Kabanata 14
Kahit anong kapal ng concealer ang pinatong ko sa mata ko ay hindi talaga nito kayang takpan yong sobrang laki kong eyebags. Humikab ako habang nag lalakad papasok ng Xander University.
Hindi ko kasabay yong dalawa kasi 2nd period pa ang pasok nila. Dapat ganon din ako kung hindi lang ako Secretary ng SSG. Kailangan ko mag report sa SC Building ngayon. Kaya kahit gusto ko muna umidlip ay hindi pwede.
Gusto ko pumikit ng makita ko ang SC Building. Oh damn! Sumasakit ang ulo ko. Gusto ko umiwas. Umiwas sa SC Building at umiwas mag lakad lakad sa corridor, at baka makita ko yong taong dahilan ng pag kapuyat ko.
Guess what? Ginawa ko lang naman yong report ko. Limang topics yon! 5 powerpoint na may 20 slides. Bukas pa naman ang klase nya pero ang sabi ko nga, ako iyong klase ng estudyante na ayaw matambakan ng gawain. Kolehiyo na ito! Hindi na dapat pinapabukas pa ang gawain kung kaya naman tapusin 'yon ng maaga.
"Danica, Good morning! Oh mukhang hindi ka natulog ah?" salubong agad saakin ni Kevin.
"Yeah. Reports." yon lang sabi ko saka nag lakad na papasok ng building.
Umakbay sya saakin. Dahil wala ako sa mood ngayon ay hindi ko na sinuway pa. "May seminar na dadaluhan si Pres next month after Buwan ng Wika."
"Oh tapos." wala pa rin sa mood na sabi ko.
"Syempre! Ikaw ang isasama non. Alam mo na. Para makapag solo kayo. Dito kasi.. may mata."
Nag salubong ang kilay ko saka huminto. Hindi ko nagustuhan ang narinig nya "Hindi mo ba naririnig pinag sasabi mo Kevin?"
"Huh? naririnig, may tenga ako eh" obvious na sagot nya.
Umirap ako sakanya saka nag patuloy na sa pag lalakad. Wala ako sa mood para mag paliwanag pa sakanya. Bahala sya makatuklas.
"Wait.. wala na ba kayo ni Pres?"
"Walang kami, una pa lang." sabi ko saka binuksan na ang pinto.
Sumalubong saamin ang kumpletong officers sa loob. Sinaglit tingin ko lang si Herold na nakatayo ng tuwid sa harapan katabi si Athena. Parehas silang sinusundan ang lakad ko. I've no time para pansinin pa ito. Gusto ko na matulog.
Tumikhim si Herold "Let's start.."
Nakinig lang ako sa meeting. Bilang Secretary nag t-take down notes ako. Pero minsan may nakakaligtaan ako dahil napapapikit na ako. Mabuti na lang at katabi ko si Kevin kaya sya ang tinatanong ko.
Buong meeting napapansin ko ang palaging pag sulyap saakin ni Herold. Parang gusto nya ako tawagin. Oh please.. wag nyo muna ako tawagin. I'm f*****g exhausted!
"Meeting adjourned.."
Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko iyon. Tumayo na ako saka sinukbit ang dalang bag.
"Mukhang inaantok ka, Pahinga ka muna sa clinic. Tita ko yong nurse doon. Pwede kita ipaalam." sabi ni Kevin sa gilid ko.
Tumaas ang kilay ko "Seryoso?"
Mabilis sya tumango saka hinablot ang notebook na pinag sulatan ko tungkol sa meeting kanina. "Hatid na kita. Hintayin mo na lang ako sa labas. Ibigay ko na ito kay Pres."
Tumango na lang ako saka hinayaan na syang gawin 'yon. Hindi na ako nag paalam pa kina Herold at Athena. Alam na ni Herold 'yon kung bakit. Hindi ko na kailangan pa sabihin sakanya. Kailangan nyang maramdaman kung ano ang gusto ko mangyari.
Sumandal ako agad sa pader pag kalabas. Yumuko ako saka pumikit. Ayaw ko muna mag isip isip ngayon. I'm emotionally and physically tired. Humikab ako.
Wala na ata akong pakialam kung may mga teachers na dumadaan sa harapan ko. Nakatungo lang ako at nakapikit.
Biglang may huminto sa harapan ko.
"Puyat ka ba?"
Tumaas ang kilay ko kahit nakapikit ng marinig ko ang boses ng taong dahilan bakit ako puyat ngayon.
"Danica.."
Wow. Hindi Ms. Lladones ah.
Naramdaman ko ang kamay nya sa ilalim ng panga ko, dahan dahan nya itong inangat hanggang sa mag tama ang mata namin.
Bigla ako nagising, nawala lahat ng pagod at puyat ko ng mag tama ang mata namin. Napalunok ako ng may nakita akong dumaan sa mata nya. Bakit sya concern?
"Matulog ka muna... may klase ba kayo ngayon?" his voice is so soft.
Wala sa saring umiling ako. Tulala pa rin sa mata nya.
"Good.." he breathe. Hinawakan nya ang braso ko saka hinila palapit sakanya. Parang may nag rarambulan na ano sa puso ko sa pag hawak nya saakin. Bumaba ang tingin ko sa kamay nyang nakahawak sa braso ko.
"Alexander.." i whispered.
Hindi nya ako pinansin, nag lakad na sya na hawak hawak ang braso ko. Para syang may mahika at napapasunod ang paa ko sakanya. Gusto ko mag salita pero parang walang gusto lumabas sa bibig ko.
Matangkad sya. Hanggang dibbdib nya lang ako. Kaya ganon na lang ang pag katingala ko sa malapad nyang likod. Hindi ko alam kung sino ang nakakasalubong namin dahil hinaharangan nya ito.
Doon na lang ata ako nagising ng nakapasok kami sa office nya.
"B-bakit dito mo ako dinala?" nauutal na sabi ko, hindi pa rin nya binabatawan ang braso ko.
Hinila nya ako at dinala sa harapan ng isa pang pinto. Binuksan nya ito, bumungad saakin ang single bed. May kwarto sya rito?
"Dito ka na mag pahinga. Sarado pa ang clinic. Bubuksan ko na lang yong Aircon." don nya lang ako binitawan. Lumapit sya sa Aircon at binuksan.
"Tapos mo na ba yong report mo para bukas?" tanong nya. Lumapit sya saakin. Sobrang tangkad nya talaga.
Bumalik ang irita ko sakanya ng ipaalala nya saakin ang report ko. "Oo. Kaya nga puyat nga ako eh."
He looks amused "Really? Isa lang yon ah. Bakit parang hindi ka nakatulog."
Gulat akong hinarap sya "What the heck?! Isa lang pala iyon? 5 topic ang ginawan ko!" kulang na lang sabunutan ko ang buhok ko.
He sexily chuckled "Take a rest. Ako na ang gagawa."
"Anong ikaw ang gagawa?" kunot nuo kong tanong.
Tumaas ang kilay nya "Bakit masama?"
"Report ko y—"
"Baby please.. take a rest. Mamaya tayo mag usap." he said softly.
Napasinghap ako sa narinig ko. Nag iwas ako agad ng tingin sakanya. Parang may kabayong nag kakarera sa dibdib ko. I gulped.
"O-okay.."
He breathed heavily, tinitigan nya pa ako saka tumalikod na. Saka lang ako lumingon kung saan sya nakapwesto.
What the heck..
I bit my lip. Pabagsak ako naupo sa kama saka pumikit. I think pagod lang ako kaya kung ano ano itong naririnig at nararamdaman ko. Mabuting matulog na muna ako.
Nagising ako sa boses na nag uusap. Tumingin ako sa wall clock. Isang oras din ang tulog ko, saktong malapit na ang second period. Nag inat ako saka pinakaramdaman ang sarili. Medyo naging okay naman na ako. Hindi na masyado inaantok.
Tumayo na ako saka lumapit na sa pintuan. Napahinto ako ng may narinig akong pamilyar na boses.
"Alexander can we still.. you know." boses 'yon ni Ms. Cruz.
"Rebecca.." boses naman iyon ni Alexander pero parang may pag babanta sa boses nito.
I heard Ms Cruz chuckled. Hinding simpleng tawa kundi parang nang aakit. May kung anong umakyat sa ulo ko at nag tutulak na lumabas ako sa kwartong ito para magulat si Ms. Cruz.
"Ano ba Alexander.. ipag patuloy na natin 'yong naudlot kahapon. Maaga pa naman.. just lock the door." mapang akit ang boses ni Ms. Cruz.
Tumaas ang balahibo ko sa uri ng boses ni Ms. Cruz. Parang hindi sya yong Professor na hinahangaan ng lahat ng lalake! Parang.. para syang call girl!
Napalunok ako ng hindi nag salita si Alexander. Naakit na ba sya? Nag uumpisa na ba sila? May kung anong pumilipit sa tyan ko.
Biglang may natumba. Hindi ko na kaya pang makinig. Binuksan ko ng kaunti ang pintuan. Nagulat ako sa nakita ko.
Si Ms. Cruz nakasalampak sa sahig. Nakangiwi ito sa sakit ng pag kaupo nya sa sahig.
"Ano bang problema Alexander? Bakit mo ako ti—"
"Get out." a cold baritone from him.
Nakatayo na si Alexander ngayon. Walang ekspresyon sa mukha itong nakatingin sa nakaupong Ms. Cruz sa lapag.
"Get out or you'll fire."
Parang maiiyak na naiinis tumayo si Ms. Cruz saka tumalikod at tumakbo palabas ng office. Nagugulat pa ako sa nasaksihan ko. Kala ko ba may something sakanila, bakit tinulak ni Alexander?
"Lumabas ka na dyan.."
Halos mapatalon ako sa sinabi nya. Nakatalikod sya saakin pero bakit alam nyang nanunuod ako? Kahihiyan agad ang dumaloy sa katawan ko. I silently cursed myself. Wala ka talagang hiya Danica! Pinatulog ka na nga dito, nakikinuod ka pa!
"Kanina ka pa gising. Don't fool me Danica." bumalik na sya sa pag upo at pinag patuloy ang ginagawa sa harap ng laptop nya.
Lumabas na ako since buking naman na ako.
"Ah..Si Ms. Cruz yon?"
Tumango ito, hindi ako nililingon. "How's your sleep?"
"Ah.. okay lang. Salamat" i bit my lip "Bakit mo tinulak si Ms. Cruz? Girlfriend mo sya diba?"
Tumaas ang sulok ng labi nito. "Where did you get that fake news?"
"Sabi lang nila." kibit balikat ko saka nag lakad sa likod nya. Sinilip ko ang ginagawa nya. May powerpoint presentation syang ginagawa.
"Nakikibalita ka pala tungkol saakin hah.." he playfully said.
Napatras ako saka tinignan syang salubong ang kilay "Ako? Hindi ah! Narinig ko lang."
"Pinakinggan mo naman."
Umirap ako "Whatever."
Sinukbit ko na ang bag sa balikat ko. "Salamat sa pag papahiram ng kwarto mo. Mauna na ako."
Ngumiti ako saka kumaway. Tumalikod na ako saka nag simula na mag lakad nang bigla sya nag salita.
"That's not for free.."
Nilingon ko sya, nakatigil na sya sa ginagawa nya. Nakasarado na ang laptop na kanina ay nakabukas at may hawak syang silver flashdrive. Inabot nya saakin ito.
"Ano ito?"
"Flashdrive."
Umirap ako "I know. Pero para saan 'to? marami akong flashdrive Alexander."
"Marami kang flashdrive pero wala ka pang report. Bring it back when you're done with your report." he said formally
Umawang ang labi ko ng may napag tanto ako. No way! I mean... seryoso sya sa sinabi nya kanina? Ginawa nya report ko?
"Welcome Ms. Lladones." sagot nya agad kahit tulala pa rin ako sa flashdrive na inabot nya saakin.
"A-ah kukuha lang siguro ako ng idea sa ginawa mong report.."
He shrugged his shoulder "Ikaw bahala." tumalikod na ito saka may kinausao sa phone nito na kanina pa tumutunog.
Hindi ako makapaniwala! Parang kagabi lang, halos maiyak na ako sa pag gawa ng report ko. Inabot ako hanggang 4 am kaya wala akong tulog na pumasok.
Ginawa ni Alexander yong report ko. My professor just finished my report. f**k! Mismong professor ko sa subject na iyon kung saan ako mag rereport.
"Danica!" nakita ko si Kevin na tumatakbo palapit saakin.
"Hey hindi na kita nakita kanina pag labas ko. Saan ka nag punta?" tanong nito.
"A-ah sa library. Natulog." hindi ko naman pwedeng sabihin na office ni Alexander.
"Akala ko kung saan ka na nag punta. Wala ka sa clinic eh. Anyway pwedeng samahan mo ako sa Sunday bumili ng pang dedecor sa stage para sa Buwan ng Wika?"
Tumango tango ako "Text mo na lang ako kung anong oras at kung saan."
"Wala akong number mo.." bulong ni Kevin.
Napahinto naman ako "Ah. Oo nga pala. Akin na phone mo" binigay nya naman ang phone nya saakin. Agad ko nilagay ang number ko.
"Thanks Danica!" nakangiting sabi nito. Biglang may tumawag sakanya "Mauna na pala ako. Salamat ulit Danica!"
Tumango na lang ako saka kunaway na rin sakanya. Dumiretso na ako sa room. Nakita ko na agad yong tatlo.
"Galing kang SC Building?" bungad ni Violet.
Tumango ako saka ngumiti. Umupo ako agad sa tabi nya. "Mukhang masaya ka ah?" bulong nya.
Tumawa ako saka umiling iling. Hindi ko alam pero ang saya ngumiti ngayon. Kung ganon naman pala ang epekto ng kama ni Alexander dapat araw araw na lang ako natutulog don para palagi ako good mood!
"Natapos mo na report nyo?" si Danver.
Tumango si Violet "Nag tanong tanong ako kay Alexander kagabi tungkol sa topic ko. Kaya 'yon natapos ko kaagad"
"Sana all may kapit" asar ni Joe. Tinaasan lang sya ng kilay ni Violet "Excuse me! Ako pa rin ang nag gawa non no!"
"Oh bakit may sinabi ba akong hindi ikaw?" natatawang asar ni Joe.
"Ikaw Dani tapos mo na?" tanong naman ni Danver.
Tumango ako.
Bumaling si Joe saakin "Sana all matalino!"
Tumawa ako. Oh cmon guys! Hindi ako matalino. Kung malaman nyo lang kung sino ang gumawa nito. I bit my lip.
Natapos ang araw na ito na hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Gusto ko na nga iuntog ang ulo ko sa pader. Damn! Ano ba nangyayari saakin?
Nag kwekwentuhan yong dalawa mokong habang sabay sabay kaming apat na nag lalakad palabas ng University. Sinisipa sipa ko ang mga bato na nakakasalubong namin.
"Gusto ko na mag sem break! Gusto ko na ulit may bakasyon." sigaw ni Joe
"Boracay tayo sa sem break!" biglang sali ni Violet.
"Uy game ako dyan" sabi ni Danver.
"Hindi ako mawawala." sabi ko.
Tumawa si Joe "Malamang. Mahal na mahal mo ang dagat Dani eh. Pakasalanan mo na nga."
Inirapan ko sya. Pinag patuloy na lang nila ang pag uusap nila.
"Bibili na pala ako ng bikini ko!" tili ni Violet.
Sumimangot si Joe "Hindi bagay sayo."
"Anong sabi mo?"
Umiling iling na lang ako sa asaran ng dalawa. Tumingin na lang ako sa harapan. Kumunot ang nuo ko ng may nakita akong pamilyar na tao. Naka suot ito ng shades habang nakasandal sa magara nyang sasakyan. Nang nakita nya ako ay agad ito ngumisi saka kumaway.
"Kilala mo iyong kumaway sayo?" tanong ni Danver.
"Huh? Sino?" maang maangan ko.
"Ayon oh." nguso nya kay Wayne.
Gusto kong mag tago sa likod ni Danver. Ayaw kong lumapit si Wayne saakin. Sigurado kasing tatanungin ako nitong dalawa. At baka malaman pa nila yong nang yari sa bar last time or worst madulas pa si Wayne! You know him naman.
Kaso parang hindi ako dininig ng sa itaas dahil biglang tumawid si Wayne at lumapit saamin..saakin.
"Danica! Long time no see." nakalabas ang mapuputing ngipin nito.
"Who are you?" sagot ni Danver.
Mukhang nakadama yong dalawa sa likod kaya lumapit na rin si Joe.
Humalakhak naman si Wayne. Kung titignan mo ay halos mas kasing tangkad lang silang tatlo kaso mas develop nga lang ang katawan ni Wayne. Yeah, he looks devilishly handsome with his simple white v-neck tshirt and pants. Pinag titinginan nga sya ng mga estudyante dito eh.
"Woah. Chill bro. Iba ang tipo ko." sabay ngisi.
Inirapan ko sya. "Ano ginagawa mo dito Wayne?"
"Dani kilala mo yan? Bakit hindi namin alam?" seryoso na rin ang mukha ni Joe.
Huminga ako ng malalim. "Sya yong sumuntok kay Herold sa bar."
Tumawa ng malakas si Wayne. "Oh cmon! Hindi ba nila alam?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Lumingon sya sa gilid ni Joe. Huminto sya sa gawi ni Violet.
"Violet?"
Kanina pa pala sya tinitigan ni Violet. Maya maya ay lumiwanag ang mukha ni Violet.
"Kuya Wayne! Hindi kita namukhaan sa blonde mong buhok!" tumatawang sabi ni Violet bago yumakap dito.
"Gwapo pa rin naman." halakhak nito.
Nilingon ko si Joe na masama na ang tingin kay Wayne. Napalunok ako. I hope it isn't a war.
Nang matapos sa pag yakap si Violet ay muli kami hinarap ni Wayne. "Tell me, asan sa dalawang ito ang manliligaw mo? Pahabol natin sa bulldog sa bahay."
Kita ko ang pag lunok ni Joe. Si Danver naman ay nag pipigil tumawa. Kahit ako din ay todo tikom ang bibig ko. Lagot ka ngayon Joe! Babae pa hah? Napaka torpe mo!
"Bakit ka pala nandito Kuya Wayne? Si Alexander mo ba?"
Umiling si Wayne bago sumulyap sakin "May dinalaw lang ako." sabay ngisi.
Tumaas ang kilay ko. Playboy. Dumako ang tingin ko sa grupo ng estudyante na palabas ng gate. Grupo iyon nina Herold. Tahimik si Herold, katabi nito si Athena Mendez na malayo ang tingin, ang maingay sakanila ay si Kevin at yong dalawang babae na hindi ko kilala. Pero alam ko nakikita ko na ito palaging kasama ni Athena.
Sumulyap si Wayne dito saka pumito. Ngumisi sya bago binalik ang tingin samin.
"Nakita ko na. Mauna na ako. Thanks everybody!" kumaway ito saka bumalik na sa nakaparadang sasakyan nya na kaninang sinasandalan nya lang.
"Sino na naman kaya yong trip ni Kuya Wayne? Nako delikado 'yon" umiling iling si Violet.
Biglang tumawa si Danver na kanina pa nya pinipigilan. Namumutla naman si Joe.
"Ano ka ngayon Joe? Hahaha!" umakbay si Danver dito.
Naguguluhan naman ang mukha ni Violet "Anong meron? Anong nangyari dyan?"
"Ang manhid nyo!" sigaw kong tumatawa saka pumasok na sa SUV.
Pag dating ko sa bahay ay sinalubong ako agad ni Mom. Mabuti na lang na kahit busy sila ni Dad ay nabibigyan pa rin nila ako ng time. Katulad ng palagi kami sabay kumain kapag dinner.
"Honey may nag text saakin. Baka friend mo na na-wrong send." sabi ni Mom sa kalagitnaan ng pag kain namin.
"Lalake ba yan?" sabat ni Dad. "Kapag lalake yan at wala kina Joe at Danver. Sabihin mo mag tago na sya sa saya ng Mama nya." seryosong dagdag pa.
"Tignan ko na lang mamaya Mom." sabi ko saka kumain na. Kailangan ko pag aralan yong report na ginawa ni Alexander.
"Wala pa ba nanliligaw sayo princess?" tanong ulit ni Dad.
"H-huh? Wala pa Dad!"
Tumaas naman ang kilay ni Mom. "Finish your degree first."
I bit my lip "Yes naman Mom. Wala pa ako sa mga ganyan."
"We're just protecting you princess. Mahirap umalis kapag pinasok mo ang relasyon. Napaka komplikado nito. Sa una masaya, nakakagaan ng loob pero kapag nasa gitna na kayo? Doon mo malalaman ang totoong meaning ng relationship" paliwanag ni Dad.
I smiled genuinely "Never ako papasok sa relasyon Dad hanggat hindi pa ako nakakapag tapos."
Natapos ang dinner na puro parangal ni Dad minsan ay nag sasalita si Mom. Sanay na ako sa magulang ko. Atsaka walang mali sa mga pangaral nila. At totoo naman yong sinabi ko na.. hindi muna.
Oh damn Danica! Bakit parang labas sa ilong yong huli mong sinabi? Are you expecting something?
Paakyat na ako ng hagdan ng maalala ko 'yong sinabi ni Mom.
"Mom yong phone mo?"
"Nasa side table sa kwarto namin ng Dad mo."
Pinuntahan ko ito, madali ko namang nakita 'yong phone ni Mom. Alam ko rin ang password nito kaya malaya ko nabuksan ito. Bumungad agad saakin yong open message.
Unknown
Good luck for tomorrow Danica.
Automatic na napangiti ako. Kilala ko na kung sino ito. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko saka kinuha ang number nito. Nag reply ako gamit ang sarili kong number.
Ako
Thanks Alexander.