Ilang ulit pang tinawagan ni Rusty si Lewis at lihim siyang nagpasalamat nang may sumagot sa kabilang linya. “Boss, ito kausapin mo na at nasa linya na siya.” Sabay abot niya ng cellphone sa kaibigan. “Lewis, I need you right now at magdala ka ng magagaling mong kasamahan. Tell them double pay kaya wala silang dapat na alalahanin.” “Sigurado ka ba na hindi kami magkikita ni Monster Hunter?” “Bakit naman, anong ipinag-aalala mo kung sakaling magkita kayo?” “Wala naman brother, ayaw ko lang na mag krus ang landas naming dahil siguradong hindi iyon papayag na makalabas pa ako ng bansang Pilipinas.” “Bakit gano’n ba kalaki ang naging laban ninyo noon kaya iwas na iwas ka sa kaniya?” “Hindi, pero alam natin pareho na sangay ng gobyerno ang kinabibilangan ng lalaking ‘yon.” “Okay fine! Di

