HINAYAAN ni Adam na gawing unan ni Aya ang balikat niya. Hindi niya pinansin si Bob na panay ang sipat sa kanila habang nakaupo sa tabi ng driver. Wala siyang pakialam sa masasabi ng iba sa kanya-basta siya ang masusunod sa buhay niya. Maya-maya ay nabitawan ni Aya ang hawak nitong cellphone. Marahil ay kinuha nito iyon sa security office kanina bago sila umalis. Pinulot naman niya ang cellphone nito saka binuksan. Mukha kaagad ni Aya ang lumabas sa screen. Tinitigan niya maigi ang mukha nito sa wallpaper. Noon lang siya nakombinsi na may kakaibang ganda ang dalaga. Natukso siyang buksan ang image profile ng cellphone. Wala kasi itong lock screen. Tumambad sa kanya ang sandamakmak na larawan ni Aya na kuha sa Japan. Pero ang umagaw sa pansin niya ay ang larawan nito na may kasamang guwa