“SIGURADO KANG DITO MO gustong kumain?” “Oo naman. Ang sarap kaya ng mga pagkain dito. Hindi mo ba nakita ‘yung mga piktyur ng pagkain nila doon sa may pinto?” “Nakita.” “O, di ba? Magtiwala ka sa mga pagkain sa mga ganitong lugar. Tsaka kahit ano naman kinakain ko kaya huwag kang mag-alala na may matitira sa ililibre mo sa akin. Uubusin ko lahat iyon. Bekos ay lab fuds!” “Why do you always have to shout?” “Teka, hindi pa ako tapos. ‘Yung pinakapaborito ko sa lahat ng nakain ko na dito sa Sagada, ‘yung lemon pie. Lalo na ‘yung maraming foams.” Mukhang sumuko na si Matthew sa kadaldalan ni Berry. Mabuti kung ganon. Dahil kailangan niyang mailayo ang linsyak na kaguluhang nararamdaman niya, salamat sa pinaggagagawa ng binata kanina. Pasimpleng kinamot ni Berry ang parte ng leeg niya