Ten minutes before six o’clock ay nasa labas na si Jewel, kaya naman agad na dinampot niya ang dalawang regalo at tuloy tuloy na lumabas ng bahay. “Nasaan ang kaibigan mo?” “Ayon may biglaan raw client kaya hindi makakasama.” “Shall we?” sabay bukas niya ng pintuan ng kaniyang kotse. “Thank you.” Habang nasa daan sila ay hindi maiwasan ni Caithlyn na pagmasdan ang katabing lalaki. Totoo ang sinasabi ng kaniyang best friend, lalo nga itong nagging gwapo ngayon. Ang pagiging matured nito ay nakadagdag pa ng s*x appeal nito, lalo na ang katawan na halatang alaga sa ehersisyo. Hindi tuloy niya maiwasang balikan sa alaala ang mga panahong nasa colegio sila. Ang katangian nito na unang-una niyang nagustohan, pati na ang ugali na napaka maginoo at ang pinaka gusto niya ay ang hindi matatawar