "Si Danica Lladones na yon teh! Ang ganda na at ang talino pa. Sinong hindi mahuhulog doon?" "Gaga! Ang sinasabi ko yong sa pwesto sa Secretary! Hindi sa pwesto ni Athena na jowa ni Pres." Humalakhak naman yong babae "Ay sorry! Kala ko sa pwesto ng pagiging jowa eh." Tumawa na rin yong kasama nitong babae "Baliw! Hindi kayang gawin ni Danica Lladones mang-agaw ng jowa no! Well mannered ang family Lladones." Humigpit ang kapit ko sa strap ng bag ko. "Sorry naman teh! Nag kamali lang. Pero malay mo. Charr! Halika na nga" Mom and Dad sorry Im such a disappointment. Wala ako sa sariling dumiretso na sa cafeteria. Mabuti na lang ay andoon na yong tatlo. Sa sobrang lutang ko nga hindi ko na napansin sina Danver at Joe na may katabing Senior High Students. Tumabi na lang ako sa tabi ni Violet. "Hey. Are you okay?" Tumango ako sabay tumingin sakanya "Magagalit ka ba sa babaeng naging third party ng boyfriend mo kung sakali?" Kumunot ang nuo ni Violet. Nag taka sa tinanong ko pero lumaon ay sinagot nya rin. "Well yes. Kasi nanira sya ng relasyon. And also galit din ako sa bf ko. Pero mas galit ako sa third party nya. You know what? I hate cheater peoples." Narinig ko na rin syan sa isang tao. Mag kadugo talaga kayo. "Bakit mo natanong?" Umiling iling ako saka ngumiti "Wala lang. Nabasa ko sa isang libro." i change my mind. Ayaw ko na mag sabi. "Uy Dani kain ka ng cake. Bigay ni Laura." sabi ni Danver saka umakbay sa katabing babae. Sumimangot naman yong babae "Who's Laura?" "You babe." Mas sumimangot yong katabi nya "I'm Loren! You asshole!" saka tumayo at iniwan ang natatawang Danver. Umiling iling na lang ako. Ganyan lang naman reaksyon nyan kapag iniiwanan ng babae nya. Humalakhak naman si Joe na may kaakbay ding babae. "Tanga ka sa part na yon!" sabay tawa ulit. Lumingon naman sya sa katabi nya "Mabuti pa si Sasca ko. Stay lang sakin. Condo?" Akala ko tama na yong pangalan na binanggit ni Joe. Pero sya rin pala mali. Uminom na lang ako ng pineapple juice. "It's Sachna! Not Sasca! Jerk!" Oh well girls. Pumatol kayo eh. Tapos mag sisisi kayo sa huli. "Its okay guys. Si Danver naman ang asshole at si Joe naman ang jerk" ani Violet. Sumimangot naman si Joe at sinakyan ito. "Why? Gusto mo ba makita ang pagiging jerk ko?" hamon nya kay Violet. Tumawa naman si Violet "No thank you. Okay na ako sa crush ko." Crush nyang hindi ko kilala pero kilala ni Danver. Unfair! Ngumisi naman si Danver. "Nako talo na talo ka non Jerk!" asar pa nito. Hindi na lang ako nag komento. Wala rin maman ako sa mood. Katulad nga ng sabi samin ni Ms Cruz. Bukas pa malalaman ang nanalo. At talagang nag dilang anghel ang mga tatlong ito dahil ako ang nanalong Secretary pag kalabas ng announcement kinabukasan. Niyugyog ako ni Violet sa balikat "I told yah!!" ngumsi lang ako saka tinignan mabuti ang nakapaskil. Nilabas ko ang phone ko at pinicturan ito. Sinend ko ito kina Mom and Dad. Im sire matutuwa sila. Sinabay ko na rin ang paalam ko na mag c-celebrate kami after class. Tinago ko na ang phone ko pag katapos. 2nd subject namin ngayon. Ang paalam namin ni Violet mag c-cr ng sabihin sakin na pinaskil na ang nanalo. Naiwan yong dalawa sa room pero tinext na sila ni Violet sa pag kapanalo ko. "Congratulations.." Hindi ko na dapat lingunin ang tinig na yon. Ramdam kong tumabi sya sa gilid ko. Bigla naman umakbay sakin yong kasama nya na si Kevin. "Sabi sayo eh! Congrats Secretary!" Si Violet naman ay biglang tumaas ang tingin samin. "Uy kayo pala yan! Gusto nyo ba sumama sa bar? Celebration lang namin para sa pag kapanalo nyo." yaya ni Violet na kinalaki ng mata ko. What the— hindi na ako nakapag salita ng sumingit na si Kevin "Sure! sure! count me in. Hindi ako umuurong dyan" sabay pakita ng mapuputi nyang ngipin. "Great! How about you Pres?" tanong nya sa katabi ko. Gusto ko pagalitan si Violet. Daig pa nya ang nanalo sa todo mag yaya! "I'm in." sabi nito. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at hinawakan na ang kamay ni Violet. "H-halika na pasok na tayo." sabi ko na mukhang nakuha namn ni Violet. "See you na lang mamaya guys!" paalam nito. Hinila ko na sya paalis pa doon. "Huy grabe naman makahila Danica? Hindi nakayanan makatabi si crush?" Hindi sa ganon Violet. Ayaw ko na sya makatabi pa. Natapos ang afternoon class namin na ang bukang bibig ni Violet ay Bar. Tsk taong bar talaga ito! "Uy congrats pala ses!" bati ni Omar. Ngumiti lang ako ng tipid. Wala sa mood. "Salamat." Lumabas na kaming tatlo at nag punta na sa service namin. Humarap muna samin si Violet. "Uy yong usapan ah? 8pm sharp!" "Oo na oo na. Bar addict" asar ni Joe na kinairap lang ni Violet. Nang makaalis na si Violet ay kami naman ay pumasok sa SUV. "Ibo tologo Secretary." pang kukulit ni Joe. Dinagdagan pa ni Danver "Iba talaga kapag inspire sa crush. Naol!" Parang mga tanga. Hindi ko na lang sila pinansin at tumingin na lang sa labas. Masaya ako na nakuha ko ang posisyong Secretary sa SSG pero parang gusto ko umurong na madalas ko na makakasama si Herold. 8pm sharp andon na kami sa bar na sinabi ni Violet. Natuwa sina Mom and Dad sa pag kapanalo ko. Mabuti nga good mood si Mom eh. Pinayagan ako mag bar. Nakasuot lang ako ng Black Dress na fitted at bedge na heels. Bar eh kaya dapat ganito ang suotan. Inasar pa nga ako ng tatlo na baka nag papasexy lang ako dahil darating yong crush ko. Umirap na lang ako saka inisang baso ang isang beer. Lumaki ang mata ni Violet at tumayo ng makitang papasok "Uy guys here!" nakatalikod kasi ako sa entance kaya hindi ko makita kung sino. Pero ramdam ko na. "Woag shot agad Danica?" bungad ni Kevin saakin. Ngumisi ito sabay hinagod ako ng tingin. "You look so good huh." well first time nya lang ata ako nakitang naka dress since puro jeans ang suot ko sa school. Tinaas ko ang baso ko "Inom tayo" Humalakhak lang ito saka kinalabit yong katabi nya. Agad ako nag iwas ng tingin ng marealize na kanina pa pala nya ako pinapanood. "Pres doon ka sa tabi ni Danica! Maluwag pa dyan eh" boses na naman ni Violet. Sarap nya na talaga iuntog promise. Lumubog ang kanang bahagi ng sofa. Naupo nga sya. Napahinga ako ng malalim ng maamoy ang mabango nyang pabango. "Pres congrats! Sayo din Kevin!" sabi ni Danver at Joe na nasa tapat namin. Himala wala pa silang katabing babae. "Diba Pres palaging makakasama mo na yong Secretary?" nakangising sabi ni Joe sabay baling sakin. Sinamaan ko sya ng tingin. Tumikhim naman yong katabi ko "Yeah.." Napahampas sa lamesa si Danver "Wag paasahin." kumunot ang nuo ko sa sinabi nito. PINAG SASABI MO DANVER?! Mabuti na lang nag kayayaan ng sumayaw yong apat. Kaya kaming dalawa na lang ang natira dito. Kinuha ko yong beer saka nilagok. "Tama na yan." nag salita yong katabi ko pag katapos ng napaka habang walang imikan. Alam kong gusto na nya mag tanong bakit bigla ako naging cold sakanya pag katapos ng nangyari kahapon. He text me after that ng Sorry. Nag reply lang naman ako ng Okay lang. And after that hindi na ako nag reply sa mga text nya. "Danica may problema ba tayo?" Umirap ako saka lumagok ulit ng beer. "Danica.." Hinarap ko sya "Wala okay? Wala akong problema." saka binalik ang tingin sa shot glass. Napahinga naman ito ng malalim "Then why are you acting like that?" "Anong pinag sasabi mo?" naiinis na ako. Kahit sya ata naputol na ang hinahawakng timpi "Like that! Yong parang hindi tayo mag kakilala. Iniiwasan mo pa ako! You also didn't reply in my evey messages!" Binagsak ko ang shot glass na hawak saka tinignan sya sa mata. He looks frustrated "Kapag ba sinabi ko sayo susuklian mo?" "What?" It's hard to handle my tears. Mabuti na lang nakisabay yong luha ko. Hindi tumuloy bumagsak. "Nasasaktan ako Herold!" nag crack na yong voice ko. Bigla naman nanlambot ang mukha ni Herold at akmang hahawakan ako ng biglang tumakbo si Kevin sa gawi namin. "Herold! Si Athena nag kakalat sa dancefloor!" yon lang ang sinabi ni Kevin pero kasing bilis ni The Flash si Herold na tumayo at sinundan si Kevin papunta sa kung nasaan si Athena. Ngumiti ako ng mapait. Bakit pa sya nag pakita ng motibo if i'm still his second choice? Sabagay ako rin naman kasalanan ko rin na pinatulan ko. Sa dala na rin ng kalasingan ay sinundan ko sina Herold. Nagiging wild na ang mga tao pero hindi mahirap mahanap sina Herold at Athena na nag hahalikan. Doon na nahulog ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Nakahawak si Herold sa bewang ni Athena habang si Athena ay nakapalupot ang braso sa leeg ni Herold. They're kissing.. Napatakip na lang ako sa bibig ko. Wala akong pakealam kung bigla lumingon sakin Herold at nakita akong umiiyak sa harapan nila. Nakita ko ang pag kabigla sa mata nya. Tumakbo na ako palabas. Tinalikuran na sila. I'm done! Tama na! Pag karating ko sa parking lot may kamay ang humawak sa braso ko. At hinarap sakanya. "D-danica.." "Tama na Herold..tama na. Hindi ko na rin kaya." kahit ano pigil ko sa luha ko. Panay pa rin ang pag tulo. Hindi ko alam bakit ako umiiyak. Dahil ba sa nakita ko o sa na realize kong ang tanga ko? Napaawang ang bibig ni Herold "N-no. No.. mali yong nakita mo. Danica please—" Tinaas ko na yong kamay ko. "I'm sorry. Pero hindi ko na kaya yong ganitong set up natin. Itigil na natin ito... please" umiwas ako ng tingin. "No!" sigaw nya. Nilingon ko sya dahil narinig ko rin ang pag crack ng boses nya. Napaawang ang labi ko ng makitang may tumulo na ring luha sa mata nya. "Matagal na kita pinapangarap Danica. Hindi ako makakapayag na mawawala ka lang sakin dahil sa maling nakita mo!" "P-pero.." Nanlaki ang mata ko ng bigla nya ako hinigit sa batok at nilapat ang labi nya saakin. My first kiss.. Mabilis lang iyon pero nag patahimik sakin. Tumingin sya saaking mata. Hinawakan ang mag kabilang pisngi ko. "Run away with me My Secretary.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD