Kabanata 11
Malalaki ang hakbang nya patungo sa naka-parking nyang Black Audi R8. Kahit anong pilit kong lakihan ang hakbang ko ay wala talagang saysay kapag maliit ka tapos hinahabol mo ay matangkad? 
"Seryoso ka ba Alexander na sasama ka? Its cutting!" sabi ko ng umikot na sya papuntang driver seat. 
Tinitigan nya ako na nag tataka "Then ano tinatawag mo sa ginagawa mo?" 
"Ah..Cutting?" 
"Right. Lets go.." walang pasabing naupo na sa driver seat. 
Napatingin naman ako sa pintuan sa shotgun seat. Nag expect ka bang pag bubuksan ka ni Alexander? Umirap na lang ako saka mabilis na binuksan ang pintuan at pumasok. 
Hindi ko naman maiwasan ma-conscious sa sobrang linis ng loob. Mamaya may naapakan pala akong dumi, edi nabinyagan ko na.  
"Fasten your seatbelt Danica." paalala nya kaya madali kong ginawa ito. 
"Are you really serious? Iniwan mo yong first subject mo para dito?" I asked again.
"Pinilit mo ako. Nasa loob na tayo ng kotse ko. Aalis pa ba tayo?" sabi nya saka lumingon saakin. 
Nag tama ang mata namin na kinatigil ko saglit. Winaksi ko sa isipan ko iyon saka lantaran na umirap. 
"For your information hindi kita pinilit okay? I'm just asking you a favor na kausapin mo sya about sa issue ng pag suntok nya kay Herold." 
Nakahawak pa rin sya sa black steering wheel habang seryosong nakikinig sakin. "Ano ba kasi ginawa ni Herold at nasuntok sya ni Wayne?" 
"Hindi ko alam! Siguro dahil sa kalasingan. Bigla na lang sya lumitaw doon. Nag uusap lang naman kami ni Herold doon bigla na lang sya nanununtok. Not just once but twice! Kaibigan mo iyon diba? Baka yong kaibigan mo yong may mali." singhal ko. 
Tumaas lang ang kilay nya. Walang nag bago sa ekspresyon ng mukha nya.   
"Bakit kasi kayo nag uusap ni Herold?" 
Nagulat ako sa tanong nya kaya kinunutan ko sya ng noo.
"What? Is it still necessary with you?" 
"Okay." yon lang sabi nya saka binalik ang tingin sa daan. Binuhay nya ang Black Audi R8 nya bago pinatakbo. 
"I know Wayne. Hindi lang bigla bigla yon nanununtok. Maliban na lang kung may nakita yon na mali." nag kibit balikat sya. 
"Huh? Anong mali doon sa nakita nya samin ni Herold?" 
"What do you think?" tanong nya saka liningon ako. Agad naman ako nag iwas ng tingin. 
Bakit ba ganito ako makipag usap sa Professor ko. After all he is still my professor. Watch your mouth Danica. Tumahimik na lang ako ng narealize ko iyon. Namintana na lang ako. I'm still thinking Herold. Lalo na yong sinabi nya sakin kagabi. Kung sa iba madali lang ang mamili lalo na kung wala sila sa posisyon ko. Pero hindi eh, i'm torn choosing between 'Runaway with him or Runaway from him' 
"We're here." sabi nya na nag pabuhay sakin. Hininto na nya ang sasakyan nya. 
Kumunot ang nuo ko ng makita ko ang pinuntahan namin. Liningon ko sya agad. 
"Bakit nandito tayo sa bar?" 
"Wayne's here.." 
"Ganitong kaaga? Nasa bar sya agad?" talagang lasinggero ang kaibigan nya. Mabuti hindi sya naimpluwensyahan? 
Hindi nya ako sinagot saka tahimik na lumabas. Lumabas na rin ako since iniwan naman akong unanswered sa loob. Hindi na nya ako hinintay pa at pumasok na ito sa loob. Wala ba sa vocabulary nya ang pagiging gentleman? Wala na akong nagawa kundi sundan sya sa loob. 
Bumungad sakin ang tahimik na bar na kagabi ay sobrang gulo at ingat. Yes! Ito yong bar na lagi namin pinupuntahan ng mga kaibigan ko. Nakita ko naman agad si Alexander na nag tungo sa lalakeng naka pwesto sa isang lamesa dito. I think its Wayne. 
Kahit nag tataka ay nagawa pang ngumisi si Wayne ng makita si Alexander na palapit sakanya. 
"Oh? Anong ginagawa ng isang guro dito? Too tired with your students?" tumawa ito.
"Gago." 
Umangat ang gilid ng labi ko sa sinabi nya. I don't know pero nag mukha syang cool saakin. 
"Gago too. Pero di nga Alex why are you here? Class hour pa ah." 
"Someone's looking for you." 
Nag taka si Wayne bago lumingon sa gawi ko. Napa-oh ang bibig nito bago ngumisi saka bumalik ang tingin kay Alexander. Hindi na ako nag dalawang isip pa na lumapit since nakita naman na nya ako. Pero syempre malayo kay Alexander. 
"Why me? Hindi ba dapat ikaw? Don't tell me.." binaling sakin ang tingin nya. Kinunutan ko lang sya ng nuo na kinahalakhak. "No. Not my type. She's too short. Mas gusto ko pa rin matangkad." 
Namula ako sa pinuna nya saakin. Naasar ako. "What the f**k?" 
"O f**k daw Alex." 
"Wayne!" sigaw ni Alexander na matalim ang tingin sa nakangising kaibigan.
Hindi natablahan yong kaibigan nya kaya tumawa lang. What the hell? May kaibigan akong ganito sakanya pero hindi naman ako ganito mag react. Pero bakit ganito ako ngayon? Nakakaramdam ako ng hiya. 
"Hahaha kidding. What is it Danica?" tanong nya saka minuwestra ang harapang upuan "Take a seat." 
Agad ako umiling "Hindi na kailangan. I'm here because of what happened last night." 
"Huh? Anong nangyari kagabi?" tanong nya. 
"Nanuntok ka bigla bigla. At k-kaibigan ko yong nasuntok mo." nautal pa ako sa pag banggit ng word na 'kaibigan' 
Pansin ko din ang matiim na titig sakin ni Alexander. Para akong isang magandang movie kaya seryoso ang mukha nyang pinapanood ako. 
Oh Damn. 
Kumunot pa ulit ang nuo ni Wayne. Nag isip pa ng malalim. Ito na nga ang inaalala ko eh. Baka hindi nya maalala sa kalasingan nya kagabi. 
"I'm sorry natahimik lang ako bigla. Inaalala ko lang kasi yong kinain ko kagabi. Alam ko yong sinasabi mo. Okay continue." sabi nya saka ngumiti ng inosente. 
Napanganga naman ako pero agad ko rin binawi. May saltik ang kaibigan ni Alexander tsk! 
Huminga na lang ako ng malalim.
"Gusto ko lang sana puntahan mo sina Herold para humingi ng sorry. Pinaghahanap ka ng girlfriend nya at may balak pa ata silang ipa-police ka." 
Its true, sa sobrang pag aalala pa naman nina Kevin lalo na si Athena ay baka nga mag sampa pa sila ng kaso. And knowing Herold's family baka pinapahanap na ito si Wayne. Hindi ko na nga alam kung kamusta na si Herold. Should I text him? 
"So papa-police mo pala ako? Bakit nag punta ka pa dito na walang dalang manghuhuli saakin?" 
Nag taka naman ako sa sinabi nya? Baliw ba sya bakit ko sya ipapa-police? Si Athena ba ako? 
"At bakit naman kita ipapa-police?" 
"Sabi mo may balak na mag pa-police yong girlfriend nung Herold. Eh diba girlfriend ka nya?" he asked.
Napahinto naman ako sa sinabi nya. Nag isang lingon ako kay Alexander na ganon pa rin ang tingin sakin pero mas pina-seryoso ang ngayon. What the heck? Para akong nakaharap sa mga pannel sa thesis defense! 
"W-what? hindi ko sya boyfriend!" 
Tumaas ang isang kilay nito. "Seryoso? Then why I saw the both of you kissing each other last night?" 
Napaawang ang bibig ko sa sinabi nya. Para akong tinakasan ng dila sa tinanong nya. Automatic na napatingin ako kay Alexander na hindi na saakin nakatingin kundi kay Wayne na. 
Until Wayne's chuckle
"I understand. Teenager talaga ngayon masyado nag lalaro sa apoy. Wag masyado mag laro baka mapaso ka. Yari ka." ngumisi sya saakin bago binalingan si Alexander. 
Napahinga ako ng malalim saka nag iwas ng tingin. Sobra akong natamaan sa sinabi nya. Then I remembered Athena's stares for me last night and..earlier. Wala na ako nagawa kundi bumuntong hininga. What have you done Danica? 
Mabuti naman pumayag si Wayne na makipag kita kina Herold at Athena para humingi ng sorry. Pero sa totoo lang wala doon ang wisyo ko. Kundi sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Hindi na kami hinatid pa ni Wayne sa labas dahil kinakailangan nya pa asikasuhin yong mga papeles sa ibang branch ng bar nya. Yes he own this bar kaya pala walang takot na lang sya sumuntok ng ibang tao. 
"Ah Alexander hindi na ako sasabay sayo pabalik ng University.." sabi ko ng nasa labas na kami. 
Huminto sya saka tinitigan ako. Hanggang ngayon hindi pa rin sya nag sasalita. Ano ka ba Danica! Ganyan naman talaga yan hindi palasalita. Pero hindi ko alam, iniisip ko na baka may gusto syang sabihin sa narinig nya kanina. 
"May pupuntahan pa kasi ako." 
Nakapag desisyon na ako na kausapin o tawagan si Herold sa sagot ko para sa tanong nya. 
"Where? Hatid na kita" sa wakas nag salita na rin sya. Hindi ko naman maiwasan mapangiti. Parang kaymahal ng mga salita nya kainis. 
Umiling ako "Hindi na Alexander. Masyado na ako nakakaabala sayo. May klase ka pa diba?" 
"Oo ikaw din may klase pa." 
Napatampal ako sa nuo. Oo nga pala may quiz kami kay Ma'am Mors ngayon. Wrong timing naman oh. 
"Kung ano man yang pupuntahan mo. Ipag paliban mo muna. It's important for you as a student to attend your class everyday. Mahirap mag habol kapag college." 
Lumawak na ang ngiti ko. Nawala ang binabalak ko ngayon. Nag taka naman sya sa inakto ko. 
Oh cmon! Ang haba ng sinabi nya no. 
"Are you laughing me?" 
I bit my lip "N-no Alexander.. I mean Sir" 
He raised his one eyebrow. "We're not inside the University." 
Tinaas ko ang kamay ko habang nag pipigil ngumiti. " Fine Alexander!" 
Hindi na sya sumagot pa at tinalikuran na lang ako. Why so sungit Sir? Napapailing na lang ako habang nag tungo sa pintuan at binuksan para pumasok na. 
Nakita ko sya agad na hindi man ako sinulyapan. Nakatitig lang ito sa harapan na seryoso pero salubong ang kilay. Hindi ko na napigilan pa at tumawa na ako ng malakas. Agad naman sya napalingon sakin. 
"Why?" 
Tumatawa akong nakatingin sakanya "W-wala!" 
"Bakit nga?" 
"Wag na! Mamaya bigyan mo pa ako ng Tres sa card" ngumuso ako saka bumaling na sa harapan. Pinipigilan ko pa rin tumawa. 
"Then I'll give you a tres if you will not answer my question Miss Lladones.." he is serious with that. 
Tumaas ang kilay ko saka nilingon sya na nakatingin pa rin sakin. Ang daya talaga! 
"Nag salita ka kasi ng mahaba kanina kaya..yon" hindi ko naman mapigilan matawa sa rason ko. Ewan ko ba at natawa ako don! Abnormal na ata ako
Nawala ang seryosong mukha nya napalitan ng pag tataka. "Is that so?" 
Tumango tango ako nakangiti. Napailing iling na lang ito saka binalik ang tingin sa harap at nag start ng engine. 
I bit my lip "So.. what's my grades Sir?" 
Tumaas ang sulok ng labi nya. "Tres. Miss Lladones." 
Tuluyan na nabalot ng hagalpak ko ang buong Black Audi R8 nya! Kailan pa ako natawa ng ganito kalakas?