TITIG na titig si Aya sa mukha niya si Adam, habang sinusunod ng pahid ng kamay nito ang naghalong tubig at luha sa pisngi niya. Walang anu-ano’y bigla na lang nito siniil ng halik ang bibig niya. Nawindang siya sa hakbang nito’ng iyon. Subali’t hindi niya nagawang tumutol nang mamayani ang bayolenteng init sa kanyang kaibuturan dulot ng mapusok nitong halik. Ibinuka niya ang bibig at sinusundan ang kilos ng mga labi nito. Umungol ito dahil sa agarang pagtugon niya. Inalipin ng nakapanlumong init ang katawan niya nang magsimulang humaplos ang mga kamay ni Adam sa maseselang parte ng kanyang katawan. Hindi nito pinaghiwalay ang mga labi nila hanggang sa itulak siya nito padikit sa dingding. Kinakapa niya ang hubad nitong katawan ngunit mas malilikot ang mga kamay nito. He cupped her breas