Kabanata 13
Totoo talaga ang sinasabi nila na wag na wag mag desisyon kapag masaya ka. Kasi iyong desisyon mo na iyon ay hindi mo na mababawi lalo na kung malalim na ang nahukay non.
Hindi na ako nag salita pa sa desisyon ni Herold kahit gusto ko umapela. Ito na ang sinasabi nila na wag padalos dalos sa bawat desisyon sa buhay. Huminga na lang ako ng malalim saka tumingin sa bintana. Napapangiwi ako sa suot ko, I'm not comfortable sa net type na pinagawa ni Mom sa dress ko. Simple navy blue dress lang naman ito. Totoong dyamante ang ginamit nilang design dito. Ang nag papairita lang naman sakin ay yong net type sa bandang likod ko. Ang kati.
"Honey smile sa camera okay?" bulong ni Mom. Katulad ng saakin ay navy blue din ang kulay ng sakanya. Iba lang ang design.
"Yes Mom." sagot ko.
Katulad nga ng naiisip ko. Hindi ito simpleng engagement party. Maraming nag kalat na camera man sa gilid at reporter. Sanay naman na ako sa ganito dahil tuwing may mga social gatherings sinasama nila ako. Kahit papaano, may ibubuga ang pangalan namin sa larangan ng business.
Ngumiti na lang ako sa bawat pag click ng camera habang sina Mom and Dad ay sumasagot ng ilang questions. Hinawakan na ako ni Dad sa likod at ginaya na sa loob.
Malumanay na tugtog ang bumungad saamin. Kung ano ang kinagulo ng mga tao sa labas ay iyon namang kinakalma ng atmosphere sa loob. Dalawang nasa 40's ang agad lumapit kina Mom and Dad.
"Mr. and Mrs. Lladones!" bati ng babae. Kahit may edad na ay kita mo pa rin kung gaano sya kasopistikada sa aura nya.
Naglahad ng kamay sina Mom and Dad. "It's good to see you Mr. and Mrs. Montemayor!"
"I know you two are not fan of Arrange Marriage right? Bakit dumalo kayo rito?" tanong ni Mom.
Tumawa ang babae "Well, gusto ko lang panuorin. Oh is this your daughter?" tukoy saakin.
Ngumiti ako saka nag lahad ng kamay "Danica Lladones po. Mrs. Montemayor."
"You're so gorgeous just like your Mom!" ani nya saka nag lahad ng kamay "Elena Montemayor. Just call me Tita okay?"
"Okay po Tita Elena."
Ngumiti saakin muna bago bumaling ulit kina Mom and Dad. Pag uusapan na siguro nila ay tungkol sa business kaya nilibot ko na ang paningin ko para hanapin sina Danver at Joe.
"Ayaw pa ba ng anak mo na i-take over ang company nyo?" Dad asked.
"Hindi ko alam sakanya. Sabi nya may hinahabol pa sya. I don't know if it's a girl or what. Pero sinabi namin na make sure pag balik nya saamin may apo na kami. We're not getting older!" sagot ni Tita Elena na nanlalaki ang mata habang nag kwekwento. Pumulupot naman ang braso ng asawa nito sa bewang nya.
Tahimik lang si Mr. Montemayor, seryoso ang mukha. Parang may naaalala akong tao sakanya. Winaksi ko isipan iyong naisip ko. Danica!
"How about Danica? May plano ba sya i-take over ang company nyo?" bumaling saakin si Tita Elena.
Tumahimik sina Mom and Dad. Nag iwas din ako ng tingin. Ito ang topic na ayaw ko pag usapan.
"She's still studying." tipid na sagot ni Mom.
"Ow. I'm sure it's business ad?"
Humigpit na ang hawak ko sa bag na dala. Damn! Pwede bang ibahin na nila yong topic. Tumikhim si Mr. Montemayor. Nakaramdam siguro.
"How's the resort?"
Nakahinga ako ng maayos. Sa malayo ay nakita ko na yong dalawa na kapwa naka-suit and tie. Lumapit ako kay Mom at nag paalam. Nag paalam din ako kina Tita Elena saka umalis.
Parang nakawala ako sa hawla ng makalayo roon. Kaya minsan ayaw ko pumunta sa mga ganitong gatherings. Hinampas ko yong dalawa sa balikat pag karating ko.
"f**k!" mura nila sa gulat. Tumawa naman ako saka tinignan ang hawak nila. Wow may hawak na silang wine hah.
"Kanina pa kayo dito?" tanong ko.
"Ano sa tingin mo Dani? Tsk bakit ba nang gugulat ka hah? Asan sina Tita at Tito?" Danver.
Ngumuso ako "May kausap. Business" nilingon ko si Joe na may kausap ng babae. "Joe!"
Lumingon sya saakin "Dani naman. Hindi ito minor promise." sabay baling ulit sa kausap. Nangingiti pa nga.
"Sumbong ko yan kay Violet eh." sabi ko kay Danver. "Picturan mo nga Dan"
"Huh? Bakit ako? May kakausapin ako." sabi nito saka parang may hinahanap. Liningon naman sya ni Joe "Nahanap mo na yong babae sa cr Dan?"
Umiling si Danver "Dapat hinatak ko na yon kanina eh!"
Humalakhak naman si Joe habang unti unti gumagapang na ang kamay sa bewang nung babae. Tumaas ang kilay ko.
"Pinaisa mo dapat kasi. Mahina!" tumatawa tawang sabi nito.
"Babae na naman? Hanggang dito pa naman?" singit ko pero hindi nila ako pinansin.
"Wala eh. Tinatawag na ako ni Mom. Wrong timing!"
"Mabuti na lang may mauuwi ako." ngisi ni Joe saka lingon sa kaakbay na babaeng parang linta. Mas maganda pa si Violet!
Dumilim ang paningin ko bigla "Bitawan mo yan Joe."
Paang doon lang nila ako napansin. Lumingon sila sakin. Yong babae naman tumaas ang kilay. Oh my dear baka kalbuhin kita mamaya wag mo ako taas taasan ng kilay mong tattoo.
"Dani cmon! 19 na ito—"
"Bitaw." I crossed my arms on my chest. Mataray kong tinitigan yong babae.
"Who are you ba?" mataray na sagot nito.
"s**t!" rinig kong mura ni Danver. Sinisenyasan nya na si Joe na bitawan na yong babae.
"Kaibigan ko lang naman yang umaakbay sayo Miss."
"Kaibigan lang naman pala eh. Get lost—"
"Aalis ka o buburahin ko yang tattoo mong kilay?" kalmado pa rin ang boses ko pero tumataas na ang kilay ko.
"Pfft.." nag pipigil si Joe. Tignan mo ito! Hindi pa nga bitawan yong babaeng halos umusok na iyong ilong sa inis.
Naiinis na inalis nung babae yong malaking braso ni Joe. "Hmp!" sabi nito saka nag walk out.
"Hahaha!" nag pakawala na ng tawa si Joe. Umirap lang ako saka lumapit sa chocolate fountain.
"Tinitopak ka na naman!" akbay saakin ni Joe saka gulo sa buhok ko. Sumunod naman si Danver sa gilid nya. "Parang hindi ka na nasanay Joe." Danver shook his head.
"Susumbong ko yan kay Violet." I murmured.
Humagalpak ng tawa si Joe "Sumbong mo. Subukan mo."
Liningon ko si Danver at humingi ng tulong. Tumatawang umiiling iling ito. "Bakit ganyan mood mo. Kamusta?"
Huminga ako ng malalim saka binalik ang tingin sa chocolate fountain. Hindi ko alam bakit hindi ko masabi sakanila ang problema ko ngayon. Bakit nag karoon pa ako ng kaibigan kung hindi ko naman sila kayang pag sabihan ng pinag dadaanan ko.
"Wala."
"Monthly period." tango ni Danver na kinairap ko. Sumagot naman si Joe "Siguro nakita nya sina Athena at Herold kanina sa SC Building. May meeting kayo diba? Selos."
Nag salubong ang kilay ko. Selos? Big word pero wala. Nakita ko yong dalawang pinag sundo. Hindi ako pabor sa arrange marriage. Bakit kailangan mo pilitin ang dalawang tao na mag mahalan para lang sa isang negosyo. At bakit sila pumayag na ipakasal sila? Ang gulo. Pero bakit yan ang pinoproblema ko. As if naman hahantong ako na ipagkakasundo ako nina Mon and Dad. Never. Hindi nila magagawa iyon.
Binasa at inintindi ko ng mabuti yong libro na nasa harapan ko ngayon. Naka ilang ulit na ata ako sa pag babasa ng topic ko sa reporting pero hindi ko maintindihan.
"First reporter ka Dani?" tanong ni Violet na kadarating, madami syang dalang libro. Nandito kami sa library. Mabuti iba ang bantay kaya nakapasok kami.
"Goodluck! Kaya mo yan. Anong topic ba ang binigay sayo ni Alexander?"
"Hindi ko alam."
"Huh? Paanong hindi mo alam? Diba tinuro nya kanina sayo?"
Sinarado ko yong libro saka nangalumbaba "Yon na nga eh. Tinuro lang nya. Eh andami dito oh. Saan dito? Tsk!"
Tumango tango naman si Violet "Hay nako! Mas mabuting puntahan mo si Alexan—"
"Ayoko nga!" sigaw ko.
Tumaas ang kilay nito saka nag ngising aso "Grabe maka sigaw Dani ah. Hmm. Osige ako na lang mag tatanong ah?"
Umirap ako "Salamat."
Bumalik na sya sa ginagawa nya. Sadyang ayaw ko lang mag kita pa kami ni Alexander. Basta ayaw ko! Everytime ata na nag kikia kami. Napapahiya ako. Katulad kanina nung tinawag nya ako sa klase saka pinalapit sakanya para malaman ko kung ano i-re-report ko, muntik na ako matalisod sakanya! Ang nakakahiya ay yong ngumuso sya saka nag pipigil ng tawa.
Ah damn! Nakita na nga nya ako pinahiya ni Ms. Fredeluces. Naiirita ako na nahihiya na nabwibwisit sakanya! Kaya iyon sabi ko sa sarili ko simula non hindi ko na sya lalapitan at kakausapin pa. Puro na lang kamalasan. Mamaya sinumpa na nya ako eh.
"Girls! Pinayagan tayo na dito mag lunch" bungad agad ni Joe na parang bakla.
"Mabuti na lang hindi yong matandang dalaga yong nag babantay" sabi ni Danver saka binaba na yong pinabili namin sakanya.
"Nakita namin si Sir Alexander kanina. Nag tanong kami about sa reporting namin. Medyo naguluhan din kasi kami kung saan don yong irereport namin" ani Danver.
"Oh? Dapat pala Dani sumama ka na sakanila para matanong mo rin iyong sayo." si Violet.
"Mabilisang paliwanag nga yong ginawa nya saamin eh. Hinahatak na kasi sya ni Ms. Cruz." dagdag pa.
"Ms. Cruz? Yong sexy na professor. At adviser sa SSG." tanong ni Violet.
Tumango si Danver saka nilingon ako "Anong concern mo sa report mo Dani?"
"Ah.. topic din." tipid kong sagot saka pinag tuunan na ang pag kain habang nakikinig sakanila.
"Galing din pumili ni Sir Alexander no? Sexy kaya ni Ms. Cruz! Tiba tiba ka don" tumatawang sabi ni Joe.
Kunot nuo si Violet "Hindi ko matandaan na may girlfriend na pala si Alexander." nag iisip na sabi nito.
"Girlfriend agad? Malay mo chicks lang ni Sir" sagot ni Joe.
"Excuse me. Mas matino naman si Alexander kaysa sayo no. Babaero" irap ni Violet.
Hindi ko na malasahan iyong kinakain ko ngayon. Parang biglang naging mapait. Mabilis ko na lang na inubos ang pag kain ko. Saka nag paalam sakanila.
"Oh ang bilis mo naman matapos Dani?" Joe
"Mag toothbrush lang ako." seryosong sabi ko.
"Sabay na ako!" nag mamadaling sabi ni Violet.
"H-hindi na! Dadaan pa ako sa SC Building."
Tumigil naman sa pag kain si Violet. Nahagip ko ang kakaibang tingin sakin ni Danver. Pumikit muna ako saka umalis na. Dumiretso ako agad sa comfort room ng girls. Binuksan ko yong faucet saka nag hilamos ng mukha.
Bakit bigla bumigat ang dibdib ko kanina. Parang hindi nagugustuhan ang naririnig sakanila.
Ilang minuto ata ako nag ayos ng sarili ko doon bago ako bumalik sa library. Nakita ko na silang nag liligpit ng pinag kainan nila. Tumulong na din ako.
"May program?" tanong ni Violet.
"Huh?"
"Galing kang SC Building diba?"
"Ah. Yong Buwan Ng Wika. Gaganapin na lang sa September."
Pumasok na kami sa first period ng hapon. Naging maayos naman ang daloy ng klase kahit may mga ibang inaantok. Kapag ganito talagang tanghali, nakakaantok. Pero aprang hindi ako tinatablahan ng antok ngayon. May bumabagabag sa isipan ko.
"Ms. Cruz! Ano pong oras ang meeting bukas?" rinig kong tawag ng estudyante sa labas.
Nakita ko yong isang estudyante na hinahabol si Ms. Cruz sa corridor. Sumunod sa hawi ang straight na buhok ni Ms. Cruz at ngumiti sa estudyante. Kung si Alexander ang campus crush na Professor para sa mga babae. Si Ms. Cruz naman ang para sa lalake. Hindi lang sa maganda ito at mabait kundi talagang may ibubuga ito sa pag tuturo sa sobrang talino. Take note: Math Major.
Bumalik ang tingin ko sa harap ng mag announce ang Professor namin sa biglang quiz nya. Great. Mabuti nakinig ako.
"Hintayin nyo ako ah. Puntahan ko lang si Alexander." paalam ni Violet saamin pag kalabas.
Mabuti naman at hindi na nagtanong yong dalawa dahil busy sila sa pag tawa sa nakuha nilang score sa surprise quiz kanina.
"Ang gago kasi bakit may pa-surprise quiz pa yon!" natatawang sabi ni Danver.
"Let's just accept it na hindi tayo mag tatapos sa college!"
Nilibang ko na lang ang paningin ko sa mga building na sinisimulan na nila lagyan ng dekorasyon para sa Buwan ng Wika. Bukas may meeting kami para rito. Hindi ko alam pero parang ayaw ko muna makita si Herold.
"Dani!" sigaw ni Violet. Nilingon ko sya. Medyo malayo pa sya saamin. Kinawayan nya ako at pinapalapit.
Hindi na ako nag paalam pa sa dalawa at nilapitan na si Violet.
"Bakit?"
"Ayaw ipaliwanag sakin ni Alexander yong sayo. Ikaw dapat ang pumunta sayong report daw iyon at hindi sakin."
Napapikit ako saka nag timpi.
"Okay. Pakisabi don sa dalawa na hintayin ako." sabi ko saka nag lakad na papunta sa office ni Alexander.
Ano ba problema non at kailangang ako pa ang pumunta tsk. Nakabusangot kong binuksan ang pinto ng office nya. Hindi na ako kumatok pa.
"Yong sa report ko—"
Hindi ko na natapos pa yong sinasabi ko sa nakita ko. Napasinghap ako ng makita si Ms. Cruz na nakakandong kay Alexander at nag hahalikan.
"Oh my God!" nanlaki ang mata ni Ms. Cruz ng makita ako sa harapan nya. Bigla sya umalis tumayo.
"D-danica! Andito ka pala.."
Tumigas ang mukha ko. Parang gusto kong sabihin na 'Yes Ma'am andito ako, sadyang masyado kayong busy mag halikan!'
Alanganing ngumiti si Ms. Cruz saka inaayos ang sarili. "A-ah kamusta yong program for Buwan ng Wika?"
"Ayos lang po." pormal kong sagot.
Lumunok si Ms. Cruz saka nilingon si Alexander na nakaupo ng kalmado sa swivel chair nya. Diretso ang tingin saakin. Gusto ko sya taasan ng kilay. At sabihing 'Enjoy mo?'
Nag mamadali na umalis si Ms. Cruz. Pag kasara ng pintuan saka ko sinalubong ang titig ni Alexander. Sobrang tahimik. Parang may anghel na dumaan.
Danica speak!
I composed myself "Yong sa report ko. Gusto ko lang malaman kung saan don yong topic ko. Andami kasi. Lahat ba iyon?"
"Are you avoiding me?"
"Huh?"
"Bakit hindi ikaw yong pumunta kanina dito? Si Violet pa ang inutusan mo."
"Andito na nga ako oh!" salubong kilay na sagot ko.
Tumaas ang sulok ng labi nya. Ano nakakatawa?
"Para kang bata.." he shook his head.
Halos manlaki ang butas ng ilong ko sa sinabi nya saakin. Ako? Bata? 20 years old na ako! Saan ang bata doon? Hindi ko na lang pinansin yong mga sinasabi nya.
"Alexander yong sa report ko. First reporter ako. Kailangan ko na malaman." at gusto ko na rin umalis dito.
Tumaas ang kilay nya "Bakit kasi hindi ka nakinig?"
"Anong hindi nakinig? Tinuro mo lang tapos ang komplikado pa ng tinuro mo. Hindi ko alam kung saan doon!"
Naiinis ako! Naiinis ako dahil kahit iritado ba ako sa harapan nya ay nagagawa pa rin nya maging kalmado. Mukhang hindi naaapektuhan.
"Kung ano ang sa tingin mo tinuro ko. Iyon ang i-report mo."
"Madami yon!"
He just shrugged his shoulder " Edi lahat yon."
Napaawang ang labi ko. Oh.. This man! Ah! Unbelievable! Huminga ako ng malalim bago nag iwas ng tingin.
Fine!
Fuck!
Tumalikod na ako ng naramdaman kong may mainit na kumakawala sa gilid ng mata ko. Hindi ko alam kung para saan ito. Kung dahil ba sa sobrang dami ng topic na irereport ko o dahil sa nakita ko kanina.