Kabanata 10
"f**k—" 
Nagising ako bigla ng may rumaragasang kamao ang bigla dumapo sa mukha ni Herold kaya napaupo ito sa sahig. 
"Oh f*****g s**t— sorry wrong person." sabi nung guy na sumuntok kay Herold. 
Nakahawak sa pisngi at irita ang mukha ngayon ni Herold na hirap tumayo. "What's your problem?!" 
Parang wala naman sa guy yong pag sigaw ni Herold at yong pag suntok nya rito. Hinimas pa nito ang ulo. Saka nag taas ng tingin kay Herold na nangingiti. 
"I said wrong person dude." 
Parang mas lalong nagalit si Herold sa mayabang na sabi nitong guy. Tinignan ko itong guy, matangkad sya at..magulo ang buhok? mukha ding lasing pero kahit ganon ay maganda syang lalake. 
"Ano sabi mo!" sigaw ni Herold saka kinuwelyuhan yong guy. 
Nag hikab lang yong guy na kinapikon pa ni Herold. Mukhang nagising naman na ako kaya lumapit na ako kay Herold at hinila sya sa tshirt nya. 
"Tama na yan Hero—" 
"No Danica! Nanununtok sya eh! Ano ba problema mo hah? Nag hahanap ka ba ng sakit ng katawan?" 
Napangiwi naman ako sa sigaw ni Herold. Parang hindi sya yong Herold na kilala ko sa University sa sobrang galit nya. Nakaramdam na rin ako ng inis dito sa guy na nasa harapan namin na tumaas ang kilay saka biglang humalakhak. 
"O cmon dude! I'm not gay para mag hanap ng sakit ng katawan sayo. Maliban na lang kung babae ka." 
Cassanova. 
Paang nandiri naman itong si Herold saka binitawan yong guy. Napahawak pa sa ulo yong guy. Hinarap na lang ako ni Herold saka walang pasabi na hinila paalis. Kaso dadaan palang sya sa harapan nung guy para umalis ay bigla na naman sya nito sinuntok. Pero this time tulog na si Herold sa sahig! 
"Wayne why you took so long—" hindi na natuloy yong sasabihin nung bagong parating. 
Katulad nya ay nanlaki din ang mata ko ng makita sya. "S-sir.." 
"Danica why are you here?" tanong nya na parang hindi man naapektuhan ng makita ako after nung nangyari samin sa loob ng office nya. 
Danica ikaw lang ata ang naapektuhan. 
"A-ah.." parang umurong yong dila ko. Tumingin ako kay Herold na tulog sa sahig. 
Kumunot ang nuo nya saka malaking hakbang na tinungo yong guy na tinatawag nya at yong bigla bigla na lang nanununtok. Wayne ang pangalan. Nakasandal na ito sa tabi ni Herold. Nakapikit na. 
"Ano na namang kalokohan ginawa mo Wayne?" matigas na sabi ni Alexander dito. Magkaibigan siguro silang dalawa. 
Wayne just murmured and after, laughing. Maybe he's drunk. Narinig kong nag mura si Alexander saka inakay patayo yong Wayne. 
"Kunin mo yong susi sa bulsa ko." sabi ni Alexander. 
Tumaas pa ang kilay ko "Ako ba kinakausap mo?" 
Napahinto naman ito. Tinagilid ang ulo saka seryoso akong tinignan "Sino pa ba? Hindi naman siguro ako siraulo para kausapin ang taong tulog Danica." 
Napakagat naman ako sa labi ko saka lingon kay Herold. Napangiwi ako saka napairap na lamang at nag martsa palapit sakanya. 
Agad ako napahinga ng malalim ng maamoy ang pabango nyang mabango. "Nasan banda?" 
Nginuso nya yong kanang bulsa nya sa likod nya. Napalunok naman ako bigla ng makitang sa bandang butt yon! Napatitig pa ako dito na medyo maumbok ito. 
"Danica.." 
Nagising lang ako sa parang nag babanta nyang boses. Dahan dahan na pinasok ko ang kamay ko sa bulsa nya saka kinapa ang susi ng sasakyan nya. Ang sikip pa naman kaya hindi ko makuha. 
"Can you make it faster?" ani nito. 
Gusto ko sya irapan at sabihing temptation itong inuutos nya! Mabuti na lang ay nakuha ko na saka binigay sakanya. 
"Samahan mo akong ipasok ito sa loob ng sasakyan ko." pahabol nya. 
Biglang naalala ko si Herold na nakahiga pa rin sa sahig. "W-wait! Si Herold pa, hindi natin sya pwedeng iwan dito." 
Tinagilid nya ang ulo nya sakin at kunot ang noo. "Bakit kaya mo ba buhatin yan?" 
"Ah hindi syempre. Pero hindi natin sya pwedeng iwan rito." 
"Samahan mo muna ako na ilagay ito sa loob saka natin babalikan yang boyfriend mo." malamig nyang sabi saka nag lakad na papunta sa parking lot. 
Inisang lingon ko muna si Herold na parang sobrang peaceful ang tulog sa sahig. I bit my lip saka nilingon si Alexander. Napahinga na lang ako ng malalim saka lumapit kay Alexander. Pinatunog nya yong Black Audi R8. 
Dahil alam kong mahihirapan nya yong backseat ay ako na mismo ang nag bukas nito. Kahit mag kasing height lang sila nung Wayne ay mabilis nya ito naihagis sa loob. Umatras naman ako paatras paa pag masdan ang malapad nyang likod. 
Ngayon ko lang napansin ang biceps nya sa fitted na black longsleeve na suot, magulo din ang buhok. Parang hindi sya yong professor namin sa Physical Science sa porma nya ngayon. Mukha syang lalakeng madalas na nakikita mo sa bar na gusto mag good time. Humarap sya sakin pag katapos isara ang pintuan. 
Seryoso pa rin ang mukha nya "Cmon, kuhain na natin yong boyfriend mo." sabi nya saka nilampasan ako para puntahin na si Herold. 
Hindi na rin ako umimik saka tinulungan na rin syang buhatin si Herold. Kumunot naman ang nuo nya sa inakto kong pag lagay ng braso ni Herold sa balikat ko. Pero hindi na rin sya nag comment pa at hinayaan na lang ako na tulungan sya. 
"Dalhin na lang natin sya kina Kevin.." sabi ko ng papunta kami sa Black Audi R8 nya. 
Napahinto sya at tinitigan ako
"Who's Kevin?" 
"Uh.. yong nanalong Business Manager ngayon."  hindi ko alam bakit naiilang ako sakanya. Sabay mo pa ang tingin nya na diretso sa mata ko.
Oh cmon Danica! Professor mo yan!And its normal for them na makipag eye to eye sa students nila. Good communication ang tawag don. 
Tumango tango naman ito saka kinagat ang labi saka lumingon sa likod ko. "Pero mahihirapan ka hanapin na yon siguro. Lalo na't magulo na sa loob." 
Naririnig ko na ang hiyawan ng mga tao sa loob na nag sasaya. Mukhang tama rin sya. Naalala ko naman ang phone ko para tawagan sina Danver na lang.
"Ilagay na lang natin sya sa loob ng— bakit mo sya nilagay sa lapag?!" sabi ko dahil bigla nya ito binitawan sa lapag. Hindi man nya pinaabot sa Black Audi R8 nya!
Nag kibit balikat sya "Hindi naman natin sya ihahatid. Kaya tawagin mo na kaibigan mo." 
Tinitigan ko lang sya saka sumulyap kay Herold. Bumuntong hininga na lang ako saka in-dial ang number ni Danver. Nag salubong agad ang kilay ko ng bigla nya ito pinatay. In-try ko ulit pero ganon din pero this time tuluyan na pinatay. What the f**k Danver?! Same din kay Joe na unattended na. Don't tell me nasa kalagitnaan sila ng pag papasarap nila. 
Binalik ko na lang yong phone ko sa bulsa ko. Wala naman akong number ni Violet. Oo nga pala..
Lumingon ako sakanya na nakasandal sa Black Audi R8 nya. He crossed his arms on his chest. 
"May number ka ni Violet?" 
Mabilis sa alas kwatro na sinabing "None" 
"Pinsan mo yon eh!" 
He just raised his one eyebrow. "Its your friend." 
Hindi ko na napigilan pa yong sarili ko na irapan sya ng lantaran. Mukha namang wala lang sakanya yon. Hayy! Bakit ba ako napunta sa posisyon ko ngayon. 
"What?" tanong nya sabay tingin kay Herold. 
Napabuntong hininga na lang ako. "Okay lang na iwan mo na kami dito..." Sir o Alexander? Which one ba ang maayos. Parang kasi hindi bagay sakanyang tawagin ko syang Sir ngayon eh hindi naman sya mukhang teacher ngayon! 
"Alright, he's your boyfriend afterall. Anyway thanks for helping me Danica." sabi nya sabay talikod na. 
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob at hinawakan sya sa braso para pigilan. 
"Bakit ba lagi mo binabanggit yang boyfriend?" nairiritang sabi ko. Epekto ba ito ng tequilla? 
Tumaas naman ang kilay nya saka tinagilid ang ulo. Halos malula ako sa paraan ng pag titig nya. "Why? Mali ba ako? Nakita ko kayo kaninang nag hahalikan dyan bago pa sya nasuntok ni Wayne." wala sa sariling sabi nito. 
"Huh ano? Pinapanood mo kami?" 
"Nakita ko lang Danica. Hindi pinapanood. Its different." 
Uminit naman ang pisngi ko sa pag kapahiya sa tinanong ko. Parang bulang bigla nag laho ang pag kairita ko sakanya. Wala na ako masabi. Mabuti na lang may pumutol sa pag uusap namin. Bigla bumukas yong pintuan ng backseat ng sasakyan nya. Nilabas nito yong Wayne na mukhang bagong gising sa gulo ng buhok. 
"Oh fuck.. my head hurts." dumako ang tingin nya sakin saka nag taas ng kamay "Hi Danica!" ngiti nya sabay baling kay Alexander "Dude nasa bar pa rin ba tayo?" wala sa katinuang tanong nito. 
Napaka kunot naman ang nuo ko ng binati ako nito at take note kilala nya pangalan ko. "How did you know my name?" tanong ko.
Bumaling naman ito sakin saka kumunot din ang nuo "Sino hindi makakakilala sa estudyanteng—" 
"Let's go. Nag hihintay na sina Theseus sa VIP Room." ani Alexander sabay lakad papasok ng bar. 
Parang nagising naman si Wayne saka na pa-oh ang bibig. Nag ngingiti itong nag lahad ng kamay sakin "Hi I'm Wayne!" 
"Wayne!" sigaw naman ni Alexander. Madilim ang mukha nitong nag hihintay sa entrance ng bar. Masama ang titig kay Wayne. 
Humalakhak naman si Wayne saka pumitik. "Nice meeting you Danica!" saka nag lakad takbo palapit kay Alexander. 
Naiwan naman ako doong nag tataka. Huh? Anong nangyari? 
Parang kanina pahirapan namin syang nilagay sa loob pero pag kahimasmasan babalik din pala sa loob. 
"Ah.." napalingon naman ako kay Herold na mukhang magigising na. Nasa loob na kami ng SUV. Nasa shotgun seat ako habang si Danver ang nag papatakbo ng sasakyan. Si Joe naman ay nasa back seat na halos bumagsak na sa nakatingalang Violet. Parehas na nakapikit ang mata. Tumikhim naman si Danver ng makita nyang lumipat ang tingin ko kina Herold at Athena. Nakasandal kasi yong ulo nito kay Athena. 
"You okay?" sabi ni Danver. 
Kinunutan ko naman sya ng kilay "Yeah I'm fine. Bakit mo naman natanong?" 
He shrugged "Wala lang. Lagi ang tingin mo sa likod eh." 
Bumuntong hininga naman ako. Nag aalala lang ako kay Herold baka kasi may nangyari na sa ulo nyan kasi ilang beses nasuntok ni Wayne. Tumaas naman ang tingin saakin nang nag aalalang Athena Mendez. 
"Alam mo ba Danica kung sino ang sumuntok kay Herold? Pwede natin sya i-report sa police." 
Agad naman ako umiling "Hindi ko rin kilala eh Athena.." Well kaibigan lang naman sya ni Alexander. Madali ko pwedeng sabihin iyon pero hindi ko alam bakit hindi ko sinabi. 
Nang iniwan na kasi kami ni Alexander at Wayne don sa labas ay sakto namang lumabas si Kevin. Dapat nga sasabihin kong lasing pero kilala nya kaibigan nya. Hindi ito umiinom ng alak. Naiwan si Kevin sa bar para mag report sa may ari nung bar sa nangyari. 
"Sana bukas makuha na ni Kevin yong CCTV." ani Athena Mendez. 
"Depende pa rin kung papayag yong may ari non." sabi naman ni Danver habang nag mamaneho. 
Sana nga wag na ibigay. Hindi naman sa ayaw kung mapanagutan yong pag suntok kay Herold. Kundi mamaya pati yong pag halik sakin ni Herold ay makuha pa. Tinuro na lang saamin ni Athena yong condo ni Herold. Nang makarating na kami ay si Danver na lang ang bumaba at tinulungan si Athena na akayin si Herold papasok sa condo nito. 
Sinandal ko na lang ang ulo ko sa backseat saka pumikit. Oh hell gusto ko na matulog! Napamulat ako ng may kumatok sa pintuan ko. Nakita ko so Athena Mendez sa labas. Binuksan ko na lang. 
"O may nakalimutan ka ba Athena sa loob?" tanong ko kaagad. Umiling sya agad saka ngumiti ng tipid. 
"Gusto ko lang tanungin bakit mag kasama kayo ni Herold kanina. Ikaw ba yong hinabol nya?" dire-diretso nyang tanong. Seryoso ang tingin nya saakin. 
Agad ako dinaluyan ng lamig sa katawan. "H-huh? Hindi. Galing akong CR k-kanina. Nakasalubong ko lang sya.." bulong ko na nauutal. I'm such a liar! 
Ngumiti naman ng tipid si Athena Mendez "I thought na ikaw yong tinakbo nya kanina. Pero I remember hindi ka naman ganon sa mga girl na naiisip ko." bumuntong hininga si Athena saka mapait na ngumiti "Okay lang ba na isipan ko si Herold ng masama?" 
Hindi ako makalunok. Parang may anong bumabara sa lalamunan ko. Bigla naman dumating na si Danver na kinalingon naming dalawa. 
Ginulo ni Danver ang buhok habang lumalapit samin. Humihikab na rin ito. "Okay na Athena. Hatid ka na ba namin o papaiwan ka dito?" 
Ngumiti si Athena saka lumingon sakin "Mag papaiwan na lang ako dito Danver. Salamat." habang sinasabi nya yon ay nakatingin lang sya saakin. 
"Ingat kayo Danica." huling sinabi nya bago tumalikod na at nag lakad na papasok sa building. 
Napahugot ako ng malalim na hangin. Mas lalo sumasakit yong ulo ko sa naiisip ko. Huwag naman sana. Nang maihatid na ako ni Danver ay dali dali na rin ako umakyat ng kwarto. Tulog na sina Mom and Dad kaya hindi na ako bumati. Bukas na lang. Binagsak ko ang katawan ko sa kama pag katapos ko mag half bad. Para akong tumakbo sa marathon sa sobrang pagod. 
Kinabukasan ay nag karoon ng Assembly. Tungkol ito sa mga bagong SSG Officers. Ipapakilala kami. 
"Punta ka na sa backstage Dani?" ani Violet. Tumango naman ako saka inabot kay Danver yong bag ko. Kinuha nya naman ito saka sinukbit sa kabilang balikat nya. 
Kaming tatlo pa lang ang andito. Hindi namin kasama si Joe. Kasi nung dinaanan sya ni Danver kanina ay tulog pa daw ito. Nasobrahan sa alak kagabi. Susunod na lang daw sabi ng Mommy nya. 
"Ang tagal talaga nung gagong yon. May attendance tayo eh. Violet tawagan mo na nga." sabi ni Danver. 
Lumaki naman ang mata ni Violet "Huh? Bakit ako? Wala akong number non." 
Ngumisi naman si Danver sabay kibit balikat "Ay wala ba? Akala ko meron eh since.." binitan pa. 
Nakahalata naman ako sa reaksyon ni Violet na namula na parang kamatis. Pinandilatan nya si Danver saka lumingan saakin. Tumaas naman ang kilay ko. 
"Crush mo?" tanong ko na mas lalong kinapula nya. 
Umiling iling naman ako "Playboy yon." 
"Wag mo naman sinisiraan si Joe kay Violet. Mapag mahal rin naman kahit papaano yong gagong yon. Marami nga lang yong minamahal!" at tumawa ng malakas. 
Ngumuso naman si Violet. Oh my dear nakakalimutan mo na mapag laro yang naging crush mo. Napalingon naman ako sa President namin na si Omar. Masaya itong lumapit saamin. I raised my one eyebrow. Ano na naman kayang kaplastikan ang dala nya? 
"Congrats ulit! We're so proud saiyo Danica!" sabi nito saka akmang yayakap ng bigla ako umatras. Tumawa naman ito na parang napahiya. Oh no hindi ako nag papayakap sa hindi ko ka-close okay? 
"Ito naman! Sasabihin ko lang naman na pinapatawag ka na nina Pres sa backstage." ani nya sabay pasimpleng nilingon si Danver. Tss lalake na naman. 
"Sige pupunta na ako Omar." sabi ko saka bumaling sa dalawa. "Punta na ako sa backstage ah? Hintayin nyo na lang si Joe, baka andyan na rin yon." 
"Ay wala pa si Joe?" sabat ni Omar na andito pa rin pala sa harap namin. Ang sumagot naman si Violet "Oo nga eh. Nalasing sya kagabi sa celebration." 
"Ay nako! Pano yan hindi na sya perfect attendance? Kawawa naman ang Joe ko." ngumuso pa ito na kinairita ko.
Huh? Sayo? Walang sayo! Umirap na lang ako ng palihim saka nag paalam na sa dalawa. Nag lakad na ako papunta sa backstage. Habang nag lalakad ako ay maraming bumabati sakin. 
"Hi Secretary!"
"Congrats Danica!"
"Sabi na eh ikaw ang mananalo ate Danica!" 
"Go Secretary Lladones!" 
Nginitian ko sila isa isa saka nag pasalamat. Nag salubong naman ang kilay ko sa huling sinabi. Parang ang lakas maka-Secretary Briones. Nag patuloy na lang ako sa pag lalakad. Nakita ko na agad sina Kevin at yong mga ka-officers namin. 
"Hello!" bati ko sakanila. 
"Hi Secretary Lladones!" bati ni  Rica, yong treasurer namin. 
Nag salubong ang kilay ko sa tinawag nya saakin. I'm okay sa Secretary na lang. Huwag na dagdagan ng apelyedo. Lakas maka-legend. Lumapit naman sakin si Kevin na nakangisi. 
"Nice! Secretary na sya." ani nya. 
"Ikaw rin naman. Business Manager ka na!" 
Umiiling iling naman ito hindi nawawala ang ngiti sa labi "Kung alam ko lang na ikaw ang Secretary sana nag President na lang ako.. joke" 
Hinampas ko naman sya "Baliw!" bigla namang naalala ko ang pag kausap nya sa may ari nung bar kagabi. 
"Ah Kevin.. nakausap mo na yong may ari kagabi?" tanong ko. Kagabi kasi naplano ko na kung sakali nakuha nya yong cctv video ay ako muna ang mauna makaalam para pwede ko maputol yong kiss na ginawa ni Herold saakin. 
"Girlfriend na girlfriend ang datingan ah! Parehas pa kayo ng tanong ni Athena sakin." asar nya na kinahinto ko pero nag patuloy naman sya mag salita "Katulad nga nang sinabi ko kay Athena kanina, hindi ko nakausap yong may ari. Busy daw ito. Si Herold na nga lang sana yong tanungin namin eh kaso hindi pa sya dumadating." 
"Hindi pa dumadating?" 
Tumango tango ito "Oo. Mas nauna pa ako dumating sakanya. Naisip ko nga na baka napuruhan sya sa ulo." 
"Mag ready na daw tayo!" sigaw nung isang kasama namin. "Wala pa si Herold! Pwede bang hinatayin natin sya?" biglang lumitaw si Athena. Kita kong nairirita ito sa sumigaw kanina. 
Lumapit naman si Kevin kay Athena "Wala pa rin ba si Herold?" agad na umiling iling si Athena saka tumingin sakin. Umiwas ako ng tingin. I felt guilty. 
"Hindi rin sya sumasagot sa mga calls ko! Kung alam ko lang doon na ako natulog kagabi sa condo nya para mabantayan ko sya. At para alam ko kung ano na kalagayan nya ngayon. Sinuntok sya Kevin! Mamaya may nangyari na sa ulo nya odikaya.. O gosh baka may namuo na ng dugo sa ulo nya" naiiyak na si Athena Mendez sa mga pinag sasabi nya. 
Kinabig naman sya ni Kevin at niyakap "Shh.. wag kang mag salita ng ganyan. Baka nag papahinga lang yon. Mamaya after nito puntahan natin sya." 
Parang pusang nag tago si Athena sa bisig ni Kevin pinupunasan ang mga luhang bumagsak. Tumingin naman sakin si Kevin alam kung alam nya ang nararamdaman ko. Nag aalala rin ako. 
"Gusto mo rin ba sumama?" aya nito saakin. 
Napalunok ako saka sumulyap kay Athena na walang ekspresyon na nakatitig rin sakin. Gusto kong sumama para makita si Herold. Gusto ko mag sorry sakanya. Gusto ko mag sorry sakanila. Na-g-guilty ako kasi ako ang may alam ng lahat lahat pero hindi ko magawa sabihin. 
Hindi ako pumayag sa yaya ni Kevin saakin. Sakto namang tinawag na kami sa stage. Nag paliwanag pa si Athena pero hindi na pwede pa mag hintay dahil may mga klase pa ang iba. Kaya wala kaming nagawa kundi humarap sa maraming estudyante na hindi kumpleto. Wala yong President namin. Wala si Herold. 
Pag katapos mag karoon ng kaunting speech ay bumalik na kami saaming klase. 
"Hindi pumasok si Pres?" tanong ni Violet ng nang lalakad na kami papasok ng classroom.
Tumango ako saka bumuntong hininga. 
"Baka napuruhan yon." sabat ni Joe na pumipikit pikit pa. Galing pa rin sa mahabang tulog. 
Umayos na kami nang dumating na yong professor namin. May narinig akong hagikgik na nag pakunot agad sa nuo ko. Tinaas ko ang ulo ko saka ko nakuha kung sino ang nasa harapan namin. 
"Good morning. Before we start our class. I just want to congratulate Danica Lladones." si Alexander. Pormal na pormal ang boses. 
"S-salamat po Sir.." sabi ko na lang saka yumuko. Hindi ko alam bakit naalala ko ang itsura nya kagabi. Aminin ko man o hindi. He's damn gorgeous last night! 
At yong ngayon? Wala pa ring duda. Mas nakakatakot nga lang sya ngayon dahil sa sobrang seryoso ng mukha nya. Parang hindi sya yong nakausap ko kagabi. Napahilot na lang ako sa ulo ko. Oh damn!— mabilis ako nag taas ng tingin kay Alexander ng may maalala. 
Pero parang ako ata ang nagulat dahil nakatitig pala sya sakin. May kung anong humalukay sa kaloob looban ko sa titig nya. 
"Excuse me." ani nito saka tumalikod saamin at lumabas. 
Bigla naman ako tumayo saka walang pasabing nag lakad palabas. Nakita ko sya agad na malalaki ang hakbang na nag lalakad palayo sa classroom namin. Katulad ng ginawa ko kagabi ay mabilis ko syang hinawakan sa braso nya. 
"Wait Alexander.." tawag ko. 
Napahinto naman sya saka tinagilid ang ulo. Bumaba ang tingin nya sa kamay ko na nakapatong sa braso nya. Napalunok naman ako saka agad na binawi. 
"Gusto ko lang sabihin na hindi pa p-pumapasok si Herold." 
Kumunot ang nuo nya saka tuluyan na humarap saakin. Para naman ako nanliit sa sobrang tangkad nya. 
"Bakit kailangan mo pa sabihin sakin?" 
"K-kasi diba si Wayne?" tukoy ko sa kaibigan nya. 
"What's with Wayne?" tanong nya. 
I bit my lip. Bakit ba bigla ako kinabahan sa harap nya. He's so intimidating. 
"Sya yong sumuntok kay Herold." 
He just raised his one eyebrow. Nag hihintay sa idadagdag ko. Huminga ako ng malalim saka bumigay. 
"Fine. Kailangan ko lang sya makausap at harapin na sina Athena sa ginawa nya kay Herold. Ang totoo pinapahanap sya nina Athena, at hindi ko sinabing..alam ko kung sino." 
"Bakit hindi mo sinabi?" 
Parang nagising ako sa tanong ni Alexander. Hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng inis sa tanong nya. Look! Pinoprotektahan ko sya baka madamay sya at mapatalsik sa school na ito! Herold's came from a wealthy family. Pwedeng sa isang iglap ay mawalan sya ng lisensya.
Okay kung kinukwestyon nya yon. I change my mind. Sasabihin ko na lang kina Kevin ngayon. Walang pasabing tinalikuran ko na sya. 
"Wait. Where are you going Danica?" tanong nya. 
"Sasabihin ko na sakanila na kilala ko yong sumuntok kay Herold." hindi ko alam pero its sounds bitter. 
Naramdaman ko naman ang pag hawak nya sa braso ko at biglang pag harap saakin. Napalunok naman ako ng makita kong sobrang lapit namin sa isa't isa. 
"Come with me. Puntahan natin si Wayne."